Part 2

126 6 0
                                    

Naging maganda ang takbo ng buhay ko simula nung nagtapos ako ng kolehiyo. Sa nakalipas na 9 na taon, Tila parang kailan lang na ang Trish noon na volleyball player at dancer ng campus isa na ngayong successful na model at fashion designer. At isa ako sa mga tanyag na designer sa pilipinas. Dito ako mismo masaya sa aking propesyon, bukod pa sa ako ang gumagawa ng designs ako rin mismo ang nagpopromote nito sa pamamagitan ng pagmomodel. Nandyan lagi para sa'kin ang aking excecutive assistant na si lovely, bestfriend ko kahit loka-loka "Trish, ready na ang lahat ng designs para sa philippine fashion week! Magtira ka naman ng lakas para bukas sa show kanina ka pa gumagawa diyan." - "Tatapusin ko na lang 'tong last batch ng designs." sabi ng inaantok kong tinig. At sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay kong araw, ang philippine fashion week na kung saan ipapamalas ko ang aking mga talento at abilidad bilang isang tanyag na designer. "Oh, ready na ba ang mga model natin? At siyempre ready na din ba bestfriend ko? Go go go bes!!" Tinig ni Lovely. "Kinakabahan nga ako e. Pag-pray mo di ako madapa bes. " tinig ng kabado kong boses. Ilang sandali nalang magsisimula na ang rampa. At habang nasa backstage nakalimutan ko ang aking kwintas sa lobby, mabilis agad akong lumabas ng backstage bago pa mag-umpisa ang programa. At saktong pagliko ko sa kanto ng mismong stage nagka-umpog kami ng isang photographer nang di inaasahan. Ramdam ko ang lakas ng impact at sabay kaming napaupo. Agad naman niya akong itinayo nang dahan-dahan at biglang napansin ko ang kanyang suot na baller. sabay niyang sinabi na "Miss, okay lang?" At dahil sa pagmamadali ko di ko na nakita ang kanyang hitsura. At nang matapos kong makuha ang aking kwintas, nagsimula na ang rampa. Emcee: "Please welcome, Trish Santos with her stunning made up dress." *applause* di ko ine-expect na aabot ako sa ganito, todo tingala ang mga tao sakin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa lahat. Nang matapos ang programa. Sinalubong ako kaagad ng aking bestfriend na si lovely. "Bes, I'm so very very proud of you!! Ang layo na ng narating mo. Hahayaan nalang ba natin na di tayo magcecelebrate?" Pabirong banat ni lovely. -- "Maraming salamat talaga bes, di ko rin maabot 'to kung wala ka. Pero, pagod na ako e. Next time nalang tayo magcelebrate." Hanggang sa pagtulog ko, naalala ko yung lalakeng naka-umpog ko kanina. Ang pangyayaring yun ang nagpapaalala sa nakaraan ko lalo na nung nakita ko yung baller niyang suot. Naalala ko tuloy si Jon, Siya kaya yun kanina? Hay ano na kaya balita sa kanya? Itutulog ko na nga lang ito. Makalipas ang ilang araw, back to work nanaman! At ako’y nagmamadaling pumunta sa aking office dahil na-late. “Bes! Ready na ang lahat para sa photoshoot kaw nalang inaantay!” sigaw ni Lovely __ “Yes papunta na ako bes!!” *nagmamadaling magpalit ng damit.” Nagsimula na rin ang photoshoot para sa bagong launch ng mga designs ko. At sa di kalayuang sulok napansin ko ang isang photographer na di nagsasawang kumuha sakin ng litrato. Sa bawat rampa ng aking mga modelo lahat ng press ay nakakandarapa kumuha ng litrato at habang siya naman walang ginawa kundi titigan at kuhanan ako ng litrato. Dito ako medyo nailang, yung para bang imbes na mafa-flatter ka kasi kinukuhanan ka ng isang press. Eh iba ang nararamdaman ko e, mas lalo akong nabibwiset sa kanya. Tapos habang rumarampa na ako eh aba nakangiti pa siya yung para bang nang-iinsulto. Grabe, Hinayaan ko nalang siya. Matapos ang nasabing photoshoot ako’y agad agad dumeretso sa aking office at nagpahinga ng saglit. “Aahhhh! Bes!! May bisita kaaaa!!!” Pasigaw na tili ni Lovely. “Hi, Trish! Flowers for you.” isang mahinhin na tinig nagmula kay James *sabay halik* At ako’y biglang nagulat nung hinalikan niya ako di ko malaman kung kilig ba ‘to or nabigla lang? Si James ay isa kong manliligaw at isa sa mga head ng umbrella press productions. “Salamat sa flowers mo, napadalaw ka yata?” tanong ko sa kanya. “Wala lang, gusto ko sana i-congratulate ka ng personal. Kasi ang layo na ng narating mo.” Bati ni James. “Gusto mo ba maiinom?” – “Ayos na ako sa timpla ng kape mo, Trish.” Banat ni James. Matapos akong maka-timpla ng kape… Tumunog bigla ang cellphone ni James at sinabi niya na kailangan na daw niyang umalis. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sakin. At sinamahan ko na siyang inihatid papalabas ng aking office. At sa aking pagbalik agad naman akong umupo at nag relax. Ako nalang mismo ang uminom sa sarili kong tinimplang kape. Maya’t maya napansin ako ang isang post-it sa desk ko na may nakasulat na. “See you later at mcdo, 3:30pm – James.” Sabagay, para makapag-chill ako. Pero, mas kinailangan ko munang gawin ang last set of design ko para sa ultimate bazaar. At hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at pagtingin ko sa orasan 4:00 pm na. Agad agad akong nag-ayos sa sarili ko at umalis lulan ng aking sasakyan. Pagdating ko sa mcdo sinalubang agad ako ni James ng masayahing ngiti. “Sorry kung late ako, may tinapos pa akong designs e.” – “Ayos lang yun, buti nga pinaunlakan mo ang imbitasyon ko e. Sorry nga pala kanina kung umalis ako agad. Di ko man lang natikaman kape mo.” Sabi ni James. Na-appreciate ko naman ang pambawi ni James, halos nasa kanya na nga lahat eh. gwapo, chinito, matipuno, matangkad, at mabait ngunit wala pa ring pinapahiwatig puso ko sa kanya. Habang inaantay ang order ni James, tila biglang naalala ko yung pwestong inupuan namin ni James, na kung saan dito kami una nag-bonding ni Jon. Halos naging baliktad ang sitwasyon habang kami ay kumakain, si James ang di maubusan ng kwento sa aming dalawa. Samantalang ako walang imik kundi balik sa dating pagiging mahinhin. Paano kaya kung kasama ko siya ngayon? Panigurado hindi siya magsasawa sa kakadakdak ko dahil siya lang nakakapagtiyaga sakin eh. Matapos kaming kumain sa mcdo nagpasalamat ako kay James at umuwi na ako. Pagdating ko sa aking office sinalubong agad ako ni Lovely "Bes, bukas na yung victory party pina-set ko na sa manager ng hotel kanina! Lezz party na!" -- "Agad agad bes? Ehh, andami ko pang schedule para sa photoshoot." Hay, Ibang klase talaga 'tong bestfriend ko nagpapasya agad agad. "Eh sabi mo next time? So ito na yun, wala ka na bang oras para magsaya?" Sabi ni lovely. "Osigee na nga, wag mo uulitin 'tong agad agad na paparty ha?" Dumating na ang oras ng party na kung saan nakaupo at naka-table ako sa isang sulok habang umiinom. Agad namang sinamahan ako sa table ni James at sinabing "Congratulations, Trish!" *kiss sa cheeks* hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin or what pero ang lambot ng mga labi niya. Natanggal di naman ang aking stress kahit papano sa party na 'to kaya mas minabuti ko nalang i-enjoy ang sarili ko. At agad ko namang sinabi "Thank you James! Tuloy tuloy lang tayo ahh? Lezz party!!" *cheers* -- "So, how's my photographers? Are they doing their job properly? Just tell me if you need to replace them." Sabi ni James. At habang tinitingnan ko ang mga photographers sa paligid. Tila may isang photographer sa sulok ang nagpaalala sa aking isipan."Ayun! Sino siya? at gaano na siya katagal sa inyo?" At agad kong binitawan ang desperadong tanong na yun kay James. Biglang nagtaka at napangiti si James sa aking tanong. "Ahh, Si Patrick Rivera yan. Lagi nga siyang active sa committee namin e. At isa siya sa mga outstanding photographers namin. Why? Any problems with him?" Tanong ni James. At sinabi ko naman na "Wala naman, kasi nung launch ng mga designs ko iba ang titig niya sakin habang kinukuhaan niya ako ng litrato. At di ko rin sure na siya rin yung nakabunggo ko nung philippine fashion week." -- "Ahh, don't worry mabait naman siya. Ganun lang talaga siya kapag kumukuha." Agad namang depensa ni James. Di ko talaga alam ang tunay na ugali niya at gusto ko na agad malaman iyon dahil nac-curious ako sa katauhan niya eh. Kaya di na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na kay james na "Wow, outstanding pala ahh? Gusto ko siya kunin bilang personal photographer." At sinabi naman ni James na "Sure, gusto mo tawagin ko na siya?" Sabi ko "Wag muna ngayon." Nagpumilit pa rin si James at tinawag na siya. "Patrick!" At agad naman nagmadali papunta samin si Patrick at sinabing "Yes sir?" -- "Kuhanan mo naman kami ni Trish." Request ni James. "Sige po" magalang na sagot ni patrick *flash* at pinatabi ni James si patrick sa aming table at agad sinabi ni james na "Starting tomorrow ikaw na ang personal photographer ni trish. Pumasok ka agad bukas ng maaga dahil kakailanganin ka ni Trish." At pinakilala kami sa isa't-isa ni james. "Hello po ma'am *shake hands* at your service." tinig ng mahinhin na boses ni patrick. "Just call me Trish. I'll catch up you tomorrow." Mataray kong sagot sa kanya. At habang lalong tumatagal ang party ako'y lalong nalalasing. At natinag ang aking mga mata sa bitbit ng isang waiter na puro red velvet. Wala akong ginawa kundi kumain ng kumain dahil sa sobrang sarap. At biglang bumagsak din ako sa aking inuupuan sa sobrang kalasingan. Kinaumagahan nagising na lamang ako sa aking kama nang di nalalaman kung sino ang nag-uwi sa akin. At habang nakahiga ako pilit kong iniaabot ang alarm clock ngunit imbes na alarm clock ang mahawakan isang red velvet ang aking nahawakan. Ako'y biglang napabangon at napangiti nang di inaasahan, ngunit nang makita ko ang orasan 9:00 na pala at agad agad na akong nag-ayos ng sarili at tuluyang umalis. Pagdating ko sa opisina nag-aantay na si Patrick sa isang sulok at maging lovely. At nakita ko ang isang boquet ng flowers at red velvet sa aking desk. Nagduda ako agad at tinanong si Patrick "Anong ibig sabihin nito? Sa'yo ba galing ang mga ito? “Nako po ma’am, sa pagkaka-alam ko po trabaho pinapakay ko dito hindi po mamigay ng mga stuffs tulad niyan.” Depensa ni Patrick sa sarili. At agad ding sinabayan ni ng paliwanag ni Lovely “Nako bes!! Kay Sir James galing lahat yan! Sumaglit lang siya dahil sa may work din siya. Tsaka, Wag ka na magalit kay Papa Patrick ang aga na niya pumasok dito oh?” Hayy, Hindi na ako makapagsalita sa dahilan ng dalawa. Sa mas madaling salita ako’y napahiya kaya walang imik nalang ako at inamoy ang flowers na ibinigay ni James at napansin ko na may naka-attach na post-it na nakalagay “Trish, Goodmorning! Kahit di man kita lagi naabutan every morning sana ma-appreciate mo ang ginagawa ko.” At mas lalong natuwa ako nung sinamahan pa ito ng isang red velvet. At naisipan ko nang bumalik sa trabaho. Aga akong nilapitan ni Lovely at sinabi “Trish, wala pa mga models natin. Paano masusuot yung mga designs na ginawa mo. Ano na papagawa mo kay Papa Patrick?” Napa-head down ako, talagang panandalian lang ang kasiyahan kagabi pero may naisip akong paraan... *One-Two flashhhh* “Nuxx naman bes!! Antaray, solo pictorial ang gusto. Go Go Go!” bola ni Lovely. Hay, nakakapagod talaga kapag ganito ako ang lahat. Yung feeling na tatlo lang kami nagtutulong tulungan para sa success ng susunod na project ko. “Ang sexy sexy mo talaga bess!! Go for itt!” *flashhh* Grabe, feel na feel ko na ang bawat pose na nararapat sa aking suot. At dito ko nanaman napansin si titig ni Patrick naalala ko tuloy yung araw ng launch din ng designs ko ganun na ganun talaga ang titig niya sa akin. Alam mo yun, hindi mo malaman ang ibig sabihin ng titig niya kung nagagandahan ba siya sakin or may balak siya masama sakin. Nakakailang kaya, ngunit tuloy-tuloy pa rin ako sa aking pag pose dedma nalang ang magiging kalaban niya kung tititigan pa rin niya ako. “Break time muna tayo, Nakuhaan mo ba lahat Patrick?” tanong ni Lovely. Isa isang pinakita ni Patrick ang kanyang mga shots mula sa camera. “Ang galing mo naman makasunod Papa Patrick!!” banat ni Lovely. Habang ako naman ay dumeretso sa desk ko matapos magbihis at hinayaang ko silang dalawa. “Ipagkukuha lang kita ng makakain” – sabi ni lovely kay Patrick. Muling napansin ko ang red velvet sa akin desk sa pangalawang pagkakataon at naisipang kainin ito. Ngunit, bago ko itong gawin lumingon muna ako sa paligid nang sa gayon walang makakakita kung pano ako kumain ng red velvet ko.. At hanggang sa pagpapakataong nakagat ko na siya tinititigan ako ni Patrick. Grabe, panira naman ng momentum nawala tuloy ako sa mood. “Papa Patrick, Mainom ka muna ng juice.” Alok ni Lovely “Salamat dito” mahinhin na sagot ni Patrick sabay tingin siya sakin ng nakangiti. Sa isip isip ko trip ako nito ahh? Nahiya naman na ako kumain ulit dahil pesteng titig yan! “Okay okay, Resume na tayo” sabi ni Lovely. *One-Two flashhhh* “Last wave na talaga ‘to bes! Bigay mo na lahat ng pose mo! Diba Papa Patrick?” banat ni Lovely. “Onga po.” Magalang naman na sagot ni Patrick. Grabe, Umay na umay na talaga ako. At hanggang sa may tumawag sa telepono ni Lovely at agad umalis dahil emergency daw ito. Dalawa nalang kaming naiwan ni Patrick. At patuloy pa rin kami sa pictorial hanggang sa tinitigan nanaman niya ako. Dito na ako nainis at hindi na nakapag-pigil ng galit. “Bakit ka ba ganyan lagi sakin maka-titig?” pasigaw kong sinabi kay Patrick. “nako po ma’am kasama lang po talaga sa trabaho yung ginagawa ko. Wala naman po akong intension na masama” Depensa ni Patrick. “Sige nga kung wala ka man intension. Bakit kailangan mo pa ako titigan ng ganyan.” Patuloy na pasigaw na tinig ko sa kanya. “Pasensya na po kung naiilang ko po kayo.” Sabi ng nanlilit na boses ni Patrick. “Alam mo mas mabuting umalis ka na dito. Layas! Layas!” – “Teka lang po ma’am binilin sakin ni sir james na pagsisilbihan ko pa po kayo bago matapos ang araw na ito.” Sabi ng nagmamakaawang boses ni Patrick. “Nako, dyan ka nalang sa labas kung ayaw mo umalis. *malakas na sarado ng pinto* Ayun, nailabas ko din ang galit sa kanya. Grabe high blood ako dun ahh? Nagdaan na ang ilang oras at natapos ko din ang designs sabay na nag-text sakin si James. “Trish, Kita tayo sa isang cakeshop, so let's consider it as a date later at 7pm.” Matapos ko na mailigpit ang gamit. Paalis na ako papunta sa venue naming ni James. Ngunit, palabas ko ng pintuan nakita ko si Patrick sa mismong tabi ng pinto at natutulog. Naawa naman ako sa kanya, feeling ko tuloy ang sama sama kong tao. At nang dahil sa mabigat siya hinila ko nalang siya papasok at hiniga sa sofa. At inantay ko nalang talaga siya magising. Di ko maipaliwanag na ang cute niya pala kapag natutulog. Ngayon, makakaganti na ako sa kanya tumitig. Wala lang, sayang siya para kasing ewan eh. Ewan ko ba? At sabay dinilat niya ang kanyang isang mata at sinabing "Uyy, concern siya sakin." -- "Hayy nako, maiwan na nga kita. Intayin mo nalang dumating si lovely." Pabalang kong sinabi sa kanya sabay alis ng office. Ito na talaga, dumeretso na ako sa date namin ni James. Sinalubong agad ako ni James at sinabing "Trish, mukhang busy ka yata? sorry kung bigla aya ko ah?" Pag-aalalang sinabi ni James. "No, it's fine. Na-delay lang ako dahil kay patrick." Sabi ko sa kanya. "Sige, kumain muna tayo bago natin pag-usapan yan." Sabi ni james. At habang kumakain "Kwento mo na yung nangyari kanina." Sabi ni james. "Ganito kasi yan, nairita na ako sa kanya dahil kakaiba talaga titig niya habang kinukuhaan niya ako. Tapos pinalabas ko siya sa bahay. Then, papunta na sana ako dito nakita ko siya sa labas ng pinto natutulog. Tapos hinila ko siya papasok. Ang hinala ko natutulog yun pala tulug-tulugan. Nainis ako. Iniwan ki na siya." Sabi ko sa kanya. "Haha. Srsly? Ganyan lang talaga si Patrick, maloko man mahal naman niya trabaho niya." Sabi ni James. "Kung nandito lang si Jon, siguro tawa yun ng tawa." Sabi ko sa kanya. Nang matapos ang date namin, hinatid ako ni James pauwi ng bahay. Ayun, hanggang sa pagtulog. Di ko alam kung bakit naiisip ko ang hitsura ni patrick. Bakit kaya sakin pinapaalala? Siya na ba si Jon? Hay, Pinagtatagpo ba nanaman kami ng tadhana? Minabuting binuksan ko ang facebook ko at hinanap ang fb ni jon. Dito ko napansin na di na active ang account na iyon simula nung di na kami nagkita. At hinanap ko din ang fb account ni Patrick Rivera. Pinagkumpara ko ang kanilang profile pic. At ang layo ng mga mukha sa isa't-isa. Hay, natulog nalang ako kasi baka antok lang ito. Sumunod na araw. Maaga akong nagising at naisipan kong pumasok ng maaga para tapusin ang ilang set ng designs. Pagdating ko sa aking office. Sinimulan ko na ang pagdedesign at pagsasaplano. Nang di ko namalayan, nakatulog pala ako. Pagising ko, mayroon nanamang boquet ng flowers at isang red velvet sa ibabaw ng desk ko. "Nako bes!! Kailan mo na ba sasagutin si sir james? Grabe sumaglit lang siya para lang ihatid yang boquet at velvet ah?" Sabi ng kinikilig na si lovely. "Oyy ahh? Di porket ganito nakukuha niya na loob ko ha?" Pakipot kong sinabi. "Wusshuu! Pa-chixx ka naman?" Sabi ni lovely *Patrick patagong tinitingnan si trish* "Ayy bes! Nga pala nandito na kanina pa si Papa Patrick kanina pa nga siya nagpo-photoshoot sa mga models natin eh. Ang sipag di ko na nga inutusan kung ano gagawin niya eh. Partida late pa yan!” Habang tinitingnan ko si Patrick habang nagtatrabaho. Kita-kita ko talaga ang page-enjoy niya sa trabaho niya. Napahanga ako sa pinapakita ni Patrick nung araw na yun. Baka dito na nagkakatotoo ang sinabi ni James sakin. Hay, Hanggang sa ngayon nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko sa kanya. Maya maya unti-unti siyang lumalapit sa aking desk. Kinakabahan ako kung ano sasabihin niya. “Goodafternoon, Miss Trish!” *with matching kindat* banat ni Patrick. “Che, umalis ka nga sa harap ko.” Pataray kong sinagot sa kanya. Umalis din siya dahil natakot sakin. Umupo nalang siya sa sofa. Grabe, Ansama ko talaga sa paningin niya. Di ko tlaga ma-express yung dapat kong sabihin sa kanya.  Hinayaan ko nalang at pinagpatuloy ko na rin ang aking mga gawain lalo na’t papalapit nanaman ang bazaar. Ginabi na ako sa paggawa ng designs at gayon din nakatulog na din si Patrick sa sofa. Grabe ang tibay neto, nakauwi na nga lang si Lovely nandito pa rin siya. Hay, Ayoko na nga lumapit sa kanya baka mamaya tulog-tulugan lang yan. Nagdesisyon na lang ako na gisingin siya dahil siya nalang ang maiiwan sa office. Nagising siya at sabay sinabing “Ano na? Tara na! ihahatid na kita.” *hinihila braso* “Anong tara na? Uuwi na ako. Ginising lang kita para hindi ka ma-lock sa office.” Sinabi ko sa kanya. “Hayaan mo muna akong bumawi sa’yo Trish.” Sabi ng kahabag habag na boses ni Patrick. “Bumawi? Para saan?” Sabi ko sa kanya. “Alam kong nainis ka sa pagtitig ko sayo. Gusto lang kitang maging kaibigan at kung mangyari man yun makakabawi na ako sa’yo ng unti-unti.” Sabi ni Patrick. Kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa kanyang sinasabi. At pinangunahan ko na siyang “No, you don’t need to do that. Forget about it.” – “Teka teka, eh paano yan lagi ka namang magiging mataray sakin? Sige, kung di ka madaan sa bawi. Ganito nalang, This coming bazaar kapag naging cover ikaw sa newspaper galing sa shot ko. Pwede na kita maging kaibigan? Deal?” hamon sakin ni Patrick. At ako rin naman, naniniwalang magiging Malabo yun mangyari sa dinarami nga namang press. “Sige deal.” Doon na nagtatapos ang pag-uusap namin at tuluyan ko na siyang iniwan. Pauwi na ako sa bahay, at biglang nagtext sakin si James. “Trish, pwede ka ba ngayon? Nood tayo ng Volleyball game sa MOA arena. I already bought 2 tickets for us.” At sabagay, wala ring magawa. Sinundo ako sa bahay ni James at dumeretso sa MOA Arena. Pagdating naming dun, nasa VIP area kami naka-upo. At ilang sandal na lamang magsisimula na ang game. Grabe, andaming tao! Paano kaya kung ganito rin karami yung crowd habang naglalaro ako noon. Hay, Nangangarap nanaman ako ng gising. At habang nasa kalagitnaan  ang game ramdam ko ang intense ng game. “Na-miss mo siguro magvolleyball ‘no?” tanong sakin na pabiro ni James. “Oo nga ehh. Wala na yung galing ko. Pero may binatpat pa naman din.” Pabiro ko ring sinabi sa kanya. Parehas kaming natawa sa sinabi namin. Maya’t maya nagseserve ang isang star player ng kabilang team. At pagka-spike nito biglang napunta sa outside at tinamaan ang isang VIP sa likod ng bench ng kabilang team. Dito ko biglang naalala si Jon. Na kung saan tinamaan ko din siya ng bola matapos kong bitawan ang malakas na spike. Nakakatawang isipin na nangyare din ngayon. Ngunit may parte pa ring nakakamiss. “Oh? Bakit tumawa ka kanina nang tinamaan ng bola ang tao tas ngayon biglang sad face ka dyan?” sabi ni James. “Wala lang, Naalala ko lang si Jon yung bestfriend ko. Paano kaya kung siya ngayon kasama ko. Panigurado magtatampo sakin yun.” Sabi ko sa kanya. Hanggang sa matapos ang game. Hinatid na ako sa bahay ni James. At sinabing “Maraming salamat sa time Trish, sa uulitin. Goodnight!” – “Maraming salamat din James sa uulitin. Goodnight.” At hanggang sa oras ng gabi, pinagpatuloy ko pa rin ang paggawa ng designs dahil bukas na ang bazaar. Kaya kailangan ko ng konting sakripisyo para dito. At di rin nagtagal nakatulog din ako. Ito na ang pinakahihintay na araw, Ang Ultimate Bazaar. Hanggang sa paggising ko ay dale dale akong pumasok sa office upang maasikaso ang aking mga models. Mahirap na umasa kay Lovely lalo na’t siya lang ang mag-isa. At nang makarating ako sa office, Si lovely ang di magkandarapa at tarantang taranta sinabi ang “Girls pila na malapit na ang launch” habang ako naman late. “bakit ang tagal mo trish? Ready na ang lahat at ikaw magbihis ka na.” At yun agad agad akong nagmadali. Nang magsisimula na ang rampa nakita ko si Patrick sa isang sulok naka-thumbs up. Naks naman, Kahit papano pala may mapaghuhugatan din ako ng lakas galing sa kanya. At mula sa kabilang dulo naman nandun si James nakangiti sa akin. Dinadalangin ko na sana na di ako madapa at maging worth it ang lahat ng pagpupuyat ko para sa designs. Dumating na ang oras, Nagsimula na ang rampa ng mga models ko, At hanggang sa pagrampa ko, humugot ako ng lakas ng loob sa mga tao. Habang si Patrick nasa unahan di magkandarapa sa pagkuha ng litrato. Nang matapos ang bazaar, sinalubong ako nila James at Lovely. Sa sobrang tuwa ko nanghimatay ako sa harap nila. Wala akong marinig kundi ang pagsigaw nila ng pangalan ko nang ako’y bumagsak. Sumunod na araw, nagising na lamang ako sa isang puting higaan. Agad akong nilapitan ni Patrick mula sa inuupuan niya. Siya lamang ang nagbabantay sakin nung ako’y walang malay pa. “Kamusta ka na? Congrats nga pala.” Isang masayahing Patrick ang sumalubong sakin at nagtanong ng ganun. Tono palang ng pananalita niya ang saya na. Agad ko namang tinanong siya na “Anong nangyare sakin? Asan si lovely?” -– At sinagot naman niya ako “Napaka-successful mo nga, napapabayaan mo naman ang sarili mo. Kakaalis lang, Bumili lang ng prutas para sa’yo. Nga pala *iniabot ang dyaryo* I guess panalo yata ako sa pustahan?” Agad akong di makapaniwala sa sinabi niya. Nang makita ko ang dyaryo talagang totoo nga. At ako naman speechless. “Oh sige, kumain ka muna neto pampainit ng sikmura. Kailangan mo neto.” Alok ni Patrick *habang pinapasubo niya ang isang kutsara ng sabaw ng noodles.* At ako’y napangiti, dahil hindi ko naman inaasahan na magiging ganito siya sakin. *nasubo na ang kutsara ng sabaw* Napangiti si Patrick at sinabing “So, Let’s be friends?” – “Yup my friend.” Masayang sagot ko naman sa kanya. Dumating na rin ng may dalang prutas si Lovely at sabay sinabing “Bes, I miss you. Look oh? Apples for you.” – “Sige trish mauna muna ako may photoshoot pa ako eh. Get well.” Sabi ng nagmamadaling si Patrick. “Salamat sa pagpunta. Ingat!” sabi ko sa kanya. At bigla kong napansin sa ibabaw ng drawer may boquet nanaman ng flowers at may red velvet. Sabi ko kay Lovely “Kanino galing yan?”—“edi kanino pa? Sa manliligaw mo na si James! Dumaan lang siya dito saglit.” pasigaw na sinabi ni Lovely. Kinilig tuloy ako lalo dahil nandyan nanaman ang red velvet na paborito ko. Di rin nagtagal na-discharge na din ako sa hospital matapos ang 2 weeks. Back to work na rin ako. Grabe na-miss ko magtrabaho sa office. At imbis na isipin kong mai-stress ako sa dami kong gagawin, inenjoy ko nalang. “Nuxx naman Trish, good vibes na good vibes ka ngayon ahh?” pabating sinabi sakin ni Lovely. “Eh siyempre, namiss ko lang trabaho ko ‘no?” depensa ko naman sa sarili ko. “Wusshhuu! Si James lang ata ang dahilan niyan ihh?” biro sakin ni Lovely. “Nako, di ahh? Isyu nanaman?” pabiro kong sinabi sa kanya. Nagkaroon ako ng gana sa pagtatrabaho dahil sa naalala ko pa rin kung paano ako inalagaan ni Patrick nung araw na nasa ospital pa lamang ako. Wala lang, na-appreciate ko naman effort niya kaya ayun gusto ko lang makakuha ng pagkakataon para magpasalamat sa kanya. Hanggang ngayon ipinagtataka ko, walang Patrick na tumanaw sa aking paningin at biglang naisip ko na baka absent siya. Hinayaan ko nalang at naisipang kong bumawi sa ibang araw. Hanggang sa ginabi na ako at natapos ang aking mga gawain biglang nag-text nanaman sakin si James. “Trish, pwede ka ba ngayon? Na-miss kita e. Hayaan mo muna akong bumawi sa’yo.” Di na ako nagdalawang isip pa. Tutal wala na naman akong gagawin. Agad naman akong sinundo ni James dito sa office at nagdinner kami sa isang luxury restaurant. *habang kumakain* “How are you Trish?” concern na sinabi sakin ni James. “Ito ayos lang, namiss ko nagtrabaho ulit ehh.” Sabi ko naman sa kanya. “Congratulations sa’yo. I’m so proud of you! Sorry kung wala ako sa tabi mo nung panahon na kailangan mo ako.” *head down* malungkot na sinabi sakin ni James. “Ano ka ba? Malakas na ako ngayon ‘no? Uyy nga pala, Si Patrick mabait pala talaga siya. Di ko ineexpect na concern siya sakin. Pinakain pa nga ako ng noodles e..” Sabi ko sa kanya. “Ahh, kita mo mabait naman talaga siya. Ganun lang siya sa simula.” Masayahing sinabi sakin ni James. “Naalala ko tuloy nung mga panahong magkasama kami ni Jon, nakikita ko kasi kay Patrick mga katangiang meron si Jon nung ako’y inaalagaan niya” Sabi ko sakanya. Nanggigigil ang kamao ni James sa lamesa at sinabing “BAKIT PURO NALANG SI JON ANG BUKAMBIBIG MO? Hindi ba sapat ang lahat ng ginagawa kong effort para sa’yo? Maging si Patrick nga nababanggit mo sakin. Samantalang ako na lagi mong kasama lumabas hindi mo man lang mabigyan ng konting PAGMAMAHAL? Trish, paano naman ako? Mahirap ba talaga akong mahalin? *humahagulgol sa aking harap* __ “Hindi, hindi naman sa ganun James. Mahalaga ka rin naman sakin. Na-appreciate ko naman lahat ng mga bagay na ginagawa mo sakin. Pero mahal kita ngunit bilang isang kaibigan. Dahil iba pa rin ang tinitibok ng puso ko.” *umiiyak.