Chapter 10

245 17 11
                                    

AN: Sipag kong mag UD 'no? wala akong magawa sa buhay e. hahahaha! Enjoy!!!;)

Chapter 10

Dj’s POV

Nilingon ko si Bea habang nag d’drive ako, nakatulog na siya. Sobrang pagod siguro, anong oras na rin kasi. Medyo mahaba habang biyahe pa ‘to. Sana’y hindi ako antukin…

(Play: I'll be there for you by boyce avenue) ~~>

“Muka siguro kong tanga neto, kakausap ako ng tulog…”

Sabi ko habang patuloy ako sa pag mamaneho.

“sa totoo lang nung unang kita ko pa lang sayo namangha na ko kagandahan mo, pero nung araw din na yon hiniling ko na sana naging muka ka na lang, kasi napangitan ako sa ugali mo, napaka’bossy mo.”

“Nung hinalikan mo ko nung nasa club tayo… naisip kong napaka liberated mong tao”

“Pero nung bumalik na tayo sa unit mo nung araw na yon at nakita kitang umiyak…”

“Hindi ako nakaramdam ng awa… nakaramdam ako ng inis, kasi para sakin ang mga katulad mong babae ay hindi dapat pinapaiyak, you look so fragile that night…”

“Nagpunta tayo sa beach, kagaya ng pinangako ng pinsan mo sayo.”

“Doon ko nalaman na… you’ve been through a lot.”

“Gusto kitang tulungan… na muka namang nagawa ko ng maayos”

“Nung araw na nasa cruise tayo, umiyak ka. Sinabi mo sakin na hindi mo akalaing masasaktan ka padin… That moment alam ko sa sarili kong …I’m starting to like you…”

“Buong linggo, pagkatapos nung araw na nalaman kong niloko ako ni Kath, ipinakilala kita sa mga kaibigan ko, idenate ka nila… pinilit kong ibinaling sa iba yung atensyon ko, dahil sa mga oras na yon, naiinggit na ko. Kumbaga gusto kong tayong dalawa lang, pero alam kong hindi naman pu’pwede yon. alam kong nagseselos ako, pero hindi ako handang aminin yon sa sarili ko noon”

“Hanggang sa naginsist ka na sa kama mo na ko matulog………… kung alam mo lang lahat ng lakas ng katawan ko bawat gabi, ginagamit ko makontrol lang ang sarili ko.”

“Hanggang sa dumating yung araw ng linggo…”

“Sinabi mo sakin na nagsasawa ka na ginagawa natin gabi gabi…”

“I was too cold to you that time, ininis kita… because I thought it’s easier that way…”

“Pero nung pumasok ka sa kwarto mo, tumawag si Quen sakin at sinabing babalik na siya dito sa Pilipinas, at gusto ka niya… kilala ko si Quen, alam kong hindi tayo magkakasama ng madalas hanggat’ andito siya, kaya napag pasyahan kong yayain kang makipag date.”

“Habang nasa banyo ka kumuha ako ng mga damit mo sa kwarto mo, hindi ko nga alam kung bakit, hahaha. Pumunta ako sa unit ko at madaling inayos ang mga gamit at nilagay sa likod ng sasakyan ko, habang nasa elevator ako tumawag ako sa isang resto sa BGC para magpa’reserve ng table for two.”

“Tinawag ko din ang isa kong kaibigan na kung pwede e mag dala ng bouquet of blue roses sa BGC at kukunin ko na lang, mabuti naman at pumayag ito.”

“Nakahinga naman ako ng maluwag ng nagustuhan mo ang bulaklak.”

“Pagkatapos nating kumain, hindi ko akalaing sa bahay ko sa tagaytay kita dadalhin…”

“Yung nangyari satin…

“…Pinilit kong kontrolin ang sarili ko, dahil sobrang laki ng respeto ko sayo, pero hindi ko napigilan”

“Nalaman kong ako ang una mo, laking tuwa ko kasi sakin mo ito ibinigay, at sobrang laki ng tiwala mo sakin.”

“Hindi yon panandaliang ligaya Bea… I did not take you for granted…”

“Alam ko sa sarili ko nung mga oras na yon na nahulog na ko sayo...”

“Pero natakot akong aminin sayo. Sa gwapo kong ‘to. Ang torpe ko.”

“Hanggang sa dumating si Quen…”

“Kada naririnig kong bumubukas ang pinto ng unit mo ay sinisilip kita door hole. Araw araw kayong magkasama ni Quen… at muka namang masaya ka.”

“Ang boring ng buhay ko non, wala akong magawa.”

“Hanggang sa nagabot tayo sa hallway…”

“Tinanong mo ko, kung iniiwasan kita… nag salita ako na kasi lagi kang busy, umalis na ko kasi ayokong mag away tayo.”

“Kanina pinilit kong maging malamig sayo, because again… I know that it’s easier that way.”

“hanggang sa naubos na pasensya mo, you rant and you rant and you rant… mas pinili kong magsinungaling tungkol sa nararamdaman ko kasi…”

“Masaya ka na kay Quen... hanggang sa nalaman kong kayo na pala… sa sobrang galit mo siguro sakin kanina, pati si ate Anne napag taasan mo ng boses.”

“Gusto ni ate Anne, na ayusin natin ‘to, sabi ko pipilitin ko…”

“Kahit alam kong malabo… alam kong galit ka sakin ngayon, at tinitiis mo lang matulog dian habang katabi ako.”

“How did I fall for you… that fast…”

“And obviously the feeling is not mutual…”

“I love you and the worst part of this… is you didn’t love me back…”

.

.

.

.

.

.

.

“I did.” O.O it was her.

Summer fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon