Unang araw ng bakasyon at nakahiga lang ako sa kama habang nagbabasa ng libro.. Wala akong maisip na paraan kundi ang magbasa para malibang ako.Pagkatapos ng ilang minuto nagluto ako ng tanghalian at naghanda ng mapapanood sa tv para habang nagluluto makapaglibang ako...
Pasensya na hindi pa pala ako nagpapakilala.. Ako si Christian, Magiging highschool pa lamang ako sa pasukan.. Ako lang dito sa bahay dahil nag tatrabaho si ate, patay na ang mga magulang namin, naaksidente sila mama habang nagmamaneho si papa. Pagkatapos non ako na ang bahala sa bahay at pinapanatili ko itong malinis at maganda.
Nag iisip ako ng maluluto habang tumitingin sa baboy at mga gulay sa ref. Sa huli nag delata nalng ako at ininit ko ito. Wala kasi talaga akong maisip na maluluto sa baboy at baka masayang lang ito.
Masaya naman ang panonood ko habang kumakain ng meatloaf. Pagkatapos ng ilang minuto naghugas ako ng pinggan,humiga sa sofa at doon ulit pinagpatuloy ang panonood...
Thirdperson's POV
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakatulog si Christian...
"Christian!Christian! KAILANGAN NA NATING UMALIS!CHRISTIAN!!!!"
Nagmulat ang kanyang mga mata at doon niya nakita na ginigising nga talaga siya ng kanyang ate...
"Bakit ba teh,inaantok pa ako eh.."sabi ni Christian
"Wala ng oras para matulog!KAKALADKARIN KITA KAPAG HINDI KA PA NAGISING DIYAN!!!"Sabi ng kanyang ate.
"Oo na.Tatayo na!" tugon naman ni Christian
Mabilis siyang tumayo at naghilamos.
"Magbihis ka na.. Oh,eto suotin mo!" binigyan siya nito ng pang alis na damit at mabilis naman itong isinuot ni Christian.
"Saan ba tayo pupunta ate?"Sabi ni Christian
"Basta! Bilisan mo nalang diyan!" Tugon naman ng kanyang ate
****
Hello po! Author here! Eto na po yung Prologue ng kwento...Abangan po ang susunod na chapter..
Note:
Need ko po ng help niyo. Magbigay po kayo ng pangalan ng character at ako na po bahala na isali sila sa story..(pwede rin po kayo mag lagay ng ability or etc basta may kaugnayan po sa fantasy!) pm nalang po!Thank you po!!!

BINABASA MO ANG
Academy of Secrets
FantasyMeet Christian -- simple, masayahin, makulit siya at 15-yrs old na siya. Isang di inaasahang pangyayari ang magaganap na magbabago sa buhay nya. Samahan si Christian sa kanyang pagsisimula sa isang paaralan na punung-puno ng hiwaga... Ito ang "Aca...