One-

32 2 0
                                    

Chapter 1-

Natapos ang meeting at natuwa sila sa iprinesent ko. Aayusin na nila ang fashion show na ini - sched na nila 1 month from now. Tapos nag - volunteer na rin ako na maging photographer. Una tumanggi sila kasi baka raw mahirapan ako pero I insist. Gusto ko talagang gawin iyong at alam ko'ng magagawa ko iyon. Atleast diba? Di na sila masyadong gagastos. Di'ba? Di'ba?

Pagkatapos ng meeting eh nilapitan naman ako ng mama ko at niyakap ako nang mahigpit.

“I'm so proud of you, anak.” Niyakap ko rin siya at tapos nun e ngumiti ako sa'kanya.

“Thanks, mom.”

May sasabihin pa sana ako kay mom pero biglang tumunog ang phone ko. Nung tiningnan ko kung sino, nakita ko'ng si Jess. Yung kasamahan ko sa studio.

“Mom, it's Jess. Sagutin ko muna ha?” Tumango siya at lumabas ng conference room. Sinagot ko naman si Jess.

“Yes Jess? May tumawag ba?”

“Opo ma'am Lee. Ikaw daw po ang gustong maging photographer nila.”

“Osige. San ba 'yan?”

“Sa Jansly High School daw po. May renovation po'ng ginawa at gusto nilang i-cover mo yun.”

“Ja--Jansly High School?” Yung..

“Opo ma'am.” Yung..

School ko nung High School?

“Sige. Pupunta na ko.” At binaba ko ang phone. Tama ba 'yun? Yung school na iyon?

Bumalik naman ako sa office para kunin ang gamit ko nang makita ko ulit ang picture ng diary ko. Pinulot ko ito at tiningnan.

“Sign ka ba talaga?” Ngumiti ng pilit at tinago iyong picture sa cabinet doon.

--

Dear Diary,

Nag-aaral ako ngayon sa Jansly High School. Ang ganda dito. Palibhasa puro mayayaman nga naman ang mga nag-aaral dito eh. Pero ibahin nila ako. Di kasi ako umaasa sa mga magulang ko. Ni hindi ko nga pinagsasabi ang estado namin sa buhay. Ang alam lang nila, scholar ako dito. At ayaw nila ako'ng kaibiganin kasi mahirap lang raw ako.

May mga lumalapit pero halata namang plastik lang sila. Nagpapagawa ng assignment and such. Pero hindi ako ganon katanga para gawin 'yun. Sinusungitan ko sila kasi di tama yung ginagawa nila sa'akin.

Nung first week ko rito, nagkaroon ng ko ng pasa sa braso. Dahil 'yun sa isang babaeng tinapon ko lang yung notebook. Nagpapasulat kasi sa'kin eh. Kaya ayun, kung anu-ano ginawa. Buti na lang nakita agad ng teacher dito. Simula non, madmai ang sumubok pero di ako nagpatinag. Ang kapal nga raw ng mukha ko eh. Asta mayaman daw ako.

Tinatanong ng mama ko kung bakit ayaw ko'ng ipagsabi ang estado namin. Sinabi ko lang na ayokong mamuhay ng ganon. Gusto kong makilala ako sa kung ano ako. Hindi dahil sa pamilya ko.

--

A/N: Yung mga diary parts eh mga isinulat niya noon. Parang flashback lang 'yang mga sinulat niya sa diary para may alam kayo sa Past ni Leeyana. :)

Diary..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon