DAMN! Bakit ba ang hirap nyang paamuhin?
"Nakahanap ka na rin ng katapat mo. Hahaha!" humahalakhak na sabi ni Ken.
"Biruin mo, halos lahat na ng pagsuyo nagawa ko na sa kanya pero hanggang ngayon hindi pa rin nya ako sinasagot! Kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng yun matagal ko na siyang tinigilan." nakasimangot na turan nito sa kaibigang matalik.
Paano ba naman kasi'y palagi siyang sinusungitan ng dalagang iyon. Natatanaw pa nga lang nya ito sa malayo ay tinatalikuran na siya nito. She's not like that to other guys. Sa kanya lang yata. Hindi niya malaman kung bakit ganun na lang ang trato nito sa kanyaNa para bang isa siyang nakakadiring nilalang na may nakakahawang sakit. Palagi siya nitong tinataboy.
"In-love ka na nga. Tsk tsk!" Ken said as a matter of fact.
Ininom na lang niya ang beer na nasa kanyang harapan para medyo mawala ang pagka-inis. Tinitigan niya ang babaeng dahilan ng lahat ng kanyang paghihirap.
She has this angelic face na mapapalingon ang kahit na sino. She has long wavy hair that made her more beautiful. A hot and sexy body that every man would drool of. And she looks more gorgeous sa suot nitong knee-length red dress. Simple lang ang suot nito but she looks very appealing to him.
'Camilla Lerin Sancho... I'll get you by hook or by crook.' Napangisi ito sa naisip. Pasasaan ba at sa kanya rin mapupunta ang babae.
"What's with that wicked smile?" nakangisi ring tanong ni Ken. May ideya ito sa kung anumang iniisip ng kaibigan. Alam niya kung paano ito maglaro.
"Nothing." sagot niya pagkababa ng alak na iniinom.
Nasa bar sila kung saan naroon din si Camilla. 'STALKER' na daw siya ni Camilla sabi ni Ken dahil palagi niya itong sinusundan. Obssess na kung obssess pero ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kung pwede nga lang na ibulsa niya ito ay ginawa na niya.
Maya-maya pa ay nakita niya itong tumayo kasama ang mga kaibigan and went into the dancefloor. Pinapanood niya lang ito habang nagsasayaw. Her hips sway to the every beat of the music.
'Damn that body of hers.' he thought. Just by the sight of it makes him as hard as a rock.Nagiging maibog pa yata siya.
Patuloy lang ito sa pagsasayaw hanggang sa may lumapit ditong lalaki. Pumwesto ito sa harap ni Camilla at nagsimulang sumayaw. Akmang tatayo na siya ng pigilan siya ni Ken.
"You don't wanna ruin her night, do you?" anito.
Inis na sumandal ulit siya sa inuupuan at tinapunan ng tingin si Camilla. Halatang nag-eenjoy ito sa pagsasayaw kasama ang lalaki. Damn! Ayaw niya sa nakikita pero kailangan niyang magtimpi. Ayaw niyang madagdagan ang pagkainis sa kanya ni Camilla. Kahit ba hindi rin niya alam kung bakit ganun na lang kalaki ang galit nito sa kanya.
Maya-maya pa ay nakita niyang humawak ang lalaki sa baywang ni Camilla at mas lalong nag-init ang kanyang ulo ng hindi man lang niya ito nakitaan ng pagtutuol.Hindi na siya nakapagpigil ay tumayo siya at nagsimulang maglakad papunta sa babaeng nagsasayaw.