* “Sana sa umpisa palang sinabi mo na kung may pag-asa pa ba ako sa’yo.” Sinabi niya yun sakin. At tuluyang iniwan na niya ako sa restaurant. Di ko rin kinaya pigilan ang aking emosyon at minabuti ko nalang na umuwi sa bahay. Hanggang sa pag-uwi, ako’y umiiyak pa rin sa harap ng aming pinto. Na-realize ko na ang sama sama ko palang tao. Tama nga ang sinabi ni James sa’kin. Grabe, hindi ko talaga mapigilan ang iyak ko. Habang patuloy ang aking pagluha isang boses ang aking narinig habang iniaabot ang panyo. “Alam ko kung gano kasakit, pero hayaan mo muna ako maging kaibigan mo.” Sabi sakin ni Patrick. “Alam mo ang tadhana talaga sadyang mapaglaro. Yung feeling mo na ang saya saya mo sa piling niya pero hindi mo kayang masuklian ang pagmamahal niya dahil iba pa rin ang tinitibok ng puso mo.” Mamalim na pahayag sakin ni Patrick at ako naman patuloy pa rin umiiyak. “Sige ka, wag ka na umiyak papangit ka nyan ihh. Nandito naman ako para pasayahin ang araw mo. TARA!” *hinila niya ang aking kamay* “Teka saan tayo pupunta?” sabi ko sa kanya. “Basta para hindi ka na umiyak” sabi niya sakin habang papasok kami sa aking sasakyan. Sa hindi inaasahang pagkakataon na-realize ko na talagang seryoso si Patrick na maging kaibigan niya ako. Hanggang sa nakarating na kami sa isang amusement park. Grabe, tinanggal niya talaga lahat ng sakit na nadarama ko nung gabing iyon. Hanggang sa napagaod kami sa kakasakay ng rides at naisipan naming umupo sa isang bench. Napansin ko nanaman sa kaliwang kamay ni Patrick ang baller na may nakalagay na “Everything happens for a reason.” At tinanong ko sa kanya “Gaano ba katagal sa iyo ang baller na yan?” -– “Ito? Nako, binigay lang sakin ito ng kaibigan ko. Bakit? Duda ako sa sagot niyang iyon. At biglang naalala ko nanaman si Jon na kung saan iniwan ko sa kanya ang baller na iyon. Ngunit hindi pa rin sila magkamukha ni Patrick. Hayy, ang gulo. Pinilit ko pa rin syang umamin at sinabing “Weh di nga? Wala ka bang naaalala dyan?”—“Anong may naaalala? Di ko alam sinasabi mo. Hay, antok lang yan. Tara na ihahatid na kita.” Sabi sakin ni Patrick. Hindi pa rin niya talaga inamin. Pero parang tama rin siya baka nagkamali lang ako ng hinala. At tuluyan kaming umuwi lulan ng aking sasakyan. Hanggang sa aming pag-uwi, sinabi ko kay Patrick na “Maraming salamat talaga Patrick. Simula nung inalagaan mo ako nung ako’y nasa ospital at hanggang ngayon ikaw ang nagsilbing lifesaver ko. Salamat talaga ha?” -– “Wala yun, diba sabi ko sa’yo babawi ako. Sige, goodnight!” Di ko alam kung bakit hati ang nararamdaman nung gabing iyon ngunit inaalala ko pa rin si James kung anon a ang lagay niya ngayon. Pero, nandyan pa si Patrick para pasayahin ako. Siya nga ang tinitibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit? Itinulog ko nalang yun. Sumunod ang araw, ganadong Ganado na ako sa aking trabaho para makita siya. Ngunit pagpasok ko biglang walang gana agad ako dahil wala pa si Patrick. At makalipas ang ilang oras dumating na siya at agad akong nagbihis para sa photoshoot. “Wow bes! Ganadong Ganado ka talaga ngayon ahh?” sabi sakin ni Lovely. At ako naman nakangiti lang. Matapos ang aking trabaho, hinila agad ni Patrick ang aking kamay at pumunta sa iba’t-ibang lugar. Ewan ko ba sa tuwing kasama ko siya kompleto lagi ang araw ko. Feeling ko napaka-comfortable ko sa piling niya. Di tulad noon kapag lagi ko siyang nakikita laging bwisit ang araw ko. Tuwing natatapos ang trabaho namin lagi na kaming lumalabas at sinundan pa iyon ng maraming araw. Hanggang sa inamin niya na gusto niya ako “Trish, sa araw-araw kitang nakakasama. Masaya akong ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan, pero hayaan mo akong mahalin ka.” Seryoso niyang sinabi sakin ni Patrick. At habang ako naman di ko masabi ang nararamdaman ko dahil sa sobrang kilig.  Dumating na rin sa punto na nililigawan niya na ako. Pinapasaya niya talaga ako ang bawat araw ko tuwing ako’y nagtatrabaho. Yung feeling na kahit wala siyang binibigay na bagay sa’yo pero sa kanya ka pa rin humuhugot ng lakas sa tuwing nakikita mo siya. Hanggang sa dumating ang aking kaarawan na kung saan sa paggising ko nabasa ko ang text message ni Patrick. “Hi Trish! Happy Birthday! Kita tayo mcdo mga bandang 7:30. May meeting kasi ako sa umaga na di maiwasan e. Sige enjoy your day. See you later.” Ang aga aga pinakilig nanaman niya ako. Pero ang tagal naman bago siya makita. Pati naman sa aking office sinurprise talaga nila ako pinangunahan pa ni Lovely sabay kumanta na pasigaw ng “HAPPY BIRRTHDAAYYTO YOOOUUU.” Ang sarap pakinggan lalo na’t marami talagang nagmamahal sa’yo. Patuloy ang kasiyahan at kainan sa office at ako naman inaantay mag-7:30 pm. Sa sobrang excited ko pumunta na agad akong mcdo. Nang dumating ako sa mcdo, ramdam ko na pakikiligin nanaman ako neto ni Patrick baon ang kanyang sorpresa. Ngunit nagdaan na ang ilang oras inaantay ko pa rin siya sa mcdo pero hindi ko na siya ma-contact dahil busy ang kanyang phone. Dumating na nga lang si Lovely at sinabing “Bes, baka naman na-busy lang si Patrick. Bukas mo nalang siya antayin.” At agad ko naman sinabing “hindi ako aalis dito, sabi niya darating siya ng 7:30.” -– “Juskoo, anong oras na bes! 11 pm na!!” sabi ni Lovely sakin. “Iwan mo nalang ako basta darating siya.” Pilit kong sinabi sa kanya. Umabot na sa puntong magsasara na ang mismong restaurant hindi pa rin ako umaalis sa aking pwesto kahit na pinapaalis na ako ng mga tauhan doon. Dumating na ang sikat ng araw at biglang dumating si James na mukhang may dalang balita at umupo sa aking harapan. “Trish, nadisgrasya ang sinasakyan ni Patrick kagabing 7:23 ng gabi. Kinalulungkot kong sabihin na wala na siya” hindi ako naniniwala sa kanyang sinabi at umaasang darating pa siya. “Trish, pakinggan mo muna ako kahit ngayon lang para malaman mo na ang totoo alang alang kay Patrick. Gusto ko sanang sabihin sa’yo na matagal na kaming magkakilala ni Patrick simula pa lamang nung kami ay college. Simula nung na-assign mo siya bilang personal photographer, magkalaban na kami pagdating sa’yo. Nasasaktan siya lalo kapag nakikita niya na sakin nanggaling ang kasiyahan mo. Feeling niya wala na siyang pag-asa para sa’yo. Yung tipong gumagawa nalang siya ng paraan para mapansin mo siya. Naalala mo ba ang araw na sinabi mo sakin na nabwisit ka dahil sa kakatitig niya sayo? Hindi mo ba nahalata na may gusto siya sa’yo? At isa pa, hindi sakin nanggagaling ang red velvet na kinababaliwan mo. Sa kanya yun nanggagaling dahil lagi ko siyang nakakasalubong sa tuwing hinahatid ko ang flowers sa iyong desk. Hindi niya talaga masabi-sabi sa’yo dahil baka masayang lang ang effort niya sa’yo. Trish si Jon at Patrick ay iisa. Simula nung nagalit ako sa’yo, siya agad ang tinakbuhan ko at agad kong sinabing “Pare, ikaw pa rin ang mahal niya. Sana wag mo sayangin ang pagkakataon. Aminin mo na na ikaw si Jon dahil hanggang sa ngayon bukambibig pa rin niya dating mong pangalan. Ingatan mo si trish.” At ako naman hindi makapaniwala sa sinabi ni James. Galit na galit ako habang humahagulgol sa kanya at sinabing “Bakit hindi mo agad sakin sinabi? Bakit mo pa pinaabot sa ganito? Hindi mo ba alam kung gaano ako ngayon nasasaktan?” Sinabi naman ni james na “Bilin niya na sakin ‘to simula pa lamang, hayaan nalangdaw siyang magsabi sa’yo ng totoo. Aaminin niya na sana sa’yo na siya si jon kagabi. Kaso, hindi ka na niya naabutan. Trish, ito nga pala ang tamang oras na malaman mo kung gaano ka niya kamahal. *iniabot ang scrapbook.* Pinabibigay niya ito sakin para sa’yo, nung panahon na feeling niya wala na siyang pag-asa sa’yo.” Nang mabuksan ko ang scrapbook lalo akong napaluha dahil wala itong laman kundi puro litrato ko na-stolen simula nung Philippine fashion week hanggang sa huling litrato nito ang kuha ng aking pagkagat ng red velvet cupcake. At sa huling pahina nito may nakalagay na. “You are my everything, I always think about you all my life.” Hindi ko talaga mapigilan ang aking luha. Kahit na yakap yakap ako ni James, hindi pa rin matanggal ang sakit na nakatusok sa aking puso. Bakit kailangan niya munang mawala bago ko malaman ang katotohanan? Sana makabalik ako sa nakaraan at masimulan ko muli ang lahat para sa kanya. Eh di ko na mababalik ang lahat. At hanggang sa libing ni Jon, *habang hawak baller* Masaya na ako at naging kontento dahil muling pinagtagpo kami ng tadhana. Hinding hindi ko malilimutan ang masasayang alalaala na ibinigay mo sa akin. Masaya ako at nakilala kita muli bilang isang mabuting Patrick sa buhay ko. Hayaan mo naman akong mahalin ka kahit wala ka na sa piling ko. Mamimiss talaga kita. Pero para sa akin ikaw pa rin ang iibigin ko habang buhay. Maraming salamat sa pamamahagi ng iyong buhay. Hanggang sa muli, Paalam aking mahal….

When Love Comes AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon