Record 2~~

154 1 0
                                    

Press RECORD

"January 23, 4:20pm. Nakita ko siya sa field. Hanep. Hindi ko maiwasang tumitig kahit maraming tao sa paligid ko. Tsk. Kelan ko kaya siya malalapitan at makilala ng maayos?"

Press STOP

"Pasulong KAD!!!" napatingin kami ni Bea sa field kung san nagmamartsa ang mga CAT officers.

Ang gwapo niya talaga. Huminto muna kami ni Bea sa paglalakad para manonood ng pagpapraktis ng mga officers na may hawak na flags.

Galing talaga. Ang dami ring nanonood ngayon dito kaya hindi halatang nanonood ako para panoorin ang crush ko. Ang sakit sa kalooban na unrequited itong nafifeel ko pero ayos lang rin naman dahil crush pa naman yata. YATA.

Paglingon ko ay nakatingin pala saken si Cor.

Oh my gosht! Saken yata talaga siya nakatingin. GRABE nato!! Hihimatayin na ako.

"Wagas rin makatitig si James ah. Parang wala ng bukas kung makatingin. Buti walang taong natutunaw." napalingon ako sa pinanggalingan nung boses. Nakita ko nandun pala si Monique.

Ang pinakamagaling sumayaw sa campus. Parang walang buto ang katawan kapag sumasayaw pero magaling rin sa crampingan at isolation. Astig talaga siya. Idol. Ang alam ko, friend sila ni Cor pero nalilink rin kasi nga bagay raw at CLOSE. Gaano kaclose? Super Close!! Yung nakakainggit na closeness.

Waaa. Nakakaselos pero waz magagawa. Tsk2x.

Nagtagpo ang tingin namin ni Monique at nakakabigla lang dahil nagsmile siya saken tsaka nag excuse para dumaan at pumunta kay Cor.

Haaay.

Unrequited na nga ang feelings ko, may karibal pa. Tsk2x. HOPELESS case.

Umuwi na lang kami ni Bea.

Umuwing luhaan at bitbit ang basag na mga piraso ng puso ko. Chos lang. Hahahaa. Ang drama lang e.

Pagdating ko sa bahay ay automatic na humarap ako sa laptop ko at nag internet. Yeboy!!

Google chrome > yahoo (search for 9 ways to make guys fall for you. #desperadaMODE) > wattpad > gmail > facebook > twitter > youtube.

Opo, marami talaga.

At dahil nauna ang twitter ay dun na lang ko nag log in tapos nag post ako.

#SpellUnrequited. :(

Ilang sandali pa.

@SaraStefaniClaveria Can you stop emoing yourself?? :D

Grabe ang gramming ni @BeaChika very educating.

But of course @SaraStefaniClaveria You're my idle!

LOL!! Spell.. LOL! @BeaChika

LOL = S-A-R-A @SaraStefaniClaveria Move on na sis. Wala na yang pag-asa. Sa panahon ngayon, bagyo at delubyo na lang ang may PAGASA.

Sumingkit ang mata ko sa nabasa. Hindi na nga siya supportive e korni pa jokes niya. San ba nagmana yung babaeng yun?? Sa mais yata.

Makapag facebook na nga lang.

( =___=)''

NEWSFEED pa lang.

Mukha na naman ni Adam Esguerra.

Tss. Move on? Pano ko gagawin yun kung ito't mukha niya nasa newsfeed? Duh. Like hello?

At bat may pa move on move on pa akong nalalaman? Kami ba? Nahiya naman ako pagka assuming ko ha, nakakahiya talaga. >_>

May post na naman si COR ko (sabay batok sa sarili dahil inaangkin ang crush). Ewan ko talaga pero lumalandi ang utak ko pag sa crush ko. Never pa nga akong nagkaboyfriend noh dahil promise ko sa sarili ko, iboboyfriend ko lang yung taong makakafeel ako ng super SPARK.

Opo. Yung halos masusunog kami pag nakikita ko.

Ganung spark.

Pero, sana dumating yun kapag 20 years old na ako. Ayokong magpaka emo during college days e.

Binasa ko na ang post ni Adam.

"Ganda niya talaga --- ^_^ feeling happy."  with 20 comments and 143 likes.

O_____O?

Sinong babae yun??? Si Monique yata.

Ang dami ng likes ah.

OPO. Sikat talaga siya. At isa pang OPO.. finafollow ko siya. Sa twitter at sa facebook. Kung may iba pa siyang account ay malamang, finafollow ko rin siya dun. Kung walang follow button, malamang finafollow UP ko lagi kung anong ginagawa niya dun o post niya. Kahit dun man lang e maging updated ako diba? Kahit hindi na ako mag comment or mag like basta makita lang na may ebidensyang buhay pa siya. Ayos na yun.

Stalker much?? Ganyan talaga. Teenager! Intindihin!! Hahaha.

Binasa ko yung mga comments na nandun para makichismis lang.

"Pinagalitan pa ako. Nakita mo rin naman. POWER TRIP!"- Sancho

"WOw! Buhay pa si SAntino o!!" - Red

"Kala ko ginarote ni Cor kanina! WOOh! 9 lives left." - Neil

"@Sancho nakita niya talaga. Kaya nga grabeng titig e. Bumawi tol!!" - Jacob, 3rd in command

"Lakas maka CLTCL ni Corp Commander. Cutie!! (^___^)" - Lyka

"@Lyka Babe.. di niya alam yun kasi ibang movie alam niya. ~_^" - Sancho

"Wag nyo kong pag usapan! Mga adik!!" - Adam

"Ang movie niya..,. Hanggang tingin na lang the movie." - Sancho

"Wahaahha. 3D yan noh?" - Jake

"5D yan tol!! Blockbuster hit." - Sancho

"With OST na Pasulyap sulyap ka kunwari. AyoS!!" - Jake

"COr, ihawin na Si Sancho at Jake!Ihaw na! " - Neil.

"Ipa Last kill na yan kay NEVERMORE!! - Romy (DOTA adik)

Ang kukulit. Napangiti tuloy ako pero napasimangot naman.

Si MONIQUE tong pinag uusapan nila sigurado ako. Haaaay naku.

Infairness naman, bagay silang dalawa. Mga talented tsaka parehong may appeal. Sila na.

Makapag flipline na nga lang at maglalaro na lang ako ng Tacomia. Tss.

Tuesday, Unrequited LOVE confirmed.

Recorded LOVE (SHORT STORY) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon