Malamang sa title palang ng chapter na to ay mapaguusapan natin ang tungkol sa pinakagwapong nilalang sa mundong ito......................................................................................................Ung ipis na nasa la- este ako pala.
Nagulat lang kasi ako noon kasi pinagtitripan ko lang ang cellphone ng tropa ko na itago nalang natin sa pangalang "Bang". Bakit? Kasi malamang magagalit un pag tinawag ko sya sa totoo niyang pangalan sa kwentong to. Basta hiniram ko ung cellphone nia. Nung una naglaro ako ng games sa cellphone nya(magic touch ung game. Try nyu rin un). Pagkatapos nun ay tiningnan ko ung gallery niya tapos nakita kung ano ano na selfie niya. Masaklap pa ay nakita ko na may picture din ako dun sa phone niya. Ung tipong mukhang adik (pero sa totoo mukhang adik talaga ako, maliban nalang pag nagpakatino ako) pa. Basta sa picture na un nagmukha talaga ako na parang lasing tas bagong gising.
At doon ko naisip na ako yata ang pinakagwapong nilalang sa mundo!! (Joke lang po yon!) Pagkatapos nagtext ang kaklase ko na tungkol sa kung ano ano at sa dulo nasabi niya sakin na patunayan kong gwapo ako. Mamaya nalang sa susunod ko na chapter tatalakayin ung mga sinabi niya sakin.
Basta matapos ko yon makita mga ilang araw pagtapos pumunta kami sa UP Diliman para sa parang project sa science. (matalino rin ako pero madalas ako nauulol at nagmumukhang tanga dahil totoo naman sa sadyang may pagkagago ako) Ung project na un parang nilaban namin sa ibang mga eskwelahan at himala nga nanalo kami.
Hindi ko sinasabi na matalino ako at nung pinresenta namin sa judge ay nagulat sya sa talino namin na gumawa ng machine. Nanalo kami ng 3rd place dahil sa tatlong bagay. Una, swerte maglaro ng domino sa harap ng judge habang di pa naman kayo nag pepresent. Ikalawa, sadyang ang galing talaga namin. (Joke lang!) At ikatlo, ang pogi ko kaya ang mga judge pinanalo kami!
Disclaimer: ang lahat ng ito ay hindi totoo hanggat di niyo pa ako nakikita. Pero tiwala lang mga pare...... Rated SPG ako........ Sobrang Pogi't Gwapo!!!
Hahahah!! Joke lang po! :-)
BINABASA MO ANG
Buhay Kalokohan
Randombasta ang kwentong to ay pang mga taong walang magawa sa ngayon.