A/N
Puro POV muna ni CL for now pero malapit ng mag POV ang mga pogi hehe
===================
CL POV
Pagkauwe ko sa hotel naligo agad ako, lagkit na lagkit na din kasi ako puro usok ng tambutso nalanghap ko kanina kamusta naman yun. After ko maligo ay tinawagan ko lng si kuya para sabihin na nakahanap na ako ng apartment na titirihan ko and good thing malapit lang ito sa school na papasukan ko. Then after our conversation sa phone natulog na ako.
Kinaumagahan naligo na agad ako at nagbreakfast. Matawagan muna si Denisse para masabi ko na papunta na ako sa apartment.
Ring.......
"Hello?" sagot sa kabilang linya, hmm mukang kagigising lang nya.
"Ahh ehh Denisse nagising yata kita sorry"
"Hmmm ok lang yun bakit ka nga pala napatawag?" Tanong nya.
"Ahh ano kasi lilipat na ako jan ngayong morning pupunta pa kasi ako sa school mamayang hapon ehh ok lang ba?"sagot ko sa kanya.
"Ga..ganon ba ok sige wait na lang kita dito ayusin ko lang yung room natin"mukang natataranta sya sa kabilang linya ano meron?
"Ok" yun na lang ang sinagot ko at pinatay ko na. Inayos ko na din yung mga nagkalat kong gamit at nagout na ako sa hotel.
After mga 30 mins nakarating na din ako sa apartment.
Pagbaba ko ng taxi tinulungan naman ako ng driver.
"Thanks manong eto po bayad ko"at inabot ko na sa kanya ang bayad.
"Salamat iha." At umalis na sya.
Hila hila ko ang mga gamit ko ok ang hirap nito dalawang malaking maleta ba naman ang dala ko ehh.
A/N Kung hindi ka ba naman kasi sira maglalayas ka tapos dalawang maleta dala mo? Bakit di mo pa dinala buong cabinet mo.
Wow ang baet na author psh. =_____=
So yun na nga pinipilit ko hilahin ng sabay ang dalawang mabibigat ko na maleta ng biglang.....
Booogssshhh
Next thing I know nakasubsob na ako damo.
"Argghhh sh*t ang sakit ng balakang ko!!!!!" Sigaw ko sa sobrang sakit.
"Nako sorry ms. Di ko sinasadya ano kasi nagmamadali ako sorry talaga" paghingi ng sorry ng isang lalaki.
Bwisit sorry ehh halos mabalian ako ng balakang sa lakas ng pagkakatulak sa akin! Kung siya kaya ang itulak ko ng ganon kalakas.! Kakaimbyerna ha.!
Tumayo ako at hinarap ang lalaking tumulak sa akin.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-O____O
-
-
-
-
-
BINABASA MO ANG
My Neighbor is My Fiance?
Teen FictionMy Neighbor is My Fiance?! O.o Tumakas na nga at nagpakalayo tapos pinagtatagpo pa din! Ano na ang mangyayare rayot na to mga readers.
