Record 1~~

390 3 0
                                    

Press RECORD

"January 22, 10:50Am. Nandito kami sa canteen dahil break. Nakita ko siya kaninang pumasok at putchang puso to, dumagundong!! Sputnik!!"

Press STOP.

< Sara's POV >

"Class, ireremind ko lang sa inyo na ang schedule nyo ng practice sa CAT ay every wednesday lang ng hapon. Meron kayong assigned platoon leader. There will be 4 groups sa section nato. Each group ay merong leader na CAT officer na magtuturo sa inyo ng lahat. Understand?" nakanganga kaming lahat habang nakatingin sa CAT teacher namin na nagsusumigaw ang laki ng katawan at yung boses, katakot. Parang nasa ilalim ng kweba.

"Yes SIR!" malakas na sagot ng buong klase. Takot kami sa CAT teacher namin e. Kasi medyo warshock rin talaga si Sir Villamayor. Walang sinasanto yun, kahit na anak ka ng teacher, principal o mayor, kapag may kasalanan ka, lagot ka. Kahit nga yata anak ng terorista, walang epek sa kanya.

Tsk. Maswerte nga kami dahil medyo special treatment kami at ngayon 4th year hs lang namin siya nakasalamuha. Mas strict kasi si Sir sa mga student na nabelong sa homo sections e. AKo kasi kabilang sa SSC or Special Science Curiculum. Sa apat na curiculum dito sa school ay kami lang ang hindi nagtitraining for CAT during 3rd year kaya walang nagiging CAT officers sa amin. Busy rin kasi sched. namin e dahil mas marami kaming subjects kesa sa ibang curiculum.

"Very good. And please be reminded na kasali ang pagmamartsa sa exam nyo kaya dapat nyo yang tandaan lahat. Makinig rin kayong mabuti sa leaders nyo dahil sila ang magbibigay ng grades nyo during practice. That will be part of your class participation. Yun lang. Take your break." maawtoridad na sabi nito saka nagpaalam na at lumabas ng classroom.

"Sara! punta na tayo sa canteen! gutom na talaga ako!!" nakahawak sa tiyan na sabi saken ni Bea. Bestfriend ko at hindi ko ikakahiyang sabihin na may pagka PG siya.

"Nagugutom ka talaga kapag may CAT noh? e twice a week na nga lang yun." nagkakamot ako ng ulo habang naglalakad kami papuntang canteen. Ang daming estudayanteng naglabasan na. Nag bell na rin kasi.

"Ayan na naman. Nagkandahaba na naman yang leeg mo! Haay naku." reklamo ni Bea nung napansing palinga linga ako at nag ala giraffe.

"Di ah." deny ko.

"Ses! If i know.. may hinahanap ka na naman. Kapag ganyang parang roving lights yang ulo mo, alam na. Lika na nga!! Nakakagutom ang CAT!" sabay hila saken patungong canteen.

Bumungad samin ang napakaraming estudyante at mahabang pila. SUS naman! Nakakaloka naman ang ganito e, bat kaya hindi na lang by curiculum ang canteen?  

Hehehe.. wawa naman ang BEC kasi mas marami sila kesa samin. 2 sections lang ang SSC e. Yung BEC or homo naman sooobrang dami. A-Z ang sections nila with night programs pa yan. Yung ibang curiculum ay SPA (Special Program for Arts) at Sports Curiculum ay medyo okay rin ang section pero mas marami pa rin ang BEC. Ang dami curiculum noh? Ang school kasi namin ang CITY HIGH kaya ganun.

Back to the Canteen scenario.  

Ang dami namang tao! Nangangamoy vinegar na ako. Yaaay.

"Besh.. yung commander mo. Ayun o." turo nito sa isang table sa dulo na sinundan ko naman ng tingin at yey!!

Nandun nga siya. Almusal at vitamins. Uyey!! hahaha. Wait. Bat ang LANDI ko?? tsk2x.

Uminit ang pisngi ko pagkakita sa kanya. Himala at nakangiti siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya. HAaaaay. Si Adam Esguerra. Siya ang tinutukoy ko, ang aking long time crush. As in, since 2nd year ay crush ko na siya. Hindi naman siya sobrang gwapo na tipong Crush ng bayan ang levelling pero hind rin siya pangit. Maganda kasi mata niya tsaka parang si Daniel Padilla yung charisma niya kaya nahumaling ako sa kanya! Waaaaaaaaaaaaa!! *^____^* Kainis!

Recorded LOVE (SHORT STORY) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon