Second Beat

29 0 0
                                    

Dali-dali akong pumunta sa C.R upang maligo. Peste naman kasing alarm clock 'yon! Sira pala kaya hindi nag-alarm. Iyan tuloy na late ako ng gising -_-

Pagkagising ko kanina, paalis na si Skye kaya pinauna ko nalang siya. At isa pa, medyo familiar na rin ako sa buong lugar.

Ano ba yan! First day na first day ko, late pa ako. Kaasar!

Sa sobrang bilis kong maligo, parang wisik-wisik nalang ang ginawa ko at pagkatapos ay nagbihis na ako. Hindi na ako kakain dahil baka mapagalitan pa ako ng sobra. Habang lumalabas sa kwarto namin ay nagsusuklay ako ng buhok. Syempre baka akalain nilang bruha ako -_-

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa unang klase ko. Late na ako ng 5 minutes. Sana naman hindi terror yung teacher. *-*

Pagkatapat ko sa pintuan ay nag sign of the cross muna ako. Jusko Lord, ikaw na pong bahala sakin.

Binuksan ko na ang pintuan at biglang nagtinginan naman yung mga magiging kaklase ko sakin pati yung teacher ay napahinto at napatingin sakin. Parang artista lang eh.

Lumapit yung teacher sakin. Hala eto na. May eyeglasses sya, maikli ang buhok at matanda na  pero maganda parin. Halatang strikto to. Naku lagot ka talaga Jaina.

"Go-good mo-morning Miss. Sorry I'm late." Pagkatapos kong sabihin yun ay napayuko ako. Nakakahiya talaga.

"Are you the exchange student? It's ok Ms. Santos. Siguro ay naligaw ka?"

Shoot! Mabait naman pala eh. Palusot lang ang kailangan. Hehe

"Opo ma'am and I'm so sorry."

"It's ok. Please introduce yourself to everyone."

Nge! Parang elementary naman ako nito eh.  Kakahiya.

"Uhm. Hi? I'm Jaina Miracle Santos and I'm the exchange student from Lexer High."

Matapos kong magpakilala ay pinaupo na ako ng teacher namin. Nakakita ako ng bakanteng upuan malapit sa bintana at dumiretso na ako doon.

Pagkaupo ko, biglang humarap ang lalake sa unahan ko.

"Hi Jaina ^_^ I'm Steven Cruz."

Inabot ko naman ang kamay niya para makipag handshake at ngumiti. Parang familiar yung mukha nya ah. Saan ko ba siya nakita?

May sasabihin pa ulit si Steven nang bumukas ang pintuan ng sobrang lakas at bumungad sa lahat ang itsura ng isang lalakeng halatang bored at magulo pa ang buhok.

Teka?! Wait!! Si -

"Mr. Clark James Smith! You're late again. Hindi porket may ari ka ng school eh tatamad-tamad ka na. Remember that your Lolo wants you to change and be an outstanding student! Do you want me to fail you in my class?!" Namumulang sigaw ng teacher namin kay yabang. Imba! At kaklase ko pa siya ha?! Pag sinuswerte ka nga naman.

"No worries Ma'am. I can perfect your f*ckin easy exams even I'm always late. Continue your discussion."

Grabe tong lalakeng to! Grabe ang yabang sa sarili. Parang ipinanganak upang magyabang lang ah!

Halatang galit na galit yung teacher namin pero pinigilan niya lang at nagpatuloy nalang ng klase.

Nalipat ang tingin ko kay yabang at nakita ko siyang umupo sa pinakalikuran na upuan. Medyo two rows away from me pero pareho kami ng column. Pagkaupo niya, halatang antok siya at natulog sa desk niya. Grabe ang isang to. Parang di ko malunok.

"Gwapo noh?" Nabigla ako nang biglang magsalita si Steven.

"Medyo pero di siya pasok sa taste ko." Totoo naman eh. Ang yabang niya masyado para sakin.

Biglang napangiti si Steven at "Eh ako?"

Ha? Ano daw? Problema nito?

"Eh? Anong ikaw?"

Bigla siyang napatawa sa sinabi ko. "Wala. Ang cute mo. ^_^"

Juice colored -_- hindi niya alam ang sinasabi niya.

Natapos ang mga klase namin sa buong umaga. So far payapa naman. Wala namang world war ang naganap o di kaya attack on titans.

Papunta na ko sana sa cafeteria upang maglunch pero biglang may humatak sakin.

What the-?

"Steve?"

"Jai, pwede ka bang makasabay mag lunch? ^_^"

Hala. Biglang uminit yung mukha ko. Owhell kinikilig ba ako? Ang gwapo niya talaga kasi. Pero, Nakakahiya. First time pa na may mag-aya sakin na lalake.

"Ha? A-ah Steve di na. Maglu-lunch nalang ako mag-isa sa cafeteria. Nakakahiya naman sayo."

Biglang lumungkot yung mukha niya. Ang cute cute niya talaga.

"Sige na please? Doon tayo sa rooftop maganda ang view doon. Please??"

Nagpuppy eyes pa siya habang sinasabi iyan. Juice colored bakit ba may mga lalakeng nilikhang mala anghel?

"Eh, huwag na Steve. Sa susunod nalang babush!"

Naglakad na ako palayo sa kaniya. Nakakahiya kasi talaga at isa pa, mukhang sikat siya kaya baka magkaroon pa ako ng kaaway, kawawa naman ako *.*

"Wait for me Jaiii!!"

Bigla akong napahinto nang sumigaw siya. Pagkadating niya sa tabi ko, hinihingal pa siya dahil sa pagtakbo niya. Naku naman. Trouble ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE HEART BEATING FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon