02- bayani

40 2 0
                                    

02- bayani [ 11/2/15 ] 

  Wala ako masabi. Ano nga ba dapat sabihin sa mga oras na ganito? Wala. 

  Tinitigan ko nalang ang doktor at tumango. Nagpatuloy siya magsalita tungkol sa kondisyon ko ngayon pero sa mga sandaling na yon ay parang wala akong naririnig at tinitigan nalang yung puting kisame. 

  Masyadong maliwanag yung ilaw sa bumbilya dito. Siguro sinadya nila yon para kapag malapit na mamatay yung pasyente, makikita agad nila yung ilaw. Diba? Follow the light? Hehe. Napatawa nalang ako sa sarili ko.

  Siguro baliw na ako.

  "--Naintindihan mo po ba ang kalagayan nyo, sir Francis?" sinabi sakin ng doktor.

  Triny ko magsalita pero walang lumabas na salita sa bunganga ko.. bakit?

  "Temporary po ang pagkawala ng boses mo kaya 'wag kang magalala," kinuha niya ang bolpen sa kanyang damit at may sinulat sa papel, "Sa huwebes ang labas mo sa ospital, kailangan mo muna magpahinga para mabalik yung lakas mo. Kailangan mo yan dahil isa kang bayani."

  Medyo naguluhan ako sa mga pinagsasabi ng doktor pero napangiti na lang ako sa kanya.

  Bayani. Sarap pakinggan yung salita na yon. Isa akong bayani. Mas masarap pakinggan. Grabe, pano nangyari yon? 'Di ko matandaan kung ano ba ginawa ko pero ang saya ko ngayon. Aakalain mo yon? 

  Iba na ang pagtingin ko sa mga puting kisame dito sa ospital. Tinitigan ko ito habang nakangiti at saya sa aking isip. Pero yung saya na yon ay nawala nung pumipikit na ang aking mata at makatulog ulit. 

  "AAHH!" pagsigaw ko ng malakas. Dali daling pumunta ang isang nurse sa loob ng kwarto ko at chineck kung okay ba ang pakiramdam ko. 

  Mabilis ang paghinga ko at nanlalaki ang mga mata. 'Di ko alam kung bakit ako napasigaw bigla pero pagkatapos ko sumigaw ng malakas, maraming tao na pumasok agad sa kwarto ko pagkatapos pumasok ng nurse.

  Ang daming kamera. Ang silaw masyado ng flash. Ang daming tao. 

  "Kamusta po ang pakiramdam mo sir?" "Tinuturing ka na isang bayani! Ano masasabi mo dito?" "Bakit siya niligtas mo at hindi ang sarili mo Francis?" "Isa kang bayani! MABUHAY!" 

  Tinatanong nila ako ng kung ano-ano pero 'di ko sila masagot. May mga guwardya pumasok para palabasin yung mga tao nanbubulabog sa kuwarto. 

  "Okay lang po ba pakiramdam mo po?" tanong ng nurse habang inaayos ang kable sa monitor dahil nagalaw ng mga taong pumasok. 

  Tumango ako sakanya.

  Kumuha siya ng papel at bolpen sa kahon katabi ng higaan ko at binigay sa akin. "Dito ka po magsalita sa pamamagitan ng papel at bolpen na hawak ko po," mahinhin na sinabi niya sakin at binigay ito.

  Una kong sinulat sakanya ay "Maraming salamat." 

  Tinignan niya ang sinulat ko at sinabi, "Walang anuman po."

  "Kelan pa ako na nandito? At bakit ako nandito?" 

  "Noong sabado pa po pero 'di ko masasagot po yung bakit marahil pinagbabawal po kami ilabas ang informasyon sa iyo. Ito po ay utos ng presidente." magalang na sinabi sa akin.

   Lumabas siya bago man may isulat ulit ako sa papel. 

  Pagkatapos lumabas ng nurse ay may pumasok na tatlong maginoong lalaki. May mga dalang regalo at magagandang bagay. Nilagay nila ito sa gilid ng kama ko. May sinulat ako sa papel para ipakita sakanila pero 'di ko napakita dahil inunahan nila ako.

  "Ito ay regalo galing kay Hepe," may isang katahimik pagkatapos nya sinabi iyon dahil parang may iniisip pa siya at parang labag sa kalooban na makita ako, "'Di siya makakapunta dito para magpasalamat sayo dahil may inaakisaso siyang mga papeles."

  Narinig ko nang excuse yan. Lagi ba naman yan ginagamit n excuse ng anak ko sa trabaho niya eh.

  "Alam namin ang iyong karamdaman at alam namin kung gano kahirap ang kalagayan mo ngayon pero kami muna magpapaliwanag sayo nito bago ang presidente. Isa ka ngang bayani dahil walang makakagawa nung ginawa mo sa pagsagip sa Hepe na ay ang anak ng presidente." 

  "Isa kang matapang na tao at nagpapasalamat ng lubos ang presidente sa ginawa mo ngunit-"

  Napahinto siya sa pagsasalita dahil may pumasok na isang nakabarong na lalaki at tatlong guwardya na nakapallibot sa lalaki. Nagulat ang maginoong lalaki sa pagpasok nila at bigla na lang siyang natahimik.

  "Francis! Isang malaking karangalan ang ginawa mo para sa aking anak!" inabot niya ang kamay niya sa akin para magshake hands pero wala akong masyadong lakas para gawin iyon. 

  "Gusto ko sanang makipagusap sayo sa mas maayos na lugar para mas maingat pero narinig ko na hanggang huwebes ka pa dito kung kaya't ngayon ko na lang sasabihin ito sa iyo."

  "Maraming salamat."

  Kitang-kita mo na inaamin niya yon ng buong puso. Nagpapasalamat talaga siya sa akin. 

  Ningitian ko siya at sinabi niya ulit sa akin na magusap kami pagkalabas na pagkalabas ko sa ospital, may maghihintay sa akin na sasakyan sa labas at didiretso yon sa pamahalaan ng pilipinas na kung nasan siya.

  Umalis ang presidente pero naiwanan ang maginoong lalaki. Pinunit ko yung papel na pinagsulatan ko kanina at binigay sakanya.

  "Ayokong maging bayani." 

   Binasa niya ito at tumingin sa akin ng diretso.

  "Walang gumusto sa kinatatayuan mo kaya maraming humahanga saiyo." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paksyit [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon