Noong unang panahon ang bayan ng Santa Barbara ay pinapamunuan ng mga kastila, isa sa pari na ito ay si Padre Santibanes. Siya rin ang namamahala ng bahay ampunan katulong ang mga madre , binabantayan nila at inaalagaan ang mga batang pinapabayaan at iniiwanan na lang ng kanilang mga magulang sa labas ng pinto ng simbahan , o kaya naman ay sa mismong bahay ampunan. Ngunit isang araw ang kastilang si Padre Santibanes ay may dumating na panauhing pandangal mula sa Inglatera na tila may mababanaagan kang misteryo sa kanilang pagkatao. Isang pamilyang galing Scotland ang dumating sa bayan ng Santa Barbara na nagngangalang George , Elizabeth at ang kanilang anak na si William. Maraming nakapansin na tila sa labas lang sila lumalabas at nagpapakita sa tao . Pagkagat ng dilim...........................
Isang malakas na ingay at iyak ang narinig ng taong bayan ......
Nanay Selya: Anak ko !!!!! gumising ka , gumising ka .( labas na ang bituka at wala na ang puso ng batang musmos)
Tata Felipe : Anong hayop naman ang gagawa nito?.... Walang hiya talaga at mga peste ang mga ligaw na lobo sa ating bayan ...( Biglang may dumating na matandang albularyo)
Albularyo: Hindi basta basta hayop ang gumawa nyan sa iyong anak, hayop ito na lumalabas lang tuwing gabi , uhaw sa dugo , gutom sa lamang loob ng tao , halimaw itong maituturing.
Tata Felipe: Anong klaseng halimaw naman ito ?...
Albularyo : NAg aanyong tao ito tuwing umaga at mabangis na halimaw tuwing gabi.
Nanay Selya: Walang hiya ang mga taong ganun , pati ang anak ko dinamay sa kababuyan at kasamaan nila, lintik lang ang walang ganti!!!!! Mula dumating ang pamilyang dayuhan na yan, Nagkaroon ng salot sa ating bayan
Tata Felipe : Tumpak nga iyang iyong sinambitla !!! NAmamatay at nawawala ang mga baboy at manok ni Aling Puring, akala nila may mga magnanakaw , yun pala ay may mga halimaw na kumakain nito. Tara sugudin na natin sila !!!!
Ang mga taong bayan ay nagkapit bisig upang puksain ang sinasabi nilang salot ng kanilang bayan , ang mga dayuhang dumating sa kanilang bayan . Sinunog nila ang bahay ng mga dayuhan . Binawian na ng buhay ang mag asawang si Elizabeth at si George ngunit ang batang si William ay inihabilin nila sa bahay ampunan dahil kakabalik lang nila galing sa karatig bayan.
Kinabukasan.......
TAta Felipe : (gulat na gulat sa kanyang ibabalita) Mga kababayan !!!! Nawawala ang bangkay ng mag anak na dayuhan !!! May dugo ako nilang nakia subalit wala ang katawan nila .....
Itutuloy sa kasunod na kabanata ....
BINABASA MO ANG
Melissa The Vampire Slayer
УжасыMelissa is a simple student , but there's a time na nadiscover nya na may gagawin syang choices na nakatadhana sa kanya, Gagawin nga ba nya yong naka destined sa kanya or mas pipiliin nyang maging normal na estudyante