I woke up bago pa magalarm yung phone ko. Nakita ko yung notif ko na may nagfriend request at nagtext sa akin.
I opened my facebook muna tapos inaccept ko ng makita ko si Trevor lang pala.
I opened the text pero di siya nakasave sa Contacts ko.
--------------------
09*********Yesterday 8:49pm
Send you a friend request :)) See you tomorrow. Goodnight!
-Trevor
--------------------Pshh. Si Trevor lang pala. Syempre di ko na rereplyan magkikita naman kami mamaya.
I did my usual routine. Binilisan ko yung paglakad ko kasi baka matraffic kami ni manong kaso nang paglabas ko nagaantay sa akin si Liam sa labas na nakasandal sa sasakyan niya. Napabagal tuloy ako maglakad.
"Why are you here?" Tinanong ko siya.
"From now on." Sabay tap sa sasakyan niya at hingang malalim. Anong nalalaman nito? "Ako na maghahatid sayo. Since pang hapon si kuya Michael at di parehas yung sched niyo." Nakangiti niyang sabi. Sus, sinabihan to panigurado ni kuya. Paano ba naman kailangan may bantay ako. Hmm.
"Pwede naman ako magpahatid kay manong."
"Sa akin ka na lang sumabay. Mapapagod pa si manong. And besides same lang naman tayo ng destination."
"Okay, fine." Pagtatapos ko ng usapan. Di naman labag sa kalooban ko. Kaso minsan wala akong trust dito kasi minsan super bilis niyang magpatakbo. Although may license naman na siya. Kinuhanan na siya agad.
Nang pagkapasok ko tinanong niya kung ano yung mga ginawa namin kahapon. Kinwento ko naman lahat. Except sa part na pagamin sa akin ni Fly--Trevor.
**********
Nakarating na kami ng school and pinuntahan na namin sila Ina at Lia.
After nun pumunta na kami sa Classroom bago pa magbell.
Tinanong ako ni Trevor kung na receive ko ba yung text niya kagabi.
"Yes. I did. How did you know my phone number anyway?"
Bago siya makapagsalita nag bell na at pumasok na yung teachers namin.
Nagpakilala lang yung mga bago naming teachers bawat subjects and they seems nice naman. Di ko kasi sila nameet last summer. Di ako sumabay kanila mom at dad. Tinatamad kasi ako makipag socialize. Maybe sa company outing na lang siguro. Usually first week of October yun ginagawa. After ng celebration ng school sa foundation week na last week of September.
When break came. Sa amin na lang raw sasama si Trevor (ohhaa! Di ako nagkamali) every break time, since kami lang kakilala niya sa whole highschool building. We all agreed naman.Di naman naging awkward. Naging close nga si Trevor at Liam. Still nagtataka sila sa tawag ko sa kanya. Pero inexplain naman ni Trevor at umoo na lang sila.
The day went well, again. At umuwi na lang kami isa isa. Si Liam napilit parin akong sumabay sa kanya at sa tingin ko kailangan ko nang masanay. Haaay.
**********
I bid goodbye kay Liam pagkababa na pagkababa ko. At kahit magkapit bahay kami, binaba parin niya ako sa tapat ng gate namin at di pa rin umaalis.
"Why? May sasabihin ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"No, wala. Inaantay ko lang makapasok ka." Naka ngiti niyang sabi.
"It's okay. Go ahead na. 3:54 pa lang ohh. Maaga pa. And wala namang kidnappers dito. Ganda nga ng presidency ni tito Will. Super safe ng Village" sabi ko. Tito Will, their father is the owner of this village. Meron din sila sa province nila. May Beach House pa nga sila. Minsan dun kami nila dad nagvavacation kasama sila. Super close talaga kasi ng family namin.
