Nagising ulit ako. Ang ingay ba naman ng alarm ko. At oo nga pala. Kung ano mang sinabi ng kuya ko nung isang gabi. Mga ikahihiya ko, di yun totoo. Pati na rin ng mga papuri niya sa sarili. Huwag na huwag kayong maniniwala. Joke! Hahahha!
So ayun nga marming nagdaang araw pero same old routines lang. Pasok sa school, uwi, gumawa ng assignments. Pero syempre di pa rin nawawala yung bondings. Si kuya naman prumaprogress na yung panliligaw 101. Pero di ko sure kung nagawa na ni kuya yung advice sa kanya ni dad nung isang gabi.
Si Lia nagulat kasi naging super close yung ate niyang si ate Melissa pati si kuya. Hayys. Nagkibit balikat na lang ako nohh. Baka ano pang masabi ko.
Super hirap na ng school ngayon. Di katulad dati. Mas tinataasan pa yung standards ng pagtuturo. Paano ba naman ehh nung tinanong ko si dad kung bakit. Ehh nireaready raw kami sa future. Lalong mahirap makipagcompete.
Dapat kasi lahat ng bagay sa mundo libre. Haha! Joke! Pero oo nga naman. Di naman talaga galing yun sa kanila. Dapat binabayaran lang is yung work fee. Hindi yung natural resources. Di naman sila gumawa nung mismong natural resources. Di rin naman nila binabayaran si God di ba? Nasaan ang hustisya. Haha! For president nga pala. Hahaha!
Okay naman kami ni Trevor. Yun nga lang ewan ko kung kaibigan na lang turing niya sa akin.
Na postponed yung pagpunta ko sa pamangkin ni Trevor kaya eto ako ngayon nakasakay ako sa kotse ni Trevor dito sa passenger's seat. Yung tatlo naman di sumama. Di raw sila mahilig sa mga baby. Ang cute kaya nilaaa. Gusto ko nga magkaroon ng baby brother or sister ehh. May mapaglalaruan ako. Joke! Syempre mamahalin ko yun. Haha!
Nag park kami sa tapat ng hospital. Sasaglit lang ako.
Sumakay na kami ng elevator at pumunta na kami sa room ng ate niya. May dala rin akong fruits para sa ate niya. Yieee! Excited na ako makakita ulit ng baby. Hahah!
Pagpasok ko may nakita akong apat na babae at dalawang lalaki. Yung baby nasa tabi ng ate niya. Siguro asawa tyaka father yun ng ate ni Trevor. Yung apat na girl, mother at dalawang kapatid ni trevor. Pero looking young parin yung father and mother niya kahit nasa mid 40s na. At yung isa naman yun yung nakita kong kasama ni trevor isang gabi sa mall. Yung crush ni kuya. Hmmm. Baka sila na nga.
Nagsmile lang ako sa kanilang lahat, pati rin sila. Pinakilala naman ako ni trevor sa kanila. Si Kuya Adam yung asawa ni Ate Victoria, yung ate ni Trevor na nganak. Venice yung name nung baby nila. Tito Miguel and tita Brianna naman yung father and mother ni trevor. Brie naman yung name ng little sister ni Trevor kaso parang mataray at hanggang umabot kay ate Denice.
"Elle, this is Ate Denice my--" may pa ate, ate pang nalalaman. Ano yun endearment nila? Wow ha! Ang sweet.
napatigil siya sa pagsasalita ng biglang umiyak yung baby kaya kinarga ni kuya Adam. Di pa rin tumitigil yung baby sa pag iyak.
"Do you mind?" Nag-offer ako kung pwede ko bang kargahin and sabi naman ni kuya Adam okay lang. Nung kinarga ko yung baby ang cutie niyaa. Tumigil na rin siya sa pag iyak and after ilang minutes nilapag ko na sa tabi ni ate Victoria si Venice.
Nagkwentuhan lang rin kami lahat. Kaso si Brie naglalaro lang sa isang tabi. Napagalaman kong kinekwento ako nito ni Trevor sa kanila. At parang okay naman ako sa kanila. Nalaman ko rin na Pangalawang baby na raw nila ate Victoria si Venice. Yung panganay nila boy. Si Adrian. 4 years old pa lang raw. Kaso nasa bahay inaalagaan ng yaya. May pasok kasi kinabukasan. It's almost late kaya umuwi na ako. Nagpaalam ako sa kanila at sinabi rin nila balik raw ako.
Natuwa naman ako. Kasi nagustohan ako ng family niya as his friend. I was about to call manong kaso Trevor insisted na ihatid ako kesa magantay pa. Um-oo naman ako. Sayang rin. Gusto ko na rin umuwi. Hahaha!
Ang tahimik sa loob ng sasakyan. Tyaka rin ako nagsalita.
"Your family, they're nice."
"You really think so?" Palokong tanong niya.
"So tell me about Brie. It seems like parang may galit siya."
"Mabait yun. Ewan ko lang kung anong trip nun. Pero super bait nun. Promise."
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makauwi ako. Bumaba ako at inopen ni Trevor yung window.
"Thank you ha. Ngayon na lang ulit kasi ako nakakarga ng baby. Haha! Bye! Ingat!"
"No problem! Thank you rin nga pala sa pagbisita. Next time ulit! Bye!"
Papasok na ako ng may marinig ako. Tama ba yung narinig ko?