A

3.9K 100 16
                                    

Chap dedicated to @vienmarsha :)

-------

Too loose

Inayos ko ang malaking glasses sa mga mata ko. Nakaupo ako sa pinakaharap. The typical seat for a nerd like me.

"Hi Barbie, can I get your number?" Napalingon ako sa may pinto. Nakita ko ang isang maputi at sexy na babaeng papasok ng classroom. Si Barbie. Isang hearthrob ng campus. Cliché ba? Ganun talaga. Pero may twist.. kase ang maganda, sexy, mayaman at habulin ng lalake na si Barbie ay bestfriend ko. I don't know how it happened. We were the complete opposite. Basta isang araw bigla niya lang ako kinausap and then tadaa.. we're bffs! Siguro nga totoong opposite attracts.

Going back..

Bahagya akong napangiti nang dahan-dahang umiling si Barbie dun sa lalakeng humihingi ng number niya.

"I'm sorry. Hindi pwede eh," She apologised and smiled genuinely to the guy. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa upuan niya. Sa tabi ko.

"Hi bestie!" Masiglang bati niya sabay beso saakin. Ngumiti lang ako at naiilang na nakipagbeso sakanya. Hindi ako sanay sa mga ganito. Although magkaibigan na kami ni Barbie for almost two years, hindi parin ako nasanay.

Maya-maya'y nakarinig nanaman ako ng chismisan tungkol sa akin. Bakit daw ako ang bestfriend ng isang dyosa na si Barbie. Dapat daw hindi siya sumasama sa mga tulad ko kase hindi kami magkalevel.

Bumuntong-hininga ako. Palakas nang palakas ang mga usapan nila tungkol sa akin. Meron pang mga lalake na pinagtatawanan ang malaking glasses ko.

"Dude, ang pangit niya talaga."

"Oo nga dude, lalo na ngayon na katabi niya si Barbie."

"Umaangat tuloy ang kapangitan niya!"

Nagtawanan sila. I looked at Barbie na ngayon ay walang kamalay-malay kase masyadong malakas ang music sa tenga niya. Mas mabuti na siguro itong ganito. Kase kung hindi baka awayin pa ni Barbie yung mga kaklase namin.

Don't get me wrong. Mabait si Barbie. Pero ayaw niya sa lahat ay yung inaaway ako. She's been my knight in shining armor.

Kinalabit ko si Barbie para sana magpaalam na pumunta sa cr. Pero nung makita ng mga kaklase kong akmang kakalabitin ko si Barbie ay sinabihan nila ako ng sumbungera.

"B-Barbie," tawag ko.

Nilingon ako ni Barbie na may ngiti atsaka tinanggal ang earphones sa kanyang tenga. As excpected, tumahimik ang mga kaklase ko at nagkunwaring may ibang pinag-uusapan.

"Hmm?"

"Uhh., pupunta lang muna ako saglit sa cr."

Tumango siya at akmang tatayo pero pinigilan ko siya, "W-Wag na. Ako nalang mag-isa ang pupunta. Kaya ko naman." I smiled slyly.

"Are you sure? You know I don't trust the people here. Baka anong ga-"

"No, really, it's fine." I smiled. Tumayo na ako at hindi na inantay ang sasabihin niya. Habang naglalakad ay kitang-kita ko ang matatalim na tingin ng mga kaklase ko.

Muli kong inayos ang glasses ko atsaka kinagat ang labi ko.

Napabuga ako ng hininga nang makalabas na ako ng klasrum. Dumiretso agad ako sa cr. Nang masiguro kong walang tao ay hinarap ko ang sarili ko sa salamin atsaka hinayaang tumulo ang mga luha ko.

"Isang taon nalang, Iris. Isang taon nalang.." Nahihikbi kong bulong sa sarili.

Bumuhos ulit ang mga luha sa mga mata ko.

Kelan ba ako matatanggap ng mga tao sa paligid ko? Ever since, I've been the laughing stock of everyone. Pilit ko namang iniiwasan ang mga mapanghusgang mga mata nila. Pilit akong tumatago sa mga anino. Pero lage parin nila akong napapansin dahil ang aninong pinagtataguan ko ay anino ni Barbie. Isang sikat at kilala sa school.

Pinilit ko namang makibagay. Pinipilit kong intindihin sila. Mga laki sa yaman kase sila kaya spoiled. Pero kase.. ang sakit nilang magsalita. Wala naman akong ginagawa, ah?

Pinunasan ko na ang mga luha ko. Inalis ko ang glasses ko atsaka naghilamos. Pero bigla akong nakarinig ng tunog mula sa isang cubicle. Napahinto ako. Agad kong sinuot ang glasses ko dahil masyadong malabo ang mga mata ko.

"Uhh..uhh..yes! Sige pa..isagad mo! Uhh, ang sarap!" Narinig kong ungol ng isang babae. Biglang umuyog ang mga cubicle. Kumunot ang noo ko. What's happening? Lumilindol ba?!

Then I heard a man's groan. Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit may lalake dito? Janitor ba yun? Pero diba dapat babae din ang janitor?

Isang malakas na ungol mula sa babae ang narinig ko. Tumigil na ang lindol. Narinig kong may kinakausap yung babae.

"You're so good and.. big, Gelo." Paungol na sinabi nung babae ang huling salita kaya hindi ko naintindihan. Sino kaya kausap nun?

"Next time?" Saad nung babae.

"No more next time," Narinig ko ang isang malamig na boses ng isang lalake. Yun na ba yung janitor? Bakit parang ang gwapo ng boses?

Narinig ko ang pagbukas ng lock ng cubicle. Agad akong nataranta at tumakbo palabas ng cr pero bago pa man yun ay narinig kong nagsalita yung janitor, "I'm not a fan of recycling. And you're too.. too loose."

Recycling?

Too loose? Ang alin?

Obsession Series III: KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon