Chapter 2: Pagkalito

14 1 0
                                    


Christian's POV

Anong ibig sabihin niya? Mythic Enchanter? Anong ibig sabihin non?

Umupo na ako sa bakanteng upuan at tamang tama na katabi ko si Nathalie. Nagulat nalang ako ng biglang bumalibag ang pinto at pumasok ang isang guro sa kwarto. Napalunok ako ng laway don ha.. Nakakatakot!

"I am ms. Katherine Aquantus!"

♦ Si Katherine ay ang guro ng 1st year Virgo at isa siya sa mga terror teacher sa Academy

Maldita, Masungit, Marahas pero minsan nasa mood kaya mabait

Slim ang pangangatawan at 5'6 ang kanyang tangkad. 39 years old na ito.

Isa siya sa mga Mythic Enchanters at ang kanyang kapangyarihan ay may hawak ng tubig. Isa sa ga kapangyarihan niya ay ang "Wave ball", kaya niyang patumbahin ang mabibigat na kalaban sa paglulunod nito sa isang malaking bola ng tubig.

Note:kayo nalang ang mag imagine kung ano ang itsura niya! XD ♦

"Ok mr. Dominguez,state your name and how old are you!"

Lumapit ako sa unahan at nagpakilala.

"Ako si Christian, Christian Dominguez at 15 years old na po ako!"

Napapaisip ako kung bakit taon ang tinanong sakin pwede naman address.

"Ok Christian take your seat.."

Umupo ako at sinimulan na ng guro ang klase.. Pagkatapos ng isang oras nagpaalam ito at umalis sa klase.

Lahat naman ng mga kaklase ko ay busy sa paguusap o busy sa kanilang mga ginagawa.

Nakaka-awkward nga lang. Ako tahimik dito tapos sila ang ingay ingay nila.

"GOODMORNING CLASS!!!"

Lahat ng mga kaklase ko napatigil.

"Ok,good! Im sir Oscar Voitus!"

♦Oscar Voitus. Isa siyang mythic Enchanter at ang kapangyarihan niya ay ang pagpapalakas ng kanyang boses. Pwede rin siyang makasakit ng tao sa isang napakalakas niyang sigaw.

Masayahin,mabait at mapagbigay. Isa siya sa mga mababait na guro sa paaralan

Matikas ang kanyang katawan.33 taon lamang ito at may taas na 5'9

Note:kayo nalang ang mag imagine kung ano ang itsura niya! XD ♦

"Ako ang hystory teacher niyo today. May una akong tanong sainyo! Ano ang mga houses o grupo na pwede niyong salihan dito sa paaralan?"tanong ni sir

May tumaas ng kamay

"Um.. Ang Dragon Empire,ang house na ito ay marahas,malupit at nakakatakot. Ang Unicorn Empire,sila ang kabaliktaran ng Dragon Empire dahil ang mga ito ay mababait,mapagbigay, at higit sa lahat mga mapagmahal... Ang Griffin Empire naman ang mga negosyante sa paaralang ito. Sila ang laging nagbebenta dito sa paaralan at mahilig din sila sa art at marami pang iba.. Ang Phoenix Empire, sila ang mga gifted,ibig sabihin may mga kakaibang mga skills,power,authority at mostly sa mga ito ay mga rare Mythic Enchanter at kahit kelan ay wala pang tao na nakapasok dito..."sabi nung babae na nagsalita.

Parang ako yung naubusan ng laway sa pananalita niya ha.. Anong kaya ang ibig sabihin na puro rare na mythic enchanter ang nandito at wala pang tao na nakapasok? Hindi ba sila tao? Para silang baliw! Mga tao din sila ah. Baka rin naman yun ang student name ng school. Mga enchanters? Pang fantasy yun diba?

Academy of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon