Three-

21 0 0
                                    

Chapter 3-

Dear Diary,

Nakakaloka lang talaga. Alam mo ba? Tinangay niya ko patungong mall. At kung sang mall pa? SA MALL PA TALAGA NAMIN. Hindi ko alam kung babatukan ko na lang siya or what. Nung tinanong ko kung anong gagawin naming don, sabi niya bibilhan daw niya ko ng damit. Sarap murahin eh. Kaya kong angkinin ang lahat ng damiit dito dahil pamilya namin ang may – ari nito. Tapos yung iba galing pa sa design ko. Odiba? Pasalamat to’ng mokong na ‘to nagtatago ako ng..argh!

Diary, please lang. Ilayo mo na ko sa lalaking iyon. Kaya mo ba? Nakakaloka siya. Sabihin ba namang……………….GUSTO NIYA DAW AKO?! WTF.

Pagkakita sa’akin ni Markki, agad – agad siyang lumapit at niyakap ako. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko. Umiiyak siya. Umiiyak na naman siya. Iiyak ba ko? I admit. Ang sakit pa rin. Pero ayoko. Ayokong umiyak. Kahit kelan di ako umiyak sa harap niya.

“Salamat naman at nakita na kita. Leeyana. I miss you so much, Lee.” Umiiyak pa rin siya. Dapat ba kong ma – guilty? Hindi naman diba?

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Nakita ko ang mukha niya. Kitang – kita ko yung kalungkutan na iyon. Pero ayokong pansinin. Ayoko.

“Ano ba yung bago sa school na ito? Ano yung ico – cover ko?” Tila nagulat siya sa sinabi ko. Nage – expect siguro ‘to.

“Babe. Bakit? Di mo ba ko na – miss?” WTF. Babe?!

“You know what? Past is past. Babe? Wala na ‘yon. We’re already done for almost 7 years?” Sabi ko na lang.

Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Nag – iba ang ekspresyon ng mukha. At yumuko.

“So, Ms. Marquez. This way please.” Sabay talikod niya at lakad papasok ng school. May nasabi ba kong mali? Tama naman ako ah? Kung ano ang namagitan sa’amin dati. Yun na yun! Dati na ‘yon. Simula nung iniwan ko siya ditto sa bansang ‘to, tapos na ang lahat sa’amin.

*Flashback*

“Why? Bakit? Aalis ka? Iiwan mo na ko? Saan ba ‘yan? Sasama ako. Di ko kayang mawala ka, babe. Please?” Tulo na ng tulo ang mga luha niya. Pinipigilan ko namang bumagsak yung sa’akin.

“I’m sorry babe. But, we need to end this up. I’m sorry.”

“Dahil lang ba sa pag – alis mo kaya tayo titigil? Babe kung ganon, sasama ako sa’yo. O kaya magpapa – book na ko tapos susunod na ko sa’yo. Pwede naman ‘yon babe ah?” Di ko alam kung bakit. Naglihim na nga ko sa’kanya. Iiwanan ko na nga siya. Pero hindi pa rin ‘yon sapat para iwan niya ko. Para palayain na niya ko.

“Markki, wag mo na ko pahirapan. Tama na. Hanggang dito na lang. I’m sorry. I love you, babe..” Hinalikan ko siya. Tapos nun, dali – dali na kong sumakay ng kotse. Naririnig kong tinatawag niya ko. Nagwawala si Markki. At sa loob ng kotse, dun ko binuhos ang lahat ng luha ko. Lahat ng sama ng loob ko.

*end of flashback*

“Bakit ba hindi mo maipakitang umiiyak ka sa harapan ko? Bakit lagi mo na lang tinatago ang lahat?” Pinunasan ko ang mga luhang iyon sa mukha ko at tumingin sa’kanya. Nanlalaki mga mata niya. Ganto siya kapag nagagalit sakin noon. Kapag nalalaman niyang may tinatago ako. Kapag alam niyang sinosolo ko lang ang lahat.

Kinuha ko na lang ang camera ko at nagsimulang mag – take ng pictures. Kahit yung mga parte ng school na ito, makita ko pa lang gusto ko ng magwala. Yung mga lugar dito na may memories kami, di niya binago. Pinaganda pa niya. Naramdaman ko na lang na wala na siya sa tabi ko nung nasa field na ko. Dito. Dito kami unang nagkita. Dito niya sinimulang guluhin ang mundo ko. Dito sa lugar na ito. Yung pini – pwestuhan ko dati, alagang – alaga. May mga nakatanim na gumamela at may bench na din. Hindi hinahayaang may ibang umupo dahil may nakalagay kung kaninong property.

Umupo ako don. Wala akong pake kahit pangalan pa ni Markki ang nakalagay. Sa’akin naman talagang lugar ‘to eh. Inagaw lang ng mokong na ‘yon. Napapangiti ako habang naalala ko yung nangyari dito non. Pati na rin nung pagkatapos eh sinimulan na niya ko’ng guluhin at sinabi pang gusto niya ko. At dun ko nalaman na sila pala may – ari ng school na ito. Ang taray lang. kaya pala ganon na lang yung galit sa’akin ng mga tao nung pinahiya ko siya eh.

Hayy. Ang sarap alalahanin. Tumingala ako at pumikit. Memories. Ang sarap umiyak.

Maya – maya naramdaman kong may yumakap sa’akin. “Babe. Please. Come back to me..” Napadilat naman ako pero hinayaan ko siyang yakapin ako. I missed him. I admit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon