O N E

38 7 4
                                    

Nov. 2

Habang Nag-aayos ako ng aking mga gamit sa bahay ay hindi ko maiwasan magisip ng kung ano ano ...

Tanging ako lamang kasi ang naririto sa aming munting tahanan.

Nakakapagtaka na wala man lang ni isang tao ang nakikita kong naglalakad sa tapat na kalsada ng kinatitirikan nito.

Nakakaboring talaga. Ang hirap naman kasing mamuhay ng magisa. Sa dinami rami ng mawawalan ng pamilya ea ako pa! Hay naku! Umiral nanaman tuloy ang pagiging Bitter ko.

Tinapos ko nalang ang mga gawain ko para makaligo na ako at makapunta sa pinapasukan kong trabaho.

Sa mura kong edad ay natuto na kong kumayod para kumita ng pera na gagamitin ko sa pangaraw araw 3 taon na rin ang nakakalipas ng mangyari yung aksidente na kinasangkutan ng mahal kong magulang ma syang sanhi ng maaga nilang kamatayan.

-------

Nag ayos na ko ng mga dadalhin ko at lumabas na ng bahay. Nagpasyahan ko nalang na maglakad papuntang trabaho para na rin makatipid ng pamasahe.Habang tinatahak ko ang daan papuntang parlor ay nakasalubong ko pa si Ate Maria.

"Oh! Katlyn, Ang aga mo atang pumasok ngayon kila Antoinette. Mukang marami nanaman bang customer ang bruha" Ate Maria

"Hindi naman po Ate, Wala naman po kasi akong gagawin sa bahay nakakaboring din naman ho na mapagisa araw araw mauna na ho ako Ate." Nakangiti kong banggit sabay lisan na kumaway nalamang ako sakanya.

Isa si Ate Maria sa mga tumulong saakin para maging matatag sa buhay kaya parang my instant ate na rin ako. Sa layo ng nilakad ko ay nakarating na rin ako dito sa parlor. At ang bading na si Antoinette, Ayun nagbubunganga nanaman sa kasamahan nyang mga bading.

Hindi konalang pinanasin at dumiretso na ko sa pwesto ko. All around ako rito sa parlor sa tagal ko nang nagtatrabaho dito ay alam ko na kung papano magrebound, haircolor,hair extension,manicure pedicure,pati narin hair and foot spa.

Malaki na rin ang kita ko rito, sikat din kasi tong parlor dito sa bayan namin. Halos lahat ng tagrito ay dito pumupunta bukod kasi sa maganda na ang binibigay naming service ei maeentertain pa sila. Oha! Ano pang say nila.

Habang nagaayos ako ng gamit ay biglang bumukas yung glassdoor ng parlor, ibig sabihin my kostumer na kami, alas syete palang ng umaga, Pumasok ang isang matangkad na babae kung sa tantya ko ay nasa mid 30's na maputi at matangkad. Nagsitahimik na rin sila at pumunta sa kanya kanya nilang pwesto.

Lumapit sya sa akin, kaya sigurado na kong sa akin sya. Maganda talaga ang umaga ko ngayon! Swerte at may una na kong kustomer.

"Magandang umaga po, Maam. Ano pong gusto nyong ipagawa magpapa manicure po ba kayo or haircut. I'll do it po"masigla kong bati sa kanya habang ginigiya ko sya papunta sa upuan na my katapat na salamin.

"Haircut lang atsaka pedicure ikaw ng bahala kung anong style ang babagay sa akin." Nakangiti nyang sabi sa akin.

Sinimulan ko ng bawasan ang buhok nyang hanggang lampas balikat, ginawa ko nalang na pantay pantay para bumagay sa kanya nilagyan ko din ng side bangs dahil muka naman syang dalaga.

Pagkatapos sa buhok, iniayos ko na ang gagamitin ko sa pagpepedicure, nilagyan ko muna ito ng cuticle tapos ibrush kinorte ko ang mga kuko nya ng patulis pagkatapos ay napili kong ilagay sa kanyamg kulay ay touch of tan para mas lalong bumagay sa maputi nyang balat napinatungan ko pa ng colorless na my gold glitters.

Halos 1 oras mahigit din yun. Atleast maganda naman ang kinalabasan nito.
Tumayo na sya at binigyan ng isang ngiti tapos nagsalita sya uli sa akin.

"Thank you! I like it bumagay nga sa akin tong gupit ko, by the way para ma appreciate mo yung thank you ko. I give this lucky bracelet of mine. Sana makatulong sayo yan." Nakangiti nya banggit at pumunta na sa counter para magbayad naiwan na din sakin tong bracelet. Maybe lucky charm nga ito.

Pagkaraan ng ilang oras ay dagsaan ang customer, dahil wala pang pasok ang mga estudyante kaya halos andito yung iba para magpagupit o kaya man ay rebound at marami pang iba.

Ala una y media napagpasyahan kong umuwi na muna sa amin para makapagpahinga tutal marami na din akong customer na natapos. 19 years old palang ako kahit papano ay nakatapos na ako ng highschool bago mamatay ang mga magulang ko. May iipon na rin ako para pagkaya ko ng magaraw ng kolehiyo ay may ipangtutustos ako sa laki ng mga gastusin.

Ng makarating ako sa amin ay dali dali akong pumunta sa maliit kong kwarto at binagsak ang sarili ko sa pangisahang kama na matagal ng naririto. Ewan ko ba pero antok na antok na ako. Unti unting bumibigat ang talukap ng mga mata hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

-------------

Her dream

Minulat ko ang mga mata ko. Medyo nasilaw ako sa tama ng kat ng araw na tumatama sa buong mukha ko. Pero na alala ko sh*t! Dali dali akong tumayo at pinagmasdan kung nasaan ako. Dahil huling natatandaan ko ay hapon na at nasa bahay ako. Kaya bakit umaga palang.

Luminga linga ako pero isang malawak na kapatagan lang ang nakikita kasama ng ibang mga ligaw na bulaklak, paro paro at mga ibon.

Kahit punong puno ng pagtataka ang isipan ko ay nagsimula na akong maglakad upang maghanap ng makakain. Aber ni hindi pa nga ako nagtatanghalian dahil sa antok ay ito pa ang masisilayan ko.

Patuloy lamang ako sa paglalakad at sa di kalayuan ay may napansin akong puno ng prutas na hitik na hitik pa sa bunga kaya nagpasya na akong tumakbo para makarating doon.

Sinimulan ko na ang pagakyat sa mga puno sari saring hinog na prutas ang mga nakuha ko.

Pagkababa ay nagsimula na kong lantakan lahat ng prutas na nakuha matamis at hindi nakakauhaw kahit papano ay nakakarelax ang sariwang hangin na nalalanghap ko matagal tagl na din siguro ako rito. Pero hindi naman ako kinakabahan o kahit na nakakaramdam ng panganib marahil ay ligtas parin ang lugar na ito. Sumandal na lamang ako sa puno na inakyat ko at pumikit ng pamandalian hanggang sa tinangay nrin nito ang diwa ko.

_________

Hi guys here's my new story try to check this out ! Hope you like it :)

Vote
Comment

INTO HER DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon