Pagkadating namin sa ospital. Agad nya akong kinauspa.
"Dyan ka muna babae. At pls huwag ka ng magtangkang kidnapin ang kapatid. Saglit lang ako." Ani ng gwapo.
Naiwan naman kami ng batang karga karga kasama ang driver. Akala ko anak nya to yun pala kapatid nya. XD
ilang minuto ang dumaan ng bigla akong kausapin ng ni mang Eddie. Close na kami"Iha ano bang pangalan mo?"
"Maxine po. Tawagin nyo na lang po akong max." Tamad kong sagot e pano ang basa na kasi yung damit ko kakaiyak ni syra."Pasensya ka na Kay sir Stephen. At nasigawan ka nya. Ganun lang talaga sya natatakot lang kasi yon at baka mawala na naman itong si syra." Pag kukwento nya.
"Okay lang po" sagot KO
"Ang tipid mo namang sumagot" nakangiting pagkasasabi nya.
Hindi na lang ako sumagot hindi kami close naiinis ako e ang daldal nya. Kahit pagod ako okay lang nandito naman yung bata e. Ang ganda ganda nya Sana kasing puti nya ako kaso okay na ako sa kulay ko kutis pilipino. Sayang pogi Sana sya kaso suplado at madaldal. Naiinis ako kapag nakakasalamuha ako ng mga lalaking madaldal. O hindi lang talaga ako sanay na may lalaki sa paligid ko. XD
Agad akong napabalikwas sa aking kinauupuan dahil umiyak ulit si syra.
"Bakit baby?" Tanong ko.
"Huwag nyo po akong iwan!" Sabay yakap ng madiin sa akin ng bata.Hindi ko mapigilan ang maawa sa bata siguro wala na itong nanay kase. Habang natutulog panay banggit ng mommy. Mahirap mawalang ng magulang sa ganitong edad. Kaya kapag nag kaanak ako mamahalin Ko ng lubos. Kung magkakaroon ako ng syota!
"Babae!" Sigaw ni pogi XD
"Bakit?" Walang gana Kong sagot. Syempre iba sa pakiramdam ang makausap ang isang lalaking ubod ng gwapo. 1st time! XD
"Pwede ba kitang makausap?"
"Sige" sagot ko. Tatayo sana ako ng pigilan ako ng bata.
"Mommy!"agad nyang iyak.
"Syra. Pls don't cry. She's not your mommy. Okay?"pagtatahan ni pogi sa bata.
"Mang Eddie pwede bang pakihawak muna si syra?
"Sige po sir!"
Kukuhanin na sana sya sa akin ni mang Eddie pero ayaw bumitaw ng bata kaya. Kulinausap ko na.
"Baby