Hani <3

16 0 0
                                    

Excited ako ng sobra pumasok ngayong araw na to. 

Syempre may gusto akong makita at makilala eh.

Curious na curious ang isang grade 1 na tulad ko sa feelings na to.

Kaya sobrang kinakabahan ako.

Paggising ko palang feeling ko hindi na maganda ang gising ko.

BV ang araw na to.

Alam nyo kung bakit?

Hindi pumasok yung hinahanap ko eh.

Pero nalaman ko kung anong grade nya na dahil sa isa kong classmate na si Lenie.

Crush nya kasi yung bestfriend nun. ( Hindi ko pa rin alam ang pangalan nya)

Crush ni Lenie si Cedie.

At si Cedie at Si Mr. Smile ay grade 3 na.

HAHAHAHA. Nakakakilig nga eh. 

2 years ang agwat ng age namin.

Parang si mommy at daddy lang. 32 na si Mom 34 naman si Dad.

Match made from heaven siguro kami. =))))))

Ang isa pang nakakabadtrip ngayon araw na to. Eh lagi akong inaasar ni Nhel. Nakakainis na Nakakadiri ehh. Ewwwwww talaga! Ikaw ba naman ang tawaging Hani at ipagsigawan pa sa classroom. Sinong hindi maiinis dun?

Pano nalang kung malaman yun ni Mr. Smile edi major turn off yun.

Kaya ayun hindi ko na pinansin. Pero makulit pa din eh.

HANI PAKIABOT NAMAN NG HININGI KONG PAPEL KAY JENNY!

HANI MAY EXTRA PENCIL KA PA?

HANI PATABE!

HANI BAKIT NAKASIMANGOT KA SAKEN, CRUSH MO KO NU?

Lintek na Nhel to. Umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya,

Kaya binato ko nga ng isang pad paper ko.

SAPUL SA ILONG!

HAHAHAHA. THE POWER IS MINE!!!!

AKIN ANG HULING HALAKHAK. *soundng parangkidlat* HAHAHAHA

Sa kasamaang palad, biglang dumugoyung ilong nya.

Naku po.

Hindi pala nito sinabi na may ganun syang sakit. Na kapag natamaan ang ilong nya eh biglang dumudugo.

Napatakbo ako sa tabi nya. Grabe maiiyak na ko. Ayokong mapatawag si Daddy sa office. NHEL MAAWA KA.

Ayun ginamot namin ni teacher yung pagdudugo ni Nhel. Ako eto sorry ng sorry sa kanya at sinasabi ko na huwag nya kong isusumbong kay Daddy. Umiiyak na ko nito. Hindi ko na mapigilan. Takot ako kay Daddy eh.

Si Nhel eto naawa saken. "Promise Hani HIndi kita Isusumbong kaya tahan ka". At yun bigla akong napangiti.

"Nhel ayos na ba yang ilong mo?"

" Hani Masakit dito o, dito" Sabay turo at Lapit ng mukha nya sa akin. Yung labi nya pangitingiti naman.

Kaya ayun napingot ko nga ang ilong nya.

" AYUUUUUUUNNNNNN, MASAKIT NA NGA ANG ILONG NAKAKAPAGBIRO PA NG GANYAN. PASALAMAT KA MAY NAGAWA AKONG KASALANAN SAYO KUNDI NASIPA NA KITA!"

AT tumawa na sya ng tumawa, kulang nalang eh gumulong sa sahig. Hayy naku nasa kanya pa rin pala ang huling halakhak.

Heto ako ngayon, kinakausap ng teacher ko about sa nangyari kay Nhel, Huwag na huwag ko na daw uulitin iyon. Sinabi ko kay teacher na huwag sabihin kay Daddy ang nangyari pati na rin kay Lola dahil natatakot akong maparusahan. Pumayag naman si Teacher. Kaya napayakap bigla ako sa kanya. Hayyy NHEL. HAY BUHAY. BAKIT ANG MALAS KO?

Pero infairness komportable akong kasama si Nhel. Napapatawa nya ko. Lahat ng emosyon ko naiilabas ko sa kanya at isa sya sa nakakita na umiiyak ang isang Harmony Lexi Rosales.

----

Nandito na ko sa kwarto ko. Kailangan ko nang matulog eh dahil maaga pa ang klase bukas.

At heto nakaharap ako sa diary ko.

Hi Wiggles!

Ayun wala sya. ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok ngayong araw na ito.

Pero kahit ganun, madami pa ring nangyari ngayon. 

Napaiyak ako ni Nhel pero ako din naman kasi ang may kasalanan ehhh.

Sana lang talaga hindi nya ako isumbong kay Daddy. =)

HANI. Bakit ba kasi HANI ang tawag ni Nhel saken. BUkod tangi talaga ang lalaking yun!!!!

PS:

MISS KO NA SYA. AYIEEEEE!

GOODNIGHT NA NGA! MUAH WIGGLES!

----

A/N: Mahal ko kayo 

Salamat sa mga nagtiyatiyagang nagbabasa nito.

ILOVEYOUALL!

Si Nhel po yung picture sa Side.

My Childhood First Love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon