Chapter 3*disappointed*

32 0 0
                                    

Chapter 3- Disappointed

Cassandra's POV

Maaga akong nagising dahil sa sobrang init na nararamdaman ko. Tumatagaktak ang pawis ko. Pawis na pawis na rin ang likod ko. Nakaligtaan ko na nga ang hapunan ko, nakalimutan ko pa ang buksan ang aircon ko o kahit electric fan ko man lang. Mainit kasi dito sa kwarto ko lalo na't dito sa bintana ko unang tumatama ang sikat ng araw.

Bumangon na ako sa kama ko. Pagkatayo ko sa kama ko ay may nahulog na kung ano.

Tumingin ako sa ibaba, yung libro pala ni Jelai. Yung 10 signs.

Tumungo ako para kunin yun. Nagpalakadlakad ako hanggang sa pinto kahit na gulong gulo ang buhok ko. Letche para akong si sadako dito. May panis na laway pa ata ako sa tagiliran ng labi ko, may morning glory din ata ako.

Humawak ako sa hawakan sa hagdanan para suportahan ang sarili ko. Para akong jelly, nanlalambot ako.

Pero tanga nga talaga ako.

"HARUJUSKO PO--ARAY! JUSKO! GISING NA PO AKO LORD-- A--AMEN!" sigaw ko nang magdirediretso ako sa hagdanan habang nakahawak parin dun sa hawakan ng hagdanan. Sa ngayon, para akong jelly na nilagay sa freezer dahil naninigas ako sa kinauupuan ko.

Ang sakit ng pwet at likod ko. Kainis!

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! Hashtag Tanga Hashtag Panis na laway Hashtag Luka Hashtag Messy Hair Hashtag Morning Glory Hashtag My Sister. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabi ni Grasyel habang hawak hawak ang iPhone niya. Pinipicture-an ako. Bwiset na bata 'to! Nakakaasar.

Tumayo na lang ako at dumeretso sa banyo. Baka kung ano pa ang magawa ko jan.

*** 

"O, tara na anak. Kain na kayo." sabi ni Mama na nagtitimpla ng kape.

"Ma, male-late na po ako. Sige po bye." sabi ko kay Mama saka humalik sa pisngi niya.

"Ha? Six pa lang anak. 7 pa naman ang pasok mo eh." pahabol na sabi ni Mama pero tuluyan ko nang isinara ang pinto. Sa canteen na lang ako kakain baka kasi ma-clinic na naman ako e.

Maaga akong nakarating sa school. Kakaunti pa lang ang tao at wala pa sina Gly. Pumunta ako sa canteen at bumili ng sandwich.

Umupo ako sa table at saka nagbasa ng 10signs habang kumakain.

"Hot chocolate?" may naglagay ng isang paper cup sa table ko habang nagbabasa ako.

Tumingala ako at nakita ko si Ken na nakangiti sa akin.

"Upo ka." sabi ko saka ako umisod.

"Salamat nga pala sa hot chocolate." sabi ko saka ibinaling ang tingin sa libro. Napapaigting ang hawak ko sa libro sa sobrang kakiligan ko.

"No problem." sabi niya sa akin. Tumingin siya sa librong binabasa ko.

"Ano 'yan?" usisa niya.

"10signs, sa crush crush. Ganun." maikling sagot ko.

"May crush ka din pala. Hahaha." sabi niya saka tumawa.

"Hmmp! Nangaasar ka ba?" o baka naman nagpapakilig?

"Hindi ah. Hahahaha." sabi niya habang tumatawa parin.

"Ang aga aga nangtritrip ka." ang aga aga nagpapakilig ka. Hmp!

"Hahaha, sorry na. May itatanong lang sana ako sa'yo." sabi niya saka tumigil sa kakatawa. Sumeryoso ang mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Love Signs (o n - h o l d)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon