T H R E E

5 0 0
                                    

Nagising nanaman ako sa ka parehong lugar kung san ako napadpad kanina. Andito pa rin ako nakasandal sa puno ng mga hitik na hitik na prutas habang natatanaw ko ang mga naggagandahang mga ligaw na bulaklak.

Sinimulan ko na uling maglakad lakad. Malayo layo na rin ang narating ko halos isang oras na ata akong naglalakad ay wala padin akong maaninag na kahit isang nilalang rito. Aba! Ang weird na nito huh. Sabagay nanaginip lang naman ako. Haha kaya kahit papano ay ieexplore ko na to.

Sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko rito kahit alam kong baka may mga panganib din na nakaamba sa mga dinadaan ko. Pero mas nauuna pa din ang excitement saakin.

Nandirito na ako sa my mayayabong at luntiang mga puno katulad ng narra, acacia at Kung anu pang mga anik anik na puno na nakatanim sa harapan ko.

Kahit malayo na yung nararating ko ee hindi pa rin ako napapagod. Astig talaga dito. Sabay tawa ng mahina.

Maya maya pa ay may mumunting ungol akong naririnig sa halamanan malapit sa akin. Napaatras ako ng bahagya patuloy pa rin sa pagungol ang nilalang na hindi ko malaman kung ano.

Dahan dahan ako ng lumapit sa lugar na pinagatrasan ko, Namamawis na ako ng malamig sa sobrang kaba kung anong nilalang ang matatanaw ng mga mata ko. Baka gawin pa kong panghimagas ni yon.

Nang makarating na ako sa halaman, hinawi ko ng bahagya ito tumambad sa akin ang isang mumunting lobong sugatan ngunit napaka amo.
Hindi ko maiwasang hindi maexcite na mahawakan at maalagan ito.

Unti unti kong hinawakan ang mumunting paa ng lobo sa una ay umaangil pa ito ngunit makalipas ang ilang saglit ay umayos na din ito.

Kinakausap ko lamang ito habang tinatalian ko ang sugat nito. Buti pala ay may panyo sa bulsa ng suot kong maong na short.

"Yan maayos na ang mga munti mong paa mga ilang araw lang at makakalakad ka na uli ng maayos." Masaya kong pagkausap sa lobo.

Kinawag kawag nito ang kanyang buntot na parang sumasang ayon sa mga sinasabi ko.

"Hmm. Ano kayangg maari kong ipangalan sa iyo? Aha! Alam ko na napakagandang pangalan tutal ay babae ka naman ay Len nalang ang itatawag ko sayo! At ako na ang magiging tagapagalaga mo." Sambit ko kay Len at parang tuwang tuwa ito na lumapit sa akin ng dahan dahan at naglambing.

**********

Buhat buhat ko na si Len habang naglalakbay sa kasukalan ng gubat may natanaw na rin akong namumukod tanging bahay sa lugar na iyon. Kaya napagpasyahan kong dun na muna magpalipas ng gabi. Kitang kita ang bilog na bilog na buwan sa pwesto ko kasabay ng parang mumunting dyamante sa kalangitan na mga bituin.

Pumasok na kami sa bahay na natagpuan ko.
Puno ng alikabok at mga sapot ng gagamba iyo n ngunit buo pa rin lahat ng kagamitan.
Nilinis ko muna ang bahay .pagkatapos ay kumain na kami ni Len ng mga prutas na pintas ko sa nadaan na mga puno.

Nahiga na ako sa higaan upang magpahinga at unti unting binalot ng nakakasilaw na liwanag ang pagkatao ko.

*****

Napabalikwas nanaman ako sa higaan ko. Hay! Sobrang weird na talaga ng naeencounter ko sa panaginip ko. Pero (Kyaaah) super cute ng lobo sa panaginip ko. Arrrgh feeling ko tuloy totoo na. Napapakamot sa ulo at nangingitu habang inaalala ko ang nangyari sa panaginip ko.

Napasulyap ako sa bintana at papasikat na rin pala ang araw. Tumayo na ako at sinimulang ayusin ang kama ko pagkatapos ay dali daling pumasok sa cr para maligo upang magawa ko na ang mga seremonyas bago pumasok sa trabaho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INTO HER DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon