Maaga pa lang inayos ko na yung mga dapat kong dalhin.
"Max. Tara na dito. Kakain na!"
Bumaba na ako. Pagkakita ko pa lang sa sinangag at tuyo agad na nagutom ang mga alaga ko.
Pagkatapos kumain agad akong naligo bawal magaksaya ng oras. Ika ng nila Time is gold."Gelique! Alis na ako. Ingat ka sa pagpasok."
"Sige max! Ingat ka din. Kailangan pag-uwi mo may trabaho ka na. "
"Haha! O sige! Bye."
Pagkaalis agad akong sumakay patungong mall at ng makapagpasa nitong resume ko. Pagkatapos kong magpasa. Kumain naman ako para may lakas akong makapaghanap ng iba pang store na tanggapan. Habang Nasa kalye ako. May nakita ako sa kabilang kalye na may nakalagay na naghahanap ng tindera. Sa tingin ko pwede na din tutal magtitinda lang nman. Sa sobrang kasayahan ko na baka matanggap ako dito hindi ko namalayan na may paparating na kotse pala. May lumabas na lalaking sa tingin ko ay driver Ito.
"Miss. Sorry muntik ka na. Sa susunod mag-ingat ka." Ani ng driver
"Okay lan-"
"Ano ba Mang Eddie! Nagmamadali tayo! Huwag ka ng makipagtsismisan dyan! Baka mamaya modus lang pala nyan ang ganyang bagay at mamaya holdaper pala yan!" Ani ng gwapong lalaki na lumabas doon sa magarang kotse. May nakita din akong batang umiiyak.
"Anong sabi mo!? Paki ulit nga. Sa tingin mo ba sa ganitong itsura ko holdaper ako?!" Pasigaw kong sabi."Malay ko bang totoo pala siguro ang hinala ko!"
Mas lalo akong nagalit dahil sarkastiko ang paraan ng pagkakasabi nya.
"Abat ginagal-"
Napahinto ako bigla sa pagsugod ko sa kanya dahil hindi lang pala ito gwapo mas gwapo sa ito sa malapitan. Ang ilong nya napakatangos, Mata nyang brown na brown. At ang buhok nyang brown din. Ayaw nya ata sa brown! XD"Natulala ka dyan?!"
Magsasalita sana ako ng bigla na lang may yumakap sa aking batang babae na naaakalain mong isang manika.
"Yaya! Bat nakalabas si syra! Baby tara na! Dadalhin pa natin si Zack sa hospital."
Kinukuha nya sa akin ang bata ngunit ayaw pumiglas sa aking hita nung bata. Bigla na lang itong umiyak."Mommy! Mommy!" Haggulgol ng bata sa akin. Pagkakita ko sa bata bigla na lang nawala ang galit ko at napalitan ng awa. Agad ko naman itong niyakap at kinarga.
"Bitawan mo nga sya!"
Hindi ko naman binitawan sa halip kinausap ko sya."Baby tahan na."pag-aalo ko sa bata
Pero patuloy pa din Ito sa kakaiyak
Bigla na lang lumakas ang iyakan dahil sumabay pa ang isang baby na sa tingin ko ay mag iisang taon pa lang."Tara na yaya dalhin na natin si Zack. Ikaw babae sumama ka muna sa amin."
"Ha?" Sagot KO.
"Huwag ka ng umangal pls. Nagmamadali kami." Angal nya
Hindi na ako sumagot at Dali daling sumama sa kabila habang buhat buhat abg batang nagngangalang Syra.