Chapter 1

6.8K 119 22
                                    

NAKAPASKIL ang matamis na ngiti sa mga labi ni Izza habang nagmamaneho ng sasakyan. Nasasabik na siyang makita ang nobyo at nalalapit na rin niyang maging asawa.

Thinking of the thougths that she'll be very soon to be Mrs. Deogracia makes her heart felt with rejoice. At sino ba naman ang hindi matutuwang makasal sa lalaking mahal mo na bukod sa tatlong taon na niyang kasintahan ay nararamdam niyang mahal na mahal din siya nito?

Nasasabik na rin siyang makita si Leynard, tatlong linggo na kasi buhat nang huli niya itong nakita dahil sa business trip nito sa Russia. Naiintindihan naman iyon ni Izza dahil isa itong business man. In fact, he's just doing that for their future. Muli ay napangiti siya sa pakaisipin ang tungkol sa bagay na iyon.

Sinipat niya ang orasan sa kanyang pambisig na relo. It's still eight in the evening at sigurado siyang nasa condo pa ang kasintahan sa mga oras na ito.

Marahil ay abala lamang si Leynard at subrang pagod ito galing sa biyahe kaya hindi pa siya tinatawagan ng lalaki. It is fine with her, siya na lamang at pupunta sa condo ng katipan.

At dahil nga isang buwan na lang ay ikakasal na sila ng nobyo ay nakahanda na siyang ibigay rito ang matagal na nitong hinihingi mula sa kanya. Tutal ay kaarawan naman nito kinabukasan ay isusuko na niya ang pinaka-iingatan, bilang regalo na rin niya sa kasintahan. Ibibigay na ni Izza ang kanyang pinakaiingatan pagkabirhen na dalampo't anim na taon din niyang pinapahalagahan.

Ipinangako niya sa sarili na ibibigay lamang niya ang bagay na iyon sa unang gabi ng honeymoon nila ng kanyang magiging asawa pero sa estado nila ngayon ni Leynard ay marahil hindi rin ganun kalabisan kung isuko man niya ito sa kanyang kasintahan. Sigurado naman siyang matutuloy ang kanilang nalalapit na pagpapakasal dahil nakahanda na ang lahat. Ang tanging hinihintay na lamang nila ay ang petsa ng araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Maaga siyang umalis sa pag-aari niyang botique sa loob ng Mall Of Asia na ngayo'y mayroon nang limampong branches sa lunsod ng Manila. Maging sa Visayas at Mindanao. Gusto niyang maging magandang-maganda siya sa paningin ni Leynard sa pagkikita nila ng fiance.

Sisiguraduhin niyang hindi nito gugustuhing ipikit ang mga mata sa pagkakatitig sa kanyang alindog sa gabing ito. At kung kinakailangang siya ang magpakita ng motibo para may mamagitan sa kanila ng nobyo ay gagawin niya ng walang pag-iimbot.

Kilala na rin siya ng mga guwardiya sa unang palabag ng gusali dahil maraming beses na rin siyang nagagawi roon. At sa katunayan ay may sarili din siyang card key na kusang ibinigay sa kanya ni Leynard.

Masayang nginitian lamang niya ang tatlong guwardiyang bumati sa kanya. Subalit, ang hindi niya lubos maintindihan sa sarili ay kung bakit bigla-bila'y dinadagsa ng daga ang kanyang dibdib.

Marahil ay dahil ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ang bagay na ito. But it'll be worth, because they both love each and soon to be husband and wife. It's normal anyway!

She took a deep breath as she entered the elevator. Habang tumataas ang kinalululanan niya ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ni Izza. Nakailang buntong-hininga na rin siya upang payapain ang sarili.

But her heart kept beating so fast as if giving her a warning feelings. Oh no! Baka napaano na si Leynard sa loob ng condo nito? May pagkaburara pa naman ang lalaking iyon kapag nasa kusina ito. Papaano kung nakalimutan nitong patayin ang apoy kung sakaling nagluluto ito?

Kaagad na nagsalubong ang kilay niya sa eksaheradang pumasok sa isip niya, Leynard doesn't know how to cook. Na sanay na itong kumain sa labas o umorder ng pagkain. At dahil isa siyang anghel sa kusina ay madalas niya itong ipinagluluto.

The thoughts makes her heart felt with relief, pero kakaiba pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya maunawaan at sa pakiwari niya ay may malakas na enerhiyang nag-uudyok sa kanya na makarating kaagad sa condo unit ng lalaki.

TEMPTATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon