Kabanata 4

43 0 0
                                    


Maaga siyang pumasok sa opisina nang sumunod na linggo. Kailangan niyang tapusin ang tambak niyang trabaho. Hindi naman kasi niya magawa ng maayos ang mga dalang papeles sa apartment niya dahil na rin sa mga nangyari nang gabing iyon. Iniisip niya kung paano niya pakikitunguhan si Arthur. Hindi na kasi tulad ng dati na ini-easy easy lang niya ito. Syempre, masama talaga ang loob niya dito eh. Boss na niya ito ngayon at kailangan niyang pakisamahan. Iniisip din niya kung totoo ba ang sinasabi nito noon na gusto 'daw' siya nito. But knowing Arthur, mataas ang standards nito sa isang babae. Baka napagtripan lang siya ulit. Mahirap na. Nagawa na nito noon, kaya rin nitong gawin ngayon. The only difference is that he doesn't know that CL and Camilla are the same person. Gusto nga niya itong kalmutin sa mukha nang magkita sila ulit at hindi siya nito nakilala. Paano nga ba siya makikilala nito? Malayong-malayo na ang itsura niya ngayon sa dating Camilla. Hindi na siya iyong babaeng manang kung manamit, lampa at humahabol-habol sa isang lalaking walang kwenta. Well, nagsimula lang namang ma-develop itong nararamdaman niya noong... Hay! Mababaliw na yata siya. Ayaw na niyang mag-isip. Nakakabwisit!


Pagdating sa department nila ay agad siyang dumiretso sa desk niya. At ganoon na lang ang gulat niya ng makitang wala ni isang gamit doon, maliban sa computer na dati nang naroon. Pati mga post-it note niya ay wala na rin. In-check niyang mabuti ang ibang cubicles. Baka nagkamali lang siya ng napasukan, pero hindi. Wala talaga. Tiningnan na rin niya sa ilalim ng mesa ang mga gamit pero wala talaga. Gusto niyang maiyak. Ito na nga ba'ng sinasabi niya eh. Gaganti nga talaga ang kumag. Mabuti na rin at maaga siyang pumasok ngayon. Walang makakakita sa kanyang kamiserablehan. Ayaw niyang kaawaan o kutyain ng mga ka-opisina.


Akmang aalis na siya ng makarinig ng mga boses sa likuran niya.


"Oh... Look who's here!" si Sophie iyon, isa sa mga kaopisina niyang nahuhumaling kay Arthur. "Anong ginagawa mo dito? We thought hindi mo na kakayaning bumalik dito?"


Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.


"You didn't know? Sir Art announced to everyone na tanggal ka na sa posisyon mo. Can you believe that?" si Fatty na may nang-uumay na ngisi.


Bahagyang umawang ang bibig niya sa narinig? Announced? Tanggal?


"Ambisyosa kasi. Akala mo kung sinong maganda." segunda naman ng isa, si Karmi. "I knew it from the start. Hindi ka naman talaga gusto ni 'Sir' Art eh. Maybe he was just playing around. At dahil nasagi mo ang ego niya bilang isang magandang lalaki, gumanti na siya sayo." dagdag pa nito at binigyang diin pa ang pagsabi ng 'sir'.


"Girls, nandito lang naman yan para kunin ang mga gamit niya. Ano ba kayo?" ani Berni, kasamahan din niya sa trabaho.


Napakuyom siya ng kamao sa mga narinig. The nerve of that man! Hindi siya makapaniwalang magagawa nitong sabihin at ipangalandakan iyon sa harap ng maraming tao. Ayos lang naman na matanggal siya trabaho eh. Yung sa harap niya ito mismo sasabihin na wag na siyang babalik sa trabaho at wala na siyang babalikan. Pero iyong ginawa nito, nakakahiya eh. Pinamukha lang nito sa kanya na wala siyang laban dito. Na kahit anong gawin niya, ito pa rin ang mananalo. Bwisit! Gusto na talaga niyang umiyak pero hindi. Hindi na siya tulad ng dati na iiyak lang sa isang tabi kapag nasaktan. Makikita ng lalaking iyon!


Naglakad siya palabas ng department nila at pumasok sa elevator. Binangga pa niya si Sophie at Fatty na nakaharang sa harapan niya. Pagkapasok sa elevator ay agad niyang pinindot ang button pa-top floor. Sigurado siyang doon ang opisina ng lalaking yun.


ABOT tenga ang ngiti niya nang magsara ang pinto ng elevator. He can't help but get excited. Nakikinita na niya ang magiging expression sa mukha nito pagkatapos ng mga ginawa niya. But then he have to keep the 'cold and calm' act of him in front of her. Ganoon ang ginawa niya noong party kaya ipagpapatuloy niya iyon. Medyo may tampo pa rin kasi siya dito. Masakit kaya ang mabayagan. Sa totoo lang, wala sa plano niya ang i-reveal ang tunay niyang pagkatao. Nalaman lang ng ama niya ang pinaggagawa niya kaya napilitan siyang bumalik at magpakilala bilang boss ng kompanya. It was almost two years ago since his father pass the position to him. That was also the time when he met Camilla. Papunta siya sa bawat department doon at balak sana niyang magpakilala sa mga empleyado when he bumped into her. He was about to yell at her but stopped himself when he saw her angellic face. Kinunotan lang siya nito ng noo at nilagpasan. Hindi nga nito pinansin ang pagtatanong niya kung ayos lang ba ito. Para ngang galit pa ito. Nang araw na iyon ay inalam niya ang tungkol sa babaeng iyon. Well, sa resume lang naman. Kaya imbes na magpakilala bilang boss ng kompanya ay nagpakilala siyang bagong empleyado doon.


Ginagawa pa rin naman niya ang trabaho niya bilang CEO pero patago nga lamang mula sa kanyang mga empleyado. Except from his assisstant. Minsan...ay hindi, kadalasan ay ito ang nakikipag-deal at uma-attend ng meeting para sa kanya. Magaling naman kasi iyon at maaasahan.


Kaya ng malaman ng daddy niya ang mga pinaggagawa niya ay sangkaterbang sermon ang inabot niya. Para pa namang babae iyon kung magalit. Nagger. Buti pa ang mommy niya at naiintindihan siya. Pero nakatanggap pa rin siya ng kurot sa tenga at singit mula sa mommy niya.


Natigil siya sa pag-iisip ng bumukas ang elevator. Napalis kaagad ang malapad na ngiti sa kanyang mukha nang makita si Camilla na nakatayo sa labas mismo ng elevator. She is fuming mad while looking at him. Uh oh!


"How dare you!" nagulat siya nang bigla siya nitong sampalin. "Why do you have to shame me in front of many people? Ganoon ba talaga kalaki ang galit mo sa'kin? Pwede mo namang sabihin iyon sa akin ng harap-harapan. Na aalisin mo na ako sa trabaho hindi yung kailangan mo pang i-announce sa harap ng maraming tao." Napakunot siya sa sinabi nito. Anong aalisin? If he remembered right, inanunsyo nga niya na... Oh damn! Hindi nga pala niya nasabi na... Tinitigan niya ito, of course with a cold emotion plastered on his face.


"Sorry, Ms. Sancho? As far as i remember, i didn't fire any of my employee since i acted the CEO here."


NAPAKUNOT-NOO siya sa sinabi nito. At ide-deny pa ang ginawa nito?


"I guess you are missunderstanding something here. Inalis kita sa dati mong position, for you to become my new secretary."


What? Secretary?


"You're lying!" tangina! Bakit yun ang nasabi niya?


"Ano naman ang makukuha ko sa pagsisinungaling? Come on, Ms. Sancho, tanggapin mo na lang ang bago mong trabaho ngayon. You'll have to work with me from now on." lumapit ito sa kanya at wala sa sariling napaatras siya. Mas lalo pa nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya. "And that slap. I'll make sure you'll pay for it." He dangerously smiled at her bago siya nito nilampasan. Siya naman ay naiwang nakatayo lang doon at pinoproseso pa ng utak niya ang mga pinagsasabi nito.


Nagsisinungaling lang siya. Tama! Gusto lang siyang ipahiya ng lalaking yun! Papasok na sana ulit siya sa elevator para bumaba ng biglang bumukas ang isang elevator. Lumabas mula doon ang isang utility crew.


"Ma'am, mabuti na lang at nakita kita. Akala ko nakalabas na kayo." agad na sabi nito ng makalapit sa kanya. "Tumawag po kasi si sir kaninang madaling araw. Pinalipat niya po iyong mga gamit niyo dito. Pinapasabi niya rin na dito na po daw kayo magtatrabaho simula ngayon. Pasensya na po. Nalimutan kong ihabilin sa guard kanina. Sige po."


Nakaalis na ito at lahat pero siya ay nakatayo pa rin doon. Totoo? Naglakad siya sa table malapit sa pintuan ng opisina ng boss. Binuksan niya ang mga box na naroon at nakita nga ang mga gamit niya sa loob. Oh man!


*NOT EDITED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupidly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon