PROLOGUE

53 0 0
                                    

"Ms. Jaina Miracle Santos, you are chosen to be the exchange student in-"

"SMITH ACADEMY?! As in SMITH with the S-M-I-T-H?!"

"Yes Ms. Santos but please don't shout."

"Sorry po Ma'am na excite lang." Totoo naman eh. Na excite lang ako ng sobra. Dream school ko 'yon!

"Here's the documents you need. Bukas ka na aalis at bukas din ang first day mo doon. Good luck Ms. Santos" sabi ng Principal namin.

"Thank you so much Ma'am!"

Pagkatapos naming mag-usap, agad akong lumabas ng Campus para umuwi at ihatid ang good news kay Mama. Excited na talaga akooooooo!

*Bahay

"Maaaaaaaaaa!"

"Anak ng! Oh Jaina? Anong nangyari sa'yo?! Ginulat mo naman akong bata ka ah! Teka? Hindi pa tapos ang klase mo ah! Naku! Ikaw bata ka kailan ka pa natutong magbulakbol ha!?"

Ang O.A talaga ng Mama kong ito -_-

"Ma, huwag ka ngang O.A. Pero ma! Napili po akong exchange student sa Smith Academy!" Nagtatalon pa ako para feel.

"Teka! Saan?!"

"Smith Academy ma! Sa Manilaaaaaaaa!"

"Talaga anak? Nakuuuu natutuwa ako para sayo. Pero iiwan mo nanaman kami?" Saka naupo siya sa isang upuan.

"Si mama naman oh. Wag ka ngang senti nang senti diyan. Ma, pangarap ko po ito. Ito na po ang hinihintay ko. Sabi nga nila, grab the opportunity kaya wala ng echos ma." Niyakap ko si mama at pinahiran ang mga luha niya. Iyakin talaga 'tong nanay ko.

"Sige anak. Mag-iingat ka ha. Mag-impake ka na doon at magluluto na ako ng hapunan. Maaga ka pa bukas."

Agad akong tumakbo sa kwarto ko. THIS IS IT! Ang pangarap ko!

Nag-iimpake ako ng biglang natumba ang isang picture frame. Pagtingin ko doon sa picture, nakita ko ang litrato ko at ng isang lalake.

Napangiti ako sa nakita ko. Agad kong nilagay sa bag ko ang picture. Di bale, hahanapin din kita Batman :)

Ang unang crush ko.

Pagkatapos kong mag impake, bumaba na ako at naghapunan. Kasama ko sina Mama at ang dalawa kong lalakeng kapatid. Mas matanda sila sa akin kaya ako ang bunso.

Nagtatrabaho na ang isa kong kuya bilang Engineer, at ang isa naman ay 3rd year college na.

Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga po pala si Jaina Miracle Santos, isang simpleng babaeng maraming pangarap. Maganda? Ok na rin. Sexy? Ok na rin. Mayaman? Ok na rin. Matalino? Aba OO! Sporty? Medyo. May boyfriend? Nakuu. Diyan tayo hindi ok. NBSB akong babae -.-

Isa sa mga pangarap ko ang makapasok sa Smith Academy na yun. Matatalino, mayayaman, at magaganda't gwapo ang nandoon. At siyempre, isa yun sa mga prestihiyosong paaralan hindi lang dito sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo.

Kaya bukas ang araw na hinihintay ko.

Hintayin mo ko SMITH ACADEMY. Here I comeeeeeee!

------------------
Hello readers! ^_^ thank you po sa pagbabasa ng story ko. Bago lang po ako pero try ko po ang best ko na makagawa ng magandang Kuwento :)
-BloodyMariiiia

#JAINAtics

ONE HEART BEATING FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon