One

5 0 0
                                    

"Uy zea! Tulala ka na naman dyan." tawag sa'kin ni nikki.


"Ah... asan na yung cotton candy?" pag-iiba ko ng topic.


Kumamot sya ng ulo. "Eh, ang daming bata eh. Di ako maka-singit!" umupo sya sa tabi ko. "Sya nga pala, anong plano nyo nitong christmas?"


"Huh? Kailan ba yon?"


"Hello? Syempre december twenty-five!" sagot nito.


"Ah... wala." kasi wala naman talaga.


"Ano? Di kayo mag-a-outing or what? Kami kasi siguro pupunta ng bagiuo o tagaytay." bakas sa boses nya yung excitement. Ngumiti nalang ako sa kanya. Kompleto kasi kayo...


"Talaga. Edi ok." Yun nalang sinabi ko. Pag-dating kasi sa ganitong topic nawawalan ako ng isasagot eh.

"Ay oo nga pala! May sinabi sa'kin si Dennis." sabi nito.


"Ano yon?"


"Sabi nya before christmas mag-sulat ka daw ng three wishes mo at pag-sapit mismo ng pasko matutupad kung ano man yung kahilingan mo!"


Nakatingin lang ako sa kanya. "Naniwala ka naman doon sa mokong na yon. Eh maloko yon." sabi ko nalang. Imposible naman kasi yon no! 


"No, try lang naman eh. Wala namang mawawala. Pag-katapos mong isulat sa papel yung wishes mo, isabit mo daw sa labas ng pinto nyo. Dapat red ribbon yung tali para effective daw." pag-tutuloy nito.


"Bakit mo sa'kin sinasabi yan? Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganyan." sabi ko nalang.


"Eh yon na nga. Sayo ko sinasabi para naman malaman mo na masaya mag-celebrate ng x-mas." sagot nito.


"Masaya mag-celebrate nun kung kompleto kayo. Ganun yon." sagot ko naman sa kanya."


"Try mo lang naman zea eh. Sige na please... gift mo nalang sa'kin tutal wala ka din namang gift sa'kin ngayon eh. Kuripot ka kasi!" asar nito. Pero totoo yon. Hindi nga ako mahilig sa mga ganyan diba?


"Ang kulit mo talaga no? Pag hindi totoo?"


"Libre kita sa buong january." mabilis na sagot nito. Nag-liwanag naman yung isip ko. Ok din, wala namang mawawala eh.

"Hmm... sige na nga." sabi ko.


"Oh tingnan mo, pag libre talaga ang bilis mong mapapayag eh." at umirap sa'kin. Natawa nalang ako. Mayamaya nag-yaya na akong umuwi. Kanina kasing pagkatapos ng klase sa park kami dumiretso eh.


Napa-isip naman ako kung anong three wishes ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Wishes Before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon