~4..'brothers, friends, enemies ???

49 2 0
                                    

~Eighna's POV~

 Masayang kasama tong si Zia, grabe andaldal niya, andami niyang kwento. Dun pla sa France nag-aral tong babaeng toh eh, buti hindi nya nakalimutan magtagalog kundi nosebleed!. Andito kami sa foodcourt, bumili kami ng chips. Nagulat ako nung..

BOOOOOGGGGSSSHHHHH!!!

Tama bang tusukin ng ballpen yung gitna ng chips. Sumabog tuloy, anlakas. Pinagtitinginan tuloy kami dito, hahaha. Lakas ng trip niya.

"A-aah, e-eh, s-s-sorry po, gusto niyo?", sabay smile, may pa-peace sign pa!!(^_^v) cute nya!!Wa-poise nga lang,, magkakasundo talaga kami neto.

"Hahaha, Zia, awkward.. tara na,, ang baliw mo kasi!", tumayo na siya sabay hila sa kamay ko palabas ng foodcourt.

KABOOOOINKK!!

Kakamadali niyang makalabas eh may nabunggo siyang lalaki.

"Sorry..", sabi nung guy. Pero imbis na tanggapin yung sorry eh

"Walang magagawa ng sorry mo, wala na yung chips ko!", sabay padyak ni Zia.

~Jared's POV~

(nung nasa room palang sila)

"Tigilan nyo nga ako!", sabi ni Brielle.

Hala namula na tenga niya, galit na yan, ayaw niya kasing pinagtutulungan siya.

"Enough, Rhenea's gone."-Jeigh

Naku, yan si Jeigh ang pinakatahimik sa barkada. Laging seryoso yan, minsan lang ngumiti kapag trip nya lang. weirdo..

"Bakit ngayon mo lang sinabi!", nasigaw na sabi ni Blaze.

Nag-shrug lang si Jeigh. Sabi sa inyo. Bilang lang salita nyan. Buti nga hindi english eh. Nosebleed!.. 

"Guys! Leggo chillin'! Billiards tayo!", -Blaze 

"Yeah, pero bili muna ako sa foodcourt ng foods.",-sabi ko.

"I'll go with you", sabi ni Jeigh.. sabi sa inyo eh. "Gotta buy some drinks.", nka-english nanaman.

 ** Sa foodcourt **

~Jared's POV~ 

Bumili na si Jeigh ng chuckie, ewan ko ba dyan, paborito nya ang chuckie eh kapag uminom ako ng ganyan nasakit yung tyan ko.

Bigla nalang may bumunggo sa likod ko. Paglingon ko babae.

"Sorry", nakangiti kong sabi. Pero kung lalaki to sisigawan ko.haha

"Walang magagawa sorry mo, wala na yung chips ko!", pumapadyak pa siya.. ang childish naman neto, pero ayos lng cute nman niya.

"Palitan ko nalang miss cute", sabi ko.

"Ayoko!,  alam mo bang yun yun first na nilibre sakin ni Rhenea Eighna tapos ni hindi ko manlang natikman", nangingilid na yung luha niya.

Grabe, college ba to? Anong gagawin ko, ayokong magpa-iyak ng bata.

"Zia, I'm gonna treat you nalang Chuckie and chips, hayaan mo na", buti nalang nagsalita yung kasama niya. Pero parang familiar yung mukha niya, parang may kamukha siya.

Nagulat na lang ako ng nagsasalita na si Jeigh.

"What's happening here?",-Jeigh

"Bro?!",-gulat na sabi nung bata!

"Zia?"-Jeigh nakataas yung isang kilay niya pero hindi nagtagal poker face nanaman.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, pati yung kasama nung Zia ganun din. Magkakilala silang dalawa? Pero parang kilala ko din itong childish na batang toh.

"Andito ka din pala bro.",-girl na childish

"Yeah buying some drink.",-Jeigh

"Chuckie nanaman nuh,haha kuya talaga",-girl na childish

"KUYA????",, sabi nung kasama ni childish.  Siyempre gulat din ako. Siya na pala si Jessah Zia  Aila. Hindi ko namukaan.Napa-nga nga nalang ako.

"Ah yes. Sorry, bro this is Rhenea Eighna, classmate and friend", sabi ni Zia Aila.

"Hello po.",sabi nung Rhenea daw.

"Bro, kasama mo ba toh? He's so nakakabanas eh, even his face!", sabi ni Zia Aila! Aba kung hindi lang ti kapatid ni Jeigh eh. Maasar nga. Namiss ko din siyang asarin eh.

"You forgot? He's. . . ."  hindi ko na pinatapos si Jeigh.

"Jared, but I can also be yours.", mainis nga toh

"Bro oh!",sumbong niya sa kuya niya, ganun padin pla siya. "Sino ba namang hindi makakalimot sa uhuging lalaking makulay na yan. Like eew!!"

"Oi ang yabang mo padin ah. Pwede mo namang sabihing miss you too. I'm glad you did't forgot me Jessahhhh..  Sana lang hindi ako malasin kasi nkita nanaman kita". Pero seryoso namiss ko siya,Namiss pagtripan. Di ko siya namukaan kanina. Siya na pala si Jessah Zia Aila. Ilang taon ko rin kasing hindi siya nakikita. Sabi ni Jeigh sa ibang bansa ata siya nag-highschool nun.

''rhenireesh''

All She Need Is Love [[ on-going ]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon