Chapter 1: Ang Paglalakbay

35 1 0
                                    

Pls vote and comment para po malaman ko po yung opinion niyo! Thank you po!
+++++++

Chapter 1

Christian's POV
Habang nagmumuni-muni ako sa kotse nakatingin naman si ate sa daan... Mantakin mo naman umalis kami ng hatinggabi, pwede naman kasi bukas pero sabi niya bawal na daw..

Wala akong magawa at nangangawit na yung pwet ko sa kakaupo. Ang tagal kasi ng byahe eh..

"Saan ba tayo pupunta ate? Ang sakit na ng pwet ko eh.."Sabi ko

"Malapit na tayo kaya manahimik ka nalang diyan!"tugon naman niya

Ang sungit naman ng ate ko ngayon, Bakit kaya? Meron yata ngayon eh.. hahahaha!

Pagkatapos ng ilang minuto may dinaanan kaming kagubatan at sa dulo ng kagubatang iyon ay may isang napaka gandang lugar at may lungsod sa kadulu-dulohan noon.

Tinitignan ko ang magagandang halaman at isang malaking lawa,doon
umiinom ang mga hayop katulad ng kambing,ibon at usa. Napaka ganda ng lugar na ito. Hindi ko alam kung paano napanatili ng mga tao rito ang lugar na ito.

Nakakita naman ako ng mga ibon na lumilipad at parang kakaiba ang mga ito. Para silang Phoenix pero imposibleng mangyari yun dahil kahit sa tanang buhay ko walang ganun sa mundo.

Pagkatapos ng ilang minuto nakapasok na kami sa lungsod. Hindi ko ineexpect na ganito ang magiging itsura ng lungsod. Para lang siyang bayan pero nakalagay sa harapan ng gate "City of Orinma" ang weird noh.

"Malapit na tayo!"sabi naman ni ate

Tumango lamang ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga ang city na toh parang nakakakaba.

Pagkatapos naman ng ilang minuto nakarating kami sa bahay at not bad naman ang itsura ng bahay. Nagparking muna si ate sa harap ng bahay at bumaba kaming dalawa. Kinuha naman ni ate ang mga bagahe habang hawak-hawak din niya ang susi ng bahay.

"Ate, ang ganda naman dito!"
Sabi ko sakanya

Tumango lamang ito at binuksan ang pinto. Pagpasok namin sa pinto parang namalikmata akos a nakikita ko ngayon, kinusot ko ito pero mukha talaga itong totoo. Npakaganda ng bahay! Nakaayos ang lahat ng mga gamit at malinis ang sahig.

"Ate Cristelle, totoo ba toh?" Tanong ko kay ate

♦Si Cristelle ay ang nakakatandang kapatid ni Christian.

Matapang,Maldita at Marahas pero sa loob nito ay sweet ito at mabait!

Slim ang pangangatawan st 5'5 ang tangkad..23 years old.

Note:kayo nalang ang mag imagine kung ano ang itsura niya! XD ♦

Tumawa lang ito at dinala ang mga bagahe sa kwarto.

"Mamaya iiwanan kita dito sa bahay pupunta na ako sa sa opisina mag tatrabaho pa ako."sabi ni ate

"Sige teh!"Tugon ko

Pumunta ako sa kwarto at inilabas ang mga picture frames at libro. Magiging masaya yata ang araw ko ngayon ha. Ang ganda talaga eh. Subukan ko nga humiga sa kama!

Academy of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon