~3..'friendships

58 5 1
                                    

~Eileen's POV~

"Hindi!, Eileen yung pangalan niya, narinig ko nun sa foodcourt nung tinawag siya ni Ashria nun."-guy4

O_O !! They know Ashria?? Who don't? She's pretty. Kung maka- Ashria naman daw kasi tong lalaking toh. Matignan nga kung bagay sila ni Ash. Tutal 20 minutes na, wala pa yung instructor, maka-alis na nga. Sumulyap ako sa likod, inaasar nila yung isang kaibigan nila. Brielle ata yung tawag sakanya. Masabi nga kay Ash, infairness gwapo din nman yung guy, bagay sila ni Ash.

Lumabas na ako ng room at pumunta sa tambayan namin ng barkada. Sa likuran kasi ng building na may mini garden pero maganda,may dalawang bench. 

Pagkaupo ko tinext ko mga kaibigan ko.

To: Ash, Shan & Leigh (pang lalaki lng ung nicknames nila pero girls silang tatlo)

..meet me up here at the garden, first day pa lang nman kaya wala pang instructors. Ayos lng mag-absent.. See you ^_^..

So ayun nga, wala pang 5 minutes andito na sila..haha, bilis noh, malamang tumakbo nanaman ng mga toh, hingal hingal sila eh. Parang hindi mga college. =_=. Pero mahal ko mga yan kahit ganyan sila.

"Nauna ako!", -Shan sabay talon paupo sa tabi ko.

"Madaya ka eh, hila hila ko kaya si Ash!, ayaw kasi tumakbo! ",- Leigh sabay upo din sa kabilang tabi ko.

"Walanjo kayong dalawa, dinamay niyo pa ako sa kalokohan niyo",- Ashria sabay higa sa aming tatlo. (naiimagine nyo ba?basta ganun yun,,hehe)

Sila yung mga kaibigan ko, mga lokaret, feeling nasa highschool. Anyways, lemme introduce to you, 1st runner up, de biro lang.

Si Ash, Ashria Andrea Estrada, chemical engineering.Since highschool na kami classmates at friends nyan. Alam na alam nyan mga hilig ko, parehas din nman kami ng hilig eh. Matalino yan, matangkad, morena, pang pageant nga ang peg. Pero wala pang boyfriend. Pero meron siyang 'Baby jazzy', yun yung sasakyan niyang honda jazz. May business sila, auto shop. Kaya dyan ko dinadala sasakyan ko, libre kasi. \m/

Si Shan,  Andrie Shanaia Potencion. Kakakilala namin siya ni Ash nung !st day of class nung 1st year college. Electrical engineering siya, gusto nya daw kasi ayusin lahat ng poste ng kuryente sa Pilipinas para maliwanag ang lahat.Haha,joke. Sumusunod lang yan sa yapak ng tatay niiya, Daddy's girl yan. 

Si Leigh, Loree Leigh Paragas. Industrial engineering. 1st year, 2nd sem namin siya nakilala. Siya yung pinakabata sa amin, pinaka-cute din, baby face kasi. industrial daw yung kinuha niya kasi ayaw niya daw ma-stress ulit pagka-graduate. kaya yung walang board exam yung kinuha niya. Sa aming apat siya yung rich kid, business kasi ng family nila eh Restau sa iba't ibang bansa. Pero simple lang yan.

Sila yung power-puff girls kong kaibigan.haha.joke. Mga rich kid sila, pero kapag andito kami sa school, parang commoner lang sila. yung tipong pa-chill chill lang, yung simple lang, ayaw kasi namin yung napapnsin kami ng iba.

~still Eileen's POV~(nasa garden padin sila)

"Hoy Rish Rhenea Eileen Soberon! lalim ng iniisip mo ah, siguro may boyfie ka na nuh." sabi ni Shanaia.. Nagulat pa ako.

"Wala nuh, baka si Ash meron, future boyfriend, haha!", sabi ko sabay tingin kay Ash. Nagtataka naman yung mukha niya.

"Sino naman aber?, I only have baby Jazzy, siya ang boyfie ko nuh.", -Ash, tinutukoy nya yung sasakyan niya.

"Eh sino si Br.. (anu ulit yung pangalan niya, basta Br yung first niya eh.Brian?, hindi e, Brie.. Brielle nga.)..Brielle!!, kaw ah, bakit ka nya kilala?", taas baba yung kilay kong tinignan si Ash.

"S-sino?", nagstummer pa,,haha!!

"Brielle, kilala mo siya? Kilala ka kasi nya eh, kung maka-Ashria parang kilalang kilala ka nya.",-ako

"Yiee, may stalker si Ash."-Leigh

"Ang haba ng hair!,hihi.", -Shanaia

"Stop it,  kilala nya ako? woah, eh crush ko lang naman...", agad na tinakpan ni Ash yung bibig nya, namumula na din siya.

"So, may ka-M.U, kna pala ngayon, wawa naman si baby Jazzy mo,may karibal na,hahaha!.", Leigh sabay tili.. Kung kiligin talaga tong babaeng to,wagas.

"They're my classmates, more on blockmates. Ang ingay nila kanina, tapos yun narinig ko yung name mo. 'ASHRIA', inaasar nga din sila nung barkada niya eh.", sabi ko kay sakanila.

"Ok enough, ayokong umasa sa ganyan.", ok, may naalala nanaman siya. Sumumangot na si Ash.

Nung first year highschool kasi kami, may ka-M.U din si Ash. Ang close nila sa isa't isa,tipong magpapa-alam pa sa isa't isa bago umuwe o umalis, magkatext lage, laging mag-kausap palibhasa seatmates sila buong school year, in short, parang sila pero hindi nman daw. Pero yun nga, biglang nawala na parang bula yung lalaki. Sabi ng mga lalaking friends nya nag-migrate na daw sa ibang bansa. Hindi manlang nagpaalam,yan tuloy NBSB si Ash.

Nakaramdam yung dalawa sa atmosphere.

"Sisterettes!! Tama na nga yan, bili nalang tayo ng chuckie, my treat."-sabi ni Leigh.

Paborito naming apat yung Chuckie. Pero mas masarap kapag may kasamang stick-o!!! waahh,,Kakagutom!

"Sge tara, nagugutom nadin ako eh, yung isang litro ng chuckie sakin ah!",-Shanaia, kahit kailan talaga ang takaw niya.

Tumayo nadin kaming dalawa ni Ash at sumunod sa dalawa.

|| comment po ||

''rhenireesh''

All She Need Is Love [[ on-going ]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon