quiz bee

15 2 2
                                    

Dahil sa Kinder palang si HL nito at hindi nya pa kilala si The One ay medyo medyo papabilisin ko po ng konti ang story. Hahaha.

----

Eto ako ngayon. inaaral ko ng konti ang mga pinag aralan namin ni daddy sa bahay kasi kasali ako sa Kindergarten Quiz Bee!!! Hahaha. ewan ko ba kung bakit napasali ako dito, nahigit lang ata ako nila teacher eh.

Si daddy nga pala nagtatrabaho sya sa isang napakagarang at pinakasikat na opisina sa buong mundo na sa Pilipinas nakabase pero gumraduate sya bilang teacher. kaya ayun sya ang superhero na teacher ko. o di ba? san ka pa? Pero huwag ka ahh. Iiyak ka nalang kapag hindi mo maintindihan ang tinuturo nya dahil uulitin nyo ulit yung buong libro. hahaha.

Kaya nga siguro bata palang ako medyo may eyebags na ko eh, dahil puyatan kami ni daddy sa pag aaral.

"May We all request the participants to all go at the stage. We will start at any minute." Emcee namin yan. hahahaha

HL galingan mo. Pero alam mo kahit hindi ka na manalo dyan. Ikaw na panalo saken. Go for the goal anak!!!!

Napayakap nalang ako bigla kay Daddy. Kinabahan kaya ako. Naninigas at Natatae pa naman ako kapag kinakabahan ako.

Nagsimula na ang quizbee at eto ako, SURVIVING! hahahaha.

Napatingin ako Kay Lola. Nakakatawa nga ehh. pano ba naman kasi pinapaalis nya yung nakaharang sa unahan nya kasi hindi nya makita yung mga sinasagot ko.

Nainis tuloy yung mga nanay na nanonood din. Pero wala akong pakealam dun basta gusto ko napapanood ako ni Lola at Daddy.

For The last question.

Who is the first person who go in the moon?

*isip* *isip*

Ayyyyy! Bakit hindi namin napag aralan yun.

Sana Tama tong sagot ko. *crossfingers*

5

4

3

2

1

ANSWER UP!

Napangiwi si Daddy sa sagot ko.

Napangiwi na din tuloy ako.

HL out.

Bakit ba naman kasi MAGELLAN ANG SAGOT KO!!!!

Awarding na.

Im the first runner up.

and MJ is the champion.

okay na din saken kahit first runner up ako, makita ko lang si Daddy at Lola na chinicheer ako at nung tinawagan ako ni mommy at nagcongratulate saken.

AY SOBRANG SAYA NA!!!

----

sorry kung medyo plain lang. pero huwag kayo parang first time kong magsulat ng mahaba ah. hahaha:))

lovelots :)

My Childhood First Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon