Iba't Ibang Uri Ng Mga Awtor
Ilalarawan ko ang mga Iba't Ibang Uri Ng Mga Awtor gamit ang pagbigay ng dalawang antas.
Una. BAGUHAN
Alam naman natin kung ano ang kahulugan ng baguhan. Mga baguhan sa paggawa ng kwento at masasabing bago lamang sakanya ang karanasan na makaggawa ng kwento. Mapabata man o matanda. May dalawang antas ang BAGUHAN.
*Magaling
-ito yung mga tao na sa una pa lang,magaling na o bihasa na sa paggawa ng istorya. Akala mo, propesyonal na. Sila yung malaki ang pang-unawa sa paligid. Masasabing sa murang edad nito ay gumagawa na ito ng kwento at may iba naman ay napalad na maging bihasa sa paggawa ng istorya sa kahit anong edad. Sila yung mga nagpapaliwanag ng maigi sa mga pangyayaring nagaganap,naganap na o gaganapin pa. Yung pinag-isipan talaga ng maigi ang gagawing istorya,napaglumaan man o hindi.*Di Magaling
-ito yung mga tao na hindi pinalad sa una pa lang. Makikita mo sa mga kwento nila na,sadyang baguhan lamang sila at hindi pa bihasa. Mga kwento na hindi mo maintindihan. Kulang sa pagpapaliwanag at naghalo halo ang mga salita,iyan ang mga gawa ng mga Hindi Pa Magaling. Yung ang ganda na ng eksena pero yung paglalarawan naman nito ay kulang. Yung mga nagmamadali na matapos ang kanilang istorya o nagmamadali na mangyari ang gusto nila.Ikalawa. BIHASA
Nakakamangha ang mga gawa nila. Ang kanilang kakaibang istorya, kung paano nila ilarawan ang istorya at kahit ang pagapdeyt ng kwento nila ay inaabangan mo araw-araw. Hindi mo maipaliwanag ang saya at pagiging makontento kapag nabasa mo na ang istorya nila. Sila yung mga bihasa sa pagpapaapekto sa mga damdamin ng mga nambabasa. Ang bawat karakter na ginagawa nila ay nagpapahayag na buo ang damdamin. Mistulang may buhay ang gawang kwento nila at mapapaisip ka, mukhang totoong totoo. Mga kaalaman na makukuha mo galing sa kwento nila na para sa iyo'y aral ito. Ganyan ang mga gawang istorya ng mga bihasang awtor.
Para sa inyo,alin kayo dyan?
May tips lang ako sa inyo.
Gumawa kayo ng istorya at tapusin ito. Mapaikli man o mahaba. Bahasin ito pagkatapos ng higit sa limang taon. Huwag na huwag iwawala ang kwentong ginawa mo. At dun mo na masasabi kung gaano ka kabihasa sa paggawa ng istorya.Salamat sa pagbasa!

BINABASA MO ANG
Iba't Ibang Uri Ng Mga Awtor
DiversosIba't ibang uri,kahulugan at paglalarawan ng mga awtor ang mababasa mo. P.S. Maikli lang to. NO TO PLAGIARISM