Chapter 2 *The Book*

73 1 0
                                    

Chapter Two - The Book 

--XxxxX--

Cassandra's POV

Hindi ko alam kung anong meron sa librong yun at kanina pa nilang binabasa. Kilig na kilig pa yung tatlo kong kaibigan, walanjo!

Pagtatagyaan ko na lang basahin yung Noli Me Tangere ni Jose Rizal, kesa magbasa ng isang lovestory.

"Cass!!! Casssss! Halika daliiii!" sabi sakin ni Jelai saka ako hinila. Ba't ba ang hilig niyang manghila?

"NUMBER ONE! Nagkakahiyaan kayo sa isa't isa. Yung tipong blablablabla" malakas na sabi ni Jelai, Dinaig pa yung speaker sa kakasigaw. Tuloy tuloy lang siya sa kakadada dun, si Gly, Trish at mga echoserang mga kaklase lang namin ang nakikinig sa kanya. Para saken, HINDI SIYA INTERESTING! tsss

"Goodmorning Ma'am." bati ng ibang mga kaklase ko, dali-dali namang tinago ni Jelai ang librong binabasa nila kanina saka pinalayas ang mga echoserang kaklase namin na nakikiusosiyo.

"Goodmorning, please take your seats" sabi ni Ma'am. Umupo naman ang mga kaklase ko.

"Okay, Uhmmm. Please get your book and read page 34 and 35" sabi ni Ma'am saka namin kinuha ang English Book namin.

Dahil nasa likod ako ni Jelai, kitang-kita ko na itinayo niya ang libro niya para matakpan ang librong binabasa niya kanina, yung 10 signs. Para kunyaring nagbabasa siya.

Ngiting-ngiti naman ang bruha sa binabasa.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa English Book saka nagbasa.

Nakakarinig ako ng steps na papalapit samin, and BANG!

"Ms. Jereine Laisa Dizon. May I read that book?" sabi ni Ma'am habang nakangiti. 

Napayuko si Jelai sabay bigay ng libro.

*KRINGKRING*

Hayyy! Sa wakas! Time na rin.

"Ms. Jereine Laisa Dizon, ou can get your book in the Principal's Office before dismissal time, Goodbye Class" sabi ni Ma'am saka umalis ng silid-aralan.

Napasimangot si Jelai sa kanyang narinig.

Tumayo na kami nina Trisha saka lumapit kay Jelai.

"Tara na?" sabi ni Trish saka kami lumabas ng classroom para mag-break.

"Hay nako, ayan kasi. Basa ng basa nun eh hindi naman yun yung pinapabasa" sabi ko kay Jelai na kasalukuyang naka-pout.

"HMP!" sabi lang ni Jelai sa akin.

"Hayy nako! 'Pano na yan?" sabi naman ni Gly na medyo malungkot dahil kinuha ni Ma'am ang librong nagustuhan niya.

"Ewan ko nga eh" sabi ni Jelai na nakasimangot.

"Ang importante, makukuha niyo parin. 'Diba?" sabi ni Trish na cool na cool parin.

"Palibhasa hindi sa'yo yun kaya ganyan ka makaasta" sabi ni Jelai kay Trish. 

"You don't get my point, ang sa akin lang, 'wag kang masyadong mag-alala dahil makukuha mo parin yun, kaya lang sa Principal's Office." sabi ni Trish

"Yun na nga eh! Hayy!!! Nakooo!!! Ewan ko na sa mga life niyo!" sabi niya saka nagwalk-out.

Tsk! May ganun pang nalalaman. 

10 Love Signs (o n - h o l d)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon