Kabanata 3

37 0 0
                                    


Pagkatapos niyang mag-ayos ay lumabas na siya ng kanyang apartment at nag-abang ng taxi. Ang totoo ay ayaw talaga niyang um-attend sa welcome party na gaganapin. Gusto sana niyang gamitin ang oras na ito para magpahinga dahil tambak pa ang naiwan niyang trabaho kaya lang ay required daw talagang pumunta ang lahat ng empleyado sa kompanyang pinapasukan. Hmp! Kahit naman siguro hindi required na um-attend marami pa ring pupunta. Halos lahat kaya ng empleyado excited na makita ang mysterious CEO ng company. Mabuti na lang at walang pasok bukas.


Nang makarating siya sa hall na pag-gaganapan ng party ay kaagad hinanap ng mga mata niya si Lory. Nang makita niya ito ay kaagad niya itong linapitan.


"Mabuti naman at nagbago ang isip mo. Akala ko talaga hindi ka na a-attend." Agad na sabi ni Lory habang kumakain ng salad. Kumuha siya ng whine sa dumaang waiter at diretso itong ininom.


"Wow! Trip mong maglasing?" ani Lory.


"Pagod ako."


"Alam mo---" naputol ang sasabihin pa sana ni Lory ng magsalita ang emcee sa harapan.


"Good evening everyone! Thanks for coming on todays event." Nakangiting wika ng emcee."I 

know everybody is excited to meet this mysterious CEO of this company. And I bet, maraming magugulat..."


"Ano kayang itsura ni CEO noh?" si Lory. "Sana gwapo at smoking hot." She giggled.


"Baka matandang panot na malaki ang tyan." She smirked. Gusto niya lang asarin itong si Lory. Minsan kasi ay grabe kung makapag-imagine. Nasosobrahan sa pagbabasa ng mga love stories.


"Panira ka talaga! Sana nga lang diba?" nakasimangot nitong tugon habang panay pa rin ang subo ng salad. Nginisihan lang niya ito at pagkatapos ay humarap sa stage.


"Let's welcome Mr. Arthuro Kirk Montaño, President and CEO of MKA Empire!" kasabay noon ang paglabas ng isang taong hindi niya inaasahang makita sa gabing iyon.Sandaling natahimik ang mga tao sa loob ng hall. Halatang lahat ay nagulat sa pagpapakilala sa mysterious CEO ng MKA Empire. Nagsipalakpakan ang mga ito pagkatapos pero siya ay nanatiling nakatitig dito.


Ang lalaking laging laman ng isip niya these past few weeks.Pero ano daw?CEO? Paanong naging CEO siya eh isa lang naman itong empleyado ng kompanyang iyon? Then reality hit her. Bakit nga ba hindi niya naisip yun? Na anak mayaman nga pala itong si Arthuro Kirk Montaño.Bakit pa ito magtatrabaho samantalang kaya naman nitong mabuhay kahit hindi nagtatrabaho.


She almost hold her breath when their gaze met. She is expecting a playful smile from that man pero wala. Instead, he is giving her a cold stare.Hindi ito ngumitngiti.Bakit ganun? God knows how she missed this man. Iyong pang-iinis at pang-aasar nito sa kanya noon. Iyong pagpapansin nito sa kanya. Those naughty smiles of him. And that kiss, kahit isang beses lang yun---


"Hoy Camilla, kanina ka pa kayo nagtititigan. Plano nyo bang magtunawan ni ahem... 'Sir Art'" ani Lory at diniinan pa ang pag-address dito. Agad akong nag-iwas ng tingin at kumuha ulit ng whine sa dumaang waiter at straight na ininom iyon. Nagpaalamna rin siya kay Lory na magbabanyo.


Sumandig siya sa may sink at pumikit. Hindi naman siya naiihi o kailangang magre-touch. She just got the urge get out in that place para mapigilan ang nararamdaman.Baka bigla niyang sugurin ng yakap si Arthur.Isa pa, natatakot siya.Sa mga titig nito,wala siyang fondness na nakikita roon.Parang hindi na ito ang dating playful na si Arthur. Shit! Hindi kaya plano siyang gantihan nito sa pagtuhod niya dito noon? Paano kung bukas makalawa wala na siyang babalikang trabaho?Sa isiping yun ay bigla siyang napasuntok sa marmol sa sink.


"Aww! Shit! Aray..." napapadyak siya sa sakit. Mababalian pa yata siya. "Aray..." namimilipit pa rin siya sa sakit habang nagmumumog gamit ang kaliwang kamay. Nagpunas siya pagkatapos ay nagtungo sa pinto ng banyo. Gusto pa sana niyang tumambay muna doon pero baka hinahanap na siya ni Lory. Pagbukas niya ng pinto ay saktong bumukas din ang pinto ng kaharap na banyo. Iniluwa niyon si Arthur. Sandaling napatitig siya dito at agad din na nag-iwas ng tingin ng makitang nakatingin si Arthur sa kamay niyang namumula. Agad niya iyong itinago sa likuran niya.


"A-ano..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng humakbang ito paalis sa harapan niya. Babalik na siguro ito sa hall. Bakit ganon?Ang sakit naman. Parang gusto niyang mapaiyak sa sakit. Tumingala siya para pigilan ang pagtulo ng luha niya.


Nang makabalik siya sa hall ay nagpaalam na siya kaagad kay Lory na uuwi. Nagdahilan na lang siya na sumasakit ang tiyan niya.


"Inom ka kasi ng inom, hindi ka pa kumakain." Anito.


Pagdating niya sa kanyang apartment ay agad niyang hinubad ang kanyang dress at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagpunas siya gamit ang kanyang tuwalya at humarap sa isang life size mirror. Tumalikod siya at doon... naroon pa rin ang bakas ng nakaraan. (chos! :3 )Malungkot siyang ngumiti.


"Kasalanan niya ito eh.Kundi dahil sa kanya wala sana ito." And yet she is still loving that man... Until now.




---

N: Not Edited.




Stupidly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon