WF 2

28 1 0
                                    

"Akala ko ba nililigawan ni Travis si Lindsay, bakit sila na ni Carla?"

Dinig na dinig ko ang pagbubulungan ng mga kaklase kong tsismosa. Marahil ay nabigla nga talaga sila kung bakit ako pinatulan ni Travis, na mula nang magtransfer sa school namin ay isa na sa mga tinitingala ng mga kababaihan.

Una siya napabilang sa grupo nila Lindsay, grupo ng mga sikat. At oo, niligawan niya nga si Lindsay. Pero tapos na iyon. Wala namang kinahantungan.

"Ba't nakasimangot ka na naman?" Bulong ni Travis sa tabi ko.

Matapos niyang bitawan ang mga salitang nagpapahiwatig na mahal niya ako, nagkaroon ng sandaling ligawan.

Marami nga ang nagsasabi mag-ingat daw ako sa kaniya dahil kilala siyang playboy noong High School.

Hanggang sa humantong kami sa ganito. Kami na nga. At doon mas lalong maraming nagtaka dahil iniisip nila na isa lang ako sa mga babae ni Travis. Na lolokohin lang din niya ako. Pero sadya yatang nahulog na ako at wala na akong pakialam sa kung ano man ang sinasabi nila.

Hindi naman ako nagrereklamo, sa mga nagdaang araw na siya ang kasama ko, pinunan niya ang lahat ng butas sa puso ko.

Pinilit niya akong intindihin. Masaya kami. Masaya ako sa kaniya. Pero sadyang malubak ang kalsada, gaya ngayon.

"Wala." Pag-iwas ko sa tanong niya at nagpakawala ng pilit na ngiti saka yumuko at nagpanggap na nagbabasa para sa paparating na exam namin mamaya.

"Alam ko naman kung ano ang pinuputok ng butse mo."

Lalo akong napasimangot, at napabuntong hininga na lang.

Ano nga ba naman kasi ang laban ko kay Lindsay, aminado naman ako ni higit na mas maganda siya, matangkad, mabait at 'Darling of the Crowd' ika nga nila.

Samantalang ako, maingay at babaeng bakla kung ituring. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba kahit na abot kabilang building pa ang mga halakhak ko. Pero dati 'yon. Bago pa kami maghiwalay ng ex ko. Alam ng lahat ang pinagdaanan ko mula noon.

"Okay lang ako.''

Isiniksik niya ang sarili sa akin at hinalikan niya ako sa noo. It was a short five second kiss, but it felt like it will be forever etched in my skin.

"Hayaan mo sila, inggit lang lahat yan dahil sa'yo ako."

Iyon lang ang ginawa niya, pero panatag na ako. Wala na siyang ibang kailangan pang sabihin at hindi ko na rin papansinin ang sasabihin ng iba, ang mahalaga...akin siya.

Sa Kadahilanang Walang Forever (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon