[Para 'di kayo maguluhan, kapag naka-italic, flashback po 'yun, so yeah. 'Yung first 2 chapters, flashback pa lang.]
-Vanna-
I smiled as I sat on the grass. "Alam mo, Ma, sana nandito ka na lang." I said as I carressed the grave.
"Nahihirapan na kasi ako. 'Yung step-mom ko naman, sumusunod lang sa lahat ng sinasabi ni dad."
"Kung nandito ka, alam kong hindi ka papayag na ma-engaged ako sa di ko naman mahal." I smiled at the thought of my mom being with me.
"Ia-announce na nila 'yung engagement in a month, sa 18th birthday ko, pero wala man lang akong nagawa para ipaglaban si Zeus." I smiled sadly, remembering all that we've been through for the past 2 years.
Nalaman ni dad 'yung suntukan ni Kiel and Zeus, and from then on, nilalayo na nila 'ko kay Zeus.
Hindi nila 'ko pinapalabas unless pupunta akong school, pero kailangan na may kasama akong bodyguard or si Kiel man lang.
It was ruthless.
Hindi ko na nakita si Zeus ever since. Until one night, napag-usapan namin ni Zeus na tumakas. Magpaka-layo-layo. I was rebelding.
Kahit maiiwan niya 'yung pamilya niya, sumama siya sa'kin. Pumunta kami sa malayong beach house nila, kung saan hindi kami nahuli ni dad.
Until one day na bigla na lang nalaman ni Zeus na bankrupt na 'yung company nila. Hindi niya hinayaang maghirap 'yung parents niya, kaya bumalik na din kami.
And as expected, nahuli kami ni dad. He was angry. Of course, he was. Magtanan ba naman 'yung 16 year-old niyang anak kasama 'yung boyfriend niya.
Sinong tatay ang hindi magagalit dun, diba?
Pero 'yung pagpipilit niya sa'kin na ikasal kay Kiel, diba, mas may karapatan akong magalit?
Pero, wala na 'kong magawa. Kahit si Zeus, wala ng nagawa. Pinadala ako ni dad sa US.
Hindi sumama si Kiel, kahit pinagpipilitan niya. May career siya dito, at mas okay na nga sa'kin na mag-isa na lang ako.
1 year akong nag-stay doon. Nag-aral ako. Wala akong narinig na balita, kahit konti man lang, about kay Zeus.
Our communications were legit cut off.
Hanggang sa nalaman ko na si dad 'yung may gawa ng pagka-bankrupt ng Alejandro Group of Companies, ang company nila Zeus.
Nagalit ako sa tatay ko, syempre. It was too much. Wala namang ginagawang masama 'yung tao kaya bakit kailangan niya 'tong idamay?
Pero, naisipan ko na din na lumayo na lang.
Ako 'yung dahilan kung bakit nawalan ng business sina Zeus. And hindi ko makakaya na harapin siya, lalong ako ang dahilan ng pagkahirap nila.
Kahit mahal ko pa siya, I decided to do what I think is best for our situation. Wala na akong pakialam sa mundo.
I was broken, and I will never be fixed.
Bahala na si dad sa gusto niyang mangyari. Wala na 'kong sasabihin against everything that he'll be doing that will involve me.
Since in the first place, ganun din naman 'yung lagay ko, diba? Walang silang pakialam sa feelings ko, sa opinions ko, kaya why bother?
Iniisip ko na lang na ginagawa ko 'to, para at least, maligtas si Zeus sa kahibangan ng tatay ko. Kahit pa masaktan ako.
Hindi 'ko napansin na umiiyak na pala 'ko, until may bumagsak na luha sa grave ng mom ko. I wiped it off and stood up.