Diary..

92 2 1
                                    

Prologue-

Dear Diary,

Alam ko napaka - old fashion ko pero gumawa ako ng diary na ito kasi alam ko'ng wala ako'ng mapagsasabihan. Wala ako'ng pinagkakatiwalaang ibang tao kundi ang pamilya ko lang. Wala. As in, blangko. Kahit kaibigan, wala. Kaya sana, ikaw mismo, huwag mo ko'ng layuan, okay? Takot na ko'ng mawalan. Takot na ko'ng maiwanan. Ayoko na ulit maulit ang bagay na iyon.

So, simula ngayon. Ikaw na ang best-est friend ko ha? :)

--

*Kriiiiiiiiiiiiing*

*Kriiiiiiiing*

Napadilat ako at ang tanging tumutunog na iyon ay ang alarm clock ko. Bakit ko ba kasi 'to si - net ng ganto ka - aga? Pinatay ko ang alarm clock at natulog ulit.

*Kriiiiiiiiiiiiing WAKE UP WAKE UP WAKE UP!*

Ugh. This time naman yung phone ko!

Kinuha ko ang phone ko at nanlaki ang mata ko sa naka - reminder dun sa phone.

*Wake up, you have a meeting with the board at 9am*

May meeting nga pala ako kasama ang board. And..and..it's 9 am.

At..at..8am na!!!!

Dali - dali ako'ng tumayo sa kama ko at dumiretso na sa banyo. I can't be late. Kailangan 30 minutes before the meeting andun ako para ayusin ang lahat. Patay talaga ako nito.

Oo nga pala. Di agad ako nakapagpakilala. Ako si Leeyana Marquez. 23 years old. Maganda. May kaya sa buhay. Maganda. Fashion Designer. Maganda. Suma - sideline din ako sa pagiging Photographer ko. Maganda. Single. Sexy. At nasabi ko na ba'ng maganda ako? Kundi pa. Oo, maganda ako. Umangal pangit.

--

Natapos na ko’ng maligo at mag – ayos ng sarili for just 30 minutes. Tapos kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa elevator papuntang basement kung san naka – park ang kotse ko. Dali – dali ko naman iyon papa – andarin sana nang makita ko ang isang bulaklak sa tabi ko. Di lang siya basta – basta bulaklak. Oo nga’t gumamela lang ang bulaklak na ito pero wala ako’ng matandaan na may nilagay rito.

Bigla naming pumasok sa isip ko ang eksena na may kinalaman sa bulaklak na ito.

*Kriiiiiiing!*

“Yes?” It’s my secretary.

“Ma’am. Malapit na po pumunta rito ang board.”

“Ay. Sige sige. I’m on my way.” Binaba ko naman ang phone at tinapon sa labas ang gumamelang iyon. Agad ko naming pina – andar ang sasakyan.

--

Pagdating ko sa office, agad ako’ng pumasok sa office ko para ayusin ang lahat ng kailangan.

Maya – maya pumasok ang Secretary ko.

“Ma'am. Andito na po sila. Including your mom.” Sabi ng secretary ko habang inaayos ko yung mga sketches ko ng mga design ko. Pati yung mga photos na kinunan ko pa sa ibang bansa. Mga damit at tema na balak ko for our fashion show.

Paalis na ko sa table ko nang may nalaglag galing sa mga pictures na kinuha ko kanina. Pupulutin ko na sana pero nagdalawang - isip ako dahil sa pic na 'iyon.

Picture iyon ng diary ko. Diary ko nung highschool ako.

“Wag mo'ng sabihing babasahin na naman kita mamaya?” Nag - iba ang expression ng mukha ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy papunta sa conference room.

--

Diary..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon