Part 1

245 4 0
                                    

Sabi nila high school life daw ang pinaka-masayang parte ng buhay na di mo kailanman malilimutan. Ako si Jon 14 yrs old incoming freshman. At dito na Nagsimula ang high school life ko na kung saan mala-late ako sa mismong first day ko. Habang ako'y tumatakbo patungong gate may isang dale-daleng babae mula sa gawing kanan na nagmamadali din at tuluyan kaming nagkabungguan ng di inaasahan. Pero matapos ang bungguan tuloy pa rin siya sa kanyang pagtakbo kahit alam ko sa hitsura niya na nasaktan siya. Hindi ko man lang nakuha ang pagkakataon na yun para makahingi ng tawad sa kanya. Pero may naiwan syang baller na may nakalagay na "Everthing happens for a reason." Sa mismong pinagbagsakan namin at naisipan kong itago muna at ibalik sa muling pagkikita namin. Sa Ayun, Di rin nagtagal nagsimula na ang masayang freshman welcome celebration. Na kung saan puno ng surprise at programa na inihanda para samin. At dumating sa punto na biglang nabuhayan ng loob ang mga estudyante dahil magsisimula na ang intermission number ng naggagandahang babae sa dance troupe. At Habang pinapanood ko ang sayaw nila may isang mukha sa gawing gitna ang naging pamilyar sa aking paningin. Hindi ba siya yung nakabunggo ko kanina? Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga yun, yun pala ang minamadali niya dahil kabilang pala siya sa mga sasayaw. At Kitang kita ko sa kanya na hilig niya ang pagsasayaw. Maya't maya naririnig ko ang mga grupo ng lalake sa tabi, "Uy, si Trish yung 3rd yr nasa gitna oh? Ang hot niya talaga sumayaw."--"Nako pare sikat talaga siya sa campus ang dami ngang nanliligaw dyan e. Wag ka na umasa diyan." Dito ko na nalaman kung sino talaga siya sa mata ng ibang tao. Pinagkakadanrapaan, Magaling sumayaw, Maraming nanliligaw. At ako naman unti-unting humahanga sa kanyang personalidad. Matapos ang programa reccess na at patungo akong canteen upang bumili ng maiinom. Habang Inaantay ko ang aking sukli, may narinig akong isang mahinhin na tinig na nagsasabing "Kuya pabili pong C2." At sabay akong napatingin sa katabi ko. At dun ko na nalaman na si trish pala ito ang nabunggo ko kanina. Gusto ko na sana kunin ang pagkakataon iyon upang makahingi ako ng tawad at maibalik ang kanyang baller. Ngunit meron pa rin akong pag-aalinlangan dahil nahihiya ako na kausapin siya. At habang nagdadalawang isip pa rin ako, Di rin nagtagal tinawag na siya ng kanyang barkada. Hindi ko nasabi ang dapat masabi sa kanya. Dibale na unang pagkakataon palang ito. Mag-aantay nalang ako sa susunod na pagkakataon. At hanggang sa pag-uwi ko bumabagabag pa rin siya sa isip ko kung naka-uwi na ba siya ng safe o hindi. -- At sumunod ang ilang linggo, lagi na akong excited pumasok para makita siya. At hindi ko lagi kinakalimutan dalhin ang baller. Grabe, alam mo yung feeling na siya yung dahilan kaya may gana ako pumasok araw araw. Yung tipong ina-alibay mo lagi ang banyo sa teacher mo para masilip siya sa kabilang building at masilayan ang kanyang matatamis na ngiti, makita ang kanyang kabigha-bighaning hitsura masaya at buo na ang araw ko. Habang lalong tumatagal ang panahon dumarami ang kanyang mga manliligaw at dumarami rin ang nabibigo niya at the same time. Dito medyo kinakabahan ako, pano kung sakin din nangyari yun? Pero di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. At hanggang sa pag-uwi ko di pa rin ako kontento sa impormasyon niya, Kaya mas minabuti kong inalam ang kanyang facebook, kaso ang problema trish lang ang alam kong pangalan niya pero humanap parin ako ng paraan, kinuha ko ang baller at tiningnan ko ang likod kung sakaling may impormasyon merong nakasulat na “TNS ” Binuksan ko na ang aking facebook at nang di inaasahan nakita ko sa friend finder ang hitsurang iyon na nagngangalang “Trisha Nicole Santos” at din na ako dalawang isip na i-add siya at umaasa akong ma-accept niya ako agad. Sumunod na araw Intrams na namin! Hindi ko man lang nakita si Trish ngayon araw. Mas minabuting pumunta muna ako sa classroom, pagpasok ko dinig ko nanaman ang pinag-usapan ng mga kaklase ko. “Pare, nood tayo ng volleyball may laro si Trish mamayang 3:30” – “Ganun tara nood tayo! Idol ko pa naman yun pagdating sa volleyball ihh.” Ibang klase talaga ang tadhana pinaglalayo kami pero meron parin paraan para makita ko siya. Di ko pinapaalam sa mga kaklase ko na manonood din ako. At habang nagkaklase napapaisip ako na sana mag-bell na para mapanood ko na si Trish maglaro. Nakaraan ang tatlong subject lunch na at hinanap ko siya sa canteen ngunit wala siya doon. Sa isip ko naghahanda yun sa laro niya mamaya. Maraming samin ang pasaway at nag-ingay kaya medyo late kami papalabasin ng teacher namin. Kinakabahan ako na baka hindi na ako makapanood. Nung dinismiss na kami, nagmamadali akong pumunta ng gym at sa pagdating ko marami ng tao at wala nang bakanteng mauupuan. Naisipan ko nalang na pumwesto sa sulok ng bench ng team ni trish. At saktong si trish ang magseserve nga bola mula sa kabilang dulo, pag-upo ko sa bench biglang nalaglag yung baller at gumulong papalayo mula sa akin at minadali ko itong kuhanin. Saktong pagtingala ko matapos makuha ang baller di ko namalayang nag-serve na pala si Trish, napunta sa outside at tumama sakin. Sa sobrang lakas ng impact muling napa-upo ako sa sahig. Ayun, Biglang gulat ang mga tao sabay nilapitan ako ng Trish at sabay sinabing “Okay ka lang? Sorry sorry sorry. ” Biglang napatitig ako sa kanya, nakita ko ulit ang maamo niyang mukha kaso hindi siya nakangiti dahil halatang worried siya sa’kin. Naalala ko tuloy noong nagbanggaan kami nagmamadali siya hindi mo maipinta ang kanyang mukha. Maraming tumulong sakin makatayo ulit, at di rin nagtagal bumalik din siya sa laro. Samantalang ako dinala sa clinic dahil malakas ang pagkakatama ng bola sa aking ulo at ako’y nahilo. Nanghinayang naman ako dahil hindi na ako nakapanood. Matapos ang ilang minuto pina-uwi na rin ako ng nurse. Pagdating ko sa bahay agad agad akong nagbukas ng facebook nagbabaka-sakaling na-accept niya ako. Nalungkot ako dahil di pa niya ako naa-accept. Naisipan ko muna maglaro ng candy crush habang nagaantay. Makalipas ang isang oras may isa akong notif inakala ko na request lang sa laro pero nung binuksan ko abot langit ang ngiti ko nang malaman ko na ina-accept na ako ni Trish. Nabuhayan ako nung gabing iyon di ko alam kung bakit ang saya ko ng sobra. Parang gusto ko siyang i-chat kaso pinangungunahan nanaman ako ng kaba sa magiging sagot niya. Tapos ayun nakatambay lang ako sa profile niya naghahanap ng iba pang impormasyon, tinitingnan ko mga profile pictures niya hanggang sa mga photo albums at videos niya. Tila may ka isa-isang video akong nakita ang kanyang gwiyomi cover. Habang pinapanood ko siya gumagaan ang aking pakiramadam na kung para bang solve na lahat ng problema ko basta yun. Oras-oras minu-minuto kong pinapanood dahil sobrong cute niya. Dito ko rin nasilayan kung pano siya ngumiti di tulad nung kalian ko lang siya nakikita laging serious face lang siya. Sabay na nakita ko ang status niya na nanalo sila. Nagdadalawang isip ako kung magcocomment ako ng congrats, naisip ko di pa naman kami ganun ka-close pero di rin naman masama bumati. Naisipan ko nalang na i-chat siya. Sabi ko sa isip ko bahala na nga. Chinat ko siya ng “Congrats. ”ilang minuto na ang nakakalipas di pa rin niya ako sinasagot sa chat. Sabi ko na nga ba, baka di niya ako replyan kasi di pa kami ganun ka-close. Ayun, tuluyang nanghina ang loob ko at ic’click ko na sana yung log-out biglang nagreply siya ng matamis na “Thank youuu.” biglang nawala ang antok at panghihina ng loob ko. Tapos nireplyan ko siya “You’re welcome. ” At inakala kong dun na magtatapos ang usapan namin. At sa hindi inaasahan nagreply ulit siya ng “Uyy, Okay ka na ba? Sorry talaga kanina ah?” And I was like.. Nananaginip lang ba talaga ako? Di ako makapaniwalang yun ang sasabihin niya. Ang layo talaga sa ine-expect ko na di niya ako rereplyan. Tapos ang reply ko “Okay lang ako. Don’t worry. ” At dun na nagtatapos ang usapan namin dahil sa nag-offline na siya, ngunit may nakalimutan kong humingi ulit ng tawad sa kanya. Pero bumabagabag pa rin sa isip ko na sana naalala niya yung unang pagkikita namin sa gate at hindi yung tinamaan ako ng bola galing sa kanya. Sa sobrang saya ko hinayaan ko nalang at inaantok na rin ako. Sumunod na araw, gumising ako ng may sigla at pumasok ng maaga dala ang magandang mood. Ngunit wala akong nakitang Trish mula magsimula ang araw na yun. Maya't maya dismissal na narinig ko nanaman usapan ng mga lalake. "Asan kaya si trish? Di ko yata siya nakita e." -- "di pare, may dance competion sila para sa school natin." Yun pala pull out si trish. Pauwi na ako at biglang nakita ko ang isang babae na nagiisa sa bench malapit sa gate ng school namin. Tila ba parang may inaantay siya. Kaya ito na ang pangalawang pagkakataon ko na di pwedeng masyang *habang hinahawakan baller* grabe ang tibok ng puso ko napakabilis di ko alam ang gagawin pero walang magawa kundi umupo sa tabi niya. Sabi ko sa kanya " Ako si jon naaalala mo pa ba ako?" Sabi niya "Ako nga pala si Trish. Oo naman, dalawang beses na nga tayo nagkita ehh." Sabi ko sa isip ko naalala nga niya ako. Sabi ko sa kanya "Sorry nga pala kase mukhang nasaktan kita nung pangyayaring yun eh. “ sabi naman niya “Okay lang yun, No worries! Ikaw nga ata yung nasaktan ko nung sa volleyball game namin eh. “—“O sige nandyan na ang sundo ko alis na ako ha?” Sabi ko naman “Sure salamat sa time. ” Grabe, yung kaba ko parang nawala na nung nakausap ko siya. Dahil yun sa mahinhin niyang boses na pangpa-kalma ng loob. Hanggang sa pag-uwi pinapanood ko nanaman ang kanyang gwiyomi cover *habang hinahawakan ang baller* di ko maipaliwanag ang damdamin ko kung bakit ang saya saya nitong mga nakaraang linggo hanggang ngayon. Talagang ganito lang ba ang tadhana? Kabaliktaran lagi ang lumalabas sa expectations.
Sumunod ang araw nanaman ng puno ng sigla. Lunch time, matapos makabili ng pagkain tila may tinig na familiar ang umakit sa aking pandinig na nagsasabing “Jon!! Dito ka na umupo sa tabi ko.” Di ako makapaniwala na si Trish pala mismo ang nag-alok sakin kumain ng sabay. Hindi ko alam kung ano nakain nun o baka pinagtitripan lang niya ako or what? Feeling ko ang sama ko naman para mag-isip ng ganun sa kanya. Sabi ko sa kanya “Anong meron bakit mo ako pinatabi sa’yo? Baka naka-upo dito yung barkada mo ahh?” Sabi niya “Wag kang matakot di naman kita kakainin eh. Tsaka kakasawa naman silang kasama.” Sabi ko naman “Eh ba’t sa dinarami raming kakilala mo dyan ako pa napili mong kasabay sa pagkain?” Sabi naman niya. “Bakit ayaw mo? Hala sige alis!! Jk. Wala lang, gusto lang kita makilala.” Ako naman sa sobrang saya dinaan ko nalang sa pagkain ng marami habang siya naman di pa rin nagbago napakahinhin niya. Sa mga sumunod na araw lagi na kaming sabay kumain ng lunch. Yung feeling na Masaya kami sa isa’t-isa pero di namin namamalayan kung close na ba talaga kami or bestfriends na talaga kami. Ang hirap ipahiwatig eh basta ine-enjoy ko nalang ang bawat moment na kasama siya. Tapos sa facebook lagi kaming magka-chat at finally sabi niya official best friends na daw kami. Parang kelan lang nung first day of classes tapos close na kami kaagad. Isang araw nagkita kami sa mcdo treat daw niya, naiwan daw kasi siya ng mga kasama niya sa gala. Dito ko nalaman kung sino talaga siya dahil pinakita na nya ang lahat ng kakulitan kakwelahan di ko ine-expect na makakasundo ko pala siya pagdating sa ganito. Tinanong ko sa kanya na “balita ko ang dami mong manliligaw ahh?” sabi niya “Ba’t mo naman nasabi? Di kasi ako sure kung ganun na ba talaga sila ka-seryoso. Kasi sila pa ang madalas mainip kesa sakin. Alam mo yun dapat yung tipong lalake mismo mag-effort para sa’yo, hindi ikaw mismo ang mag-effort sa kanya para unawain at intindihin sila. Kainis lang. Ikaw ba? Kwentuhan m’ko about sa lovelife mo. ” Sabi ko naman “Ako? Nako di ako magaling dyan, niminsan di ko na-experience sumuyo sa babae dahil pinangungunahan ako lagi ng kaba. Pero sa ngayon, may nagpapasaya sa’kin araw-araw.” Sabi niya “Weh di nga? Sabihin mo na sakin! Please? *With matching puppy eyes*” sabi ko “Darating ang panahon. Trish” Sabi niya sakin “Sige, gusto ko sakin mo agad ipakilala ha?” Sabi ko “SURE.” Hay na’ko. Gusto ko na sana sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Kaso kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya, kasi natatakot ako baka masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lamang dun. Grabe di ko kakayanin yun para bang guguho ang mundo ko? Kaya mas minabuti ko nalang na itago ang nararamdaman ko sa kanya. Kailan kaya ang pagkakataon na yun? Masaya ako sa pagkakaibigan namin ngunit di rin habang buhay umiikot mundo niya sakin. Ahh basta bahala na. Ayun, hanggang nauwi sa paulit-ulit na pagkikita . Halos di na nga kami magsawa sa isa’t isa kulang nalang mag-skype pa kami. Minsan na niya ako ginawang sumbungan niya tungkol sa mga manliligaw niya. Na-halatang pinagt’tripan lang daw siya, binobola. Sabi ko sa isip ko marami ka ngang manliligaw na malalakas ang loob pero di naman nila nagagamit ng tama kung pano pasayahin at pahalagahan ang babae. At ako mismo amindo sa sarili ko na TORPE ako, napangungunahan lang ng kaba o sa pwede na mangyari. Pero kahit ganito ako palihim na nagmamahal sa kanya tapat naman NAGMAMAHAL ng lubusan. Ang dami nang pagkakataon ang pwede kong mahawakan ngunit nasasayang dahil sa pagiging torpe. Hay nako, kapag kasama ko talaga si trish ang gaan ng pakiramdam ko kahit ang ingay niya iba pa rin ang aura niya. Siya lagi ang maingay saming dalawa. Yung tipo bang tinalo niya na yung radio dj tas ako naman di na halos maka-salita. Grabe, gabi gabi na rin kami nagchchat. Lagi kong hawak hawak baller niya. Hayy, di ko man lang maibalik sa kanya ‘to kahit ilang beses na kami nagkikita. Nagdaan na ang isang linggo, walang Trish ang nagpapakita sa akin simula nung huli kaming magkita. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito? Ni minsan inisip ko kung may nasabi ba akong mali o nahalata na ba niya na may gusto ako sa kanya o nagpapamiss lang talaga? Dumating sa punto na di na rin siya nago-online. Natatahimik na ang buong gabi ko, datirati siya lagi ang nagsisimula ng ingay sa chat pero ngayon, wala na.. Tuwing dismissal dinadaanan ko lagi ang mcdo na kung saan dun kami madalas lagi magkita. Minsan, ako nalang ang umupo sa pangdalawahang table at iniimagine ko na kasama ko siya ngayon. Habang kumakain ako mag-isa may isang babaeng nagtanong sakin na “Ikaw ba si Jon? Pwede ba kita makausap?” Sabi ko naman “Oo naman, may dapat po ba akong malaman?” Sabi niya “Ako nga pala si Ashley, yung friend ni Trisha. Pinapunta niya ako dito ngayon dahil alam niyang nandito ka.” Sabi ko naman “Nasaan na nga pala si Trish ba’t parang di ko na siya lagi nakikita sa school. Iniiwasan ba niya ako or may nasabi ba akong mali sa kanya? Pasabi naman sorry…” Sabi niya “Wala ka naman ginawang mali. Kaya pinapunta niya ako dito para sabihin sa’yo ang totoo niyang hinaing, sabi niya simula nang magkakilala kayo sa simpleng bungguan hanggang sa estado niyo ngayon. Gusto lang niya magpasalamat sa’yo dahil nandyan ka palagi at dinadamayan mo siya sa lahat ng trip niya. Hindi nga niya inaasahan na magiging close kayo sa isa’t isa pero grateful naman daw siya at nakilala ka niya. Kaso, Natatakot daw siya sa magiging kakalabasan ng pagkakaibigan niyo. Alam mo ba lagi ka niyang kinukwento sa’kin tuwing nagp’practice kami ng sayaw? Binubuo mo lagi araw niya sa tuwing nagkakasama kayo. Kaso habang tumatagal naghihintay siya sa wala. Ayaw niya rin namang sabihin na may gusto siya sa’yo. Kase natatakot siya na baka masira ang pagkakaibigan niyo.” Matapos ang sinabi ni Ashley tila di ako makapaniwala sa sinabi niya. Para bang na-stroke ako sa sinabing katotohanan. Grabe, sobra sobra ang pagsisi ko. Parang guguho na ang mundo ko. Dito ko na-realize na wala talagang nauunang pagsisisi. Tila para bang naglaro lang kami ni trish ng hide and seek naghihintay na mahuli ang isa’t-isa. -- At di rin nagtagal umalis na si Ashley at ako’y umuwi na rin. Nang gabing iyon di ako makatulog sa labis na panghihinayang. At hanggang sa pagpasok ko sa school baliktad na ang sitwasyon dati puno ako ng sigla at saya sa pagpasok ngunit san ko na ilulugar yun ngayon. Lalo na’t baliktad na ang lahat. Di ko talaga masisisi na sadyang mapaglaro ang tadhana. Hanggang umabot na sa dismissal wala pa rin ako sa sarili ko magdamag akong naka-upo sa bench na kung saan dun kami unang nagkausap. Iniimagine ko ang lahat ng memories na nangyare sa aming pagkakaibigan. Di rin nagtagal umuwi na ako. Pagdaan ko palabas ng gate isang babaeng nakatayo sa sulok ng gate tinititigan ang sahig. Dito ko napag-alaman na ang sahig na tinitingnan niya ay ang sahig na kung saan nakabungguan kami at sabay na bumagsak. Bigla akong nakita ni Trish at agad agad siyang lumabas ng gate at pasigaw kong sinabi na, “Trish, alam ko na ang lahat. Alam kong masakit na maghintay sa wala. Pero bago ka magpaalam hayaan mo munang sabihin ko ang nararamdaman ko para sa’yo. Minahal na kita simula pa lamang. Masaya ako sa nagging kinahatnan ng pagkakaibigan natin. At lubos kong pinapasalamat na nakilala kita. Matagal na kitang mahal ngunit natatakot lang ako sa pwedeng mangyare sa pagkakaibigan natin. Sorry, pero kahit ganito man ako nagmahal naman ako sa’yo ng tapat at totoo. Trisha nais ko lang ibalik sa’yo ang baller na naiwan mo. Maraming salamat sa baller mo dahil yan ang nagging silbing pinahuhugutan ko ng lakas sa araw-araw.” Sabi niya “Itago mo na yan, para kahit san ka man magpunta maaalala m’ko.” Sabi ko “Trisha sa huling pagkakataon pwede ba kitang mayakap?” *trish silent* Nayakap ko rin siya sa huling pagkakataon at hinalikan ko siya sa kanyang noo bilang tanda ng respeto at pagmamahal sa kanya. At dito 

 Part 2:
http://www.wattpad.com/18352025-when-love-comes-around-2#.Ubqs_-dHKSr

When Love Comes AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon