Paano pumatay ng tao?
Mahalin mo siya ng sobra pagkatapos ay iwan mo na.
"Carla, alam mo bang monthsary namin ngayon ni Lester! Excited na akong makita siya kasi nararamdaman kong may surpresa siya." Masayang pahayag ni Vanessa, team mate ko.
"Ganun ba? Congratulations!" Ngumiti ako, pero halatang pilit.
At doon nagtapos ang pagtatapang tapangan ko, akala ko kasi kaya ko. Hindi pala, mas masakit. Alam ko naman, kasalanan ko lahat ito. Pero wala akong pinagsisihan. Wala dapat akong pagsisihan.
Nagmahal ako ng sobra at wala nang itinira sa sarili ko. Naniwala ako, marami na silang nagsasabing tumigil ako. Heto ako ngayon, wasak. Wasak na wasak. Sino ba naman kasing hindi mabubulag, totoo lahat eh.
Pero masaya ako dumating siya sa buhay ko, ipinaalam niya ang lahat ng dapat kong malaman. Ipinakilala niya ako sa mundo. Ipinahiram niya ang puso niya sa akin kahit tatlong taon lang. Masaya nga ba ako?
Naglalakad ako na para bang wala na akong bigat patungo sa rooftop ng building na kasalukuyan kong pinagtatrabahuan. Wala akong balak magpatiwakal, ang nais ko lang makahinga.
Mahirap pala magpanggap sa harap ng iba. Mahirap maging masaya para sa iba, habang ikaw ay halos ikamatay na ang sakit na nararamdaman. Pero ayaw mong maging selfish, kaya pilit ka pa ring bumabangon, suot ang peke mong pagkatao. Mali, suot ang peke mong matibay at matatag na pagkatao.
Mahirap pala gumising araw-araw habang pakiramdam mo wala nang kulay ang paligid mo. Mahirap isipin na hindi mo na nagagawa ang mga ginagawa mo dati. HIndi dahil hindi mo kaya, pero dahil wala na siya sa tabi mo para suportahan ka.
Ilang buwan makalipas ang aming pagtatapos ay nakahanap na agad kami ng kaniya-kaniyang trabaho ni Travis. Masaya ako para sa kaniya dahil alam kong dream company niya iyon. Pero hindi ko inakalang hahantong kami sa ganito. Kinamumuhi ko ang araw na nawalan na ng init ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko nakita ang pagdating ng unos na ito, hindi ko napaghandaan. Hiniwalayan niya ako.
Distansya. Iyon na naman ang sumira sa amin. Nakahanap na raw siya ng iba.
Bumagsak ang luha sa mga mata ko. Pwede kayang sumigaw? Bakit pakiramdam ko wala akong kwenta? Bakit wala akong nagawa para pigilan ang pagdating ng babaeng iyon sa buhay niya.
Distansya. Walang hiya 'yan.
"Bakit ang unfair mo Travis?" Kausap ko sa hangin, "Pinaniwala mo akong may forever tapos ngayon iiwan mo ako? Isa kang malaking joke na kahit kailan ay hindi ko mage-gets."
Akala ko ba hindi niya ako sasaktan, pinangako niya sa akin na hindi niya ako sasaktan. Pero bakit niya ginawa sa akin ito? Siya pa talaga ang nanguna. Kung tutuusin, sana nga inoperahan na lang ako ng walang anesthesia. Mas matatanggap ko pa siguro.
"Umiiyak ka na naman." Lumabas si Sir James mula sa gilid ng barikada na naghihiwala sa dalawang pasilyo.
Siya ang Team Leader ko, madalas ay kabarkada na ang turing namin sa kaniya dahil halos ka-edad lang nman namin.
"Pasensya na, hindi ko na mapigilan."
Humithit siya sa sigarilyo at nagbuga sa hangin, "Kung hindi mo na kaya nariyan naman ang banyo. May Tissue paper rin naman tayo. Wag mo nang pigilan."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kahit na nainis ako sa pamimilosopo niya. Mas matindi 'yong sakit sa puso ko at wala na itong lugar para sa isa pang pakiramdam.
"Sinaktan ka na naman niya?" Limang salita. Limang Salita na ayoko na muling marinig.
Ito ang nag-umpisa ng tatlong taon na sa ngayon ay gusto ko munang kalimutan. History repeats itself sabi nga nila, pero hindi sa ganitong paraan.
Huminga ako ng malalim.
"Kaya ko pa."
"Sabihin mo lang, handa akong saluhin ka."
Napangiti ako.
Naniniwala pa rin ako sa forever at naniniwala pa rin ako sa Happy Ending, pero hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko. Hindi man si Travis iyon, pero alam kong may inilaan ang Diyos para sa akin.
BINABASA MO ANG
Sa Kadahilanang Walang Forever (One Shot)
Romansa"Pinaniwala mo akong may forever tapos ngayon iiwan mo ako? Isa kang malaking joke na kahit kailan ay hindi ko mage-gets." Note: Medyo totoo ang mga hugot dahil based on a true story