B

3K 93 15
                                    

Wala sa sarili akong naglalakad sa hallway pabalik ng klasrum. Mukhang wala din namang teacher ngayon kase busy sila sa pagpplano tungkol sa nalalapit na senior's prom namin.

Napagdesisyunan kong pumunta nalang muna sa likod ng library kung saan may malaking puno upang doon magpalipas ng oras. Mamaya nalang ako babalik ng klasrum. Di ko pa yata kayang makarinig ng insulto mula sa mga kaklase ko.

"Gago ka pare!"

Napahinto ako nang makarinig ako ng tawanan. Nagtago ako sa may halaman at sinilip kung sino ang naroon. Nakita kong may mga lalakeng tumatambay at may iilang babae din. May mga hawak silang sigarilyo at iilang alak.

Hindi ba bawal 'to?

Napasinghap ako nang may dalawang magkasintahan na biglang naghalikan. Agad kong nilagay ang dalawang kamay ko sa aking mga mata. Ang bilis ng hininga ko at dali-dali akong tumalikod para tumakbo palayo. Kaso pagkaikot ko ay bigla akong tumama sa isang matigas na bagay. Napasapo ako sa ilong at noo ko.

"What are you doing here?" Isang malamig na boses ang narinig ko. Bigla akong nanigas nang marinig ko ang boses na yun. It sounds familiar.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang nakakunot noo na si Gelo. Nanlaki ang mga mata ko. Inayos ko ang salamin ko at agad na umayos ng tayo atsaka nag-iwas ng tingin nang medyo nakita ko ang galit o pagkairita sa pinaghalong kulay asul at berde nitong mata.

"S-Soryy.." Napiyok kong bulong atsaka natatarantang umalis doon pero agad niyang hinila ang braso ko at ibinalik niya ako sa pwesto ko.

"What the fuck are you doing here?" Mariin niyang saad at tila nagtitimpi ng galit.

Napalunok ako. Bakit galit siya? B-Baka iniisip niyang magsusumbong ako?

"H-Hindi ko naman sinasadyang makita. Hindi ako magsusumbong. Promise. P-Please.. wag mo akong saktan. Wala akong sasabihin. Walang makakaalam." Nanginginig kong saad.

Naiiyak na ako sa sobrang takot. Hindi ako makatingin sa kanya.

Dahan-dahang kumalas ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Tiningnan ko ito atsaka nakitang pumula ito. Hinawakan ko ang braso ko atsaka hinimas-himas. Naiiyak na ako.

Narinig kong suminghap si Gelo, "Sorry." bulong niya at halos di ko na marinig.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa namumula kong braso. Nakita kong biglang lumambot ang ekspresyon niya pero nang tumingin siya sakin ay muling tumigas ito. Nagtiim bagang siya habang nakatitig sa mata ko.

"Gelo, pare!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga kaibigan niya ata.

Marahan akong itinulak ni Gelo patungo sa pader. Mahina akong napadaing nang tumama ang likod ko dito.

"Get out of here." He hissed. Mabilis akong tumango-tango. Nagpapasalamat ako at wala siyang ginawang kahihiyan sakin.

Tumakbo na ako palayo doon at agad na dumiretso sa klasrum.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsession Series III: KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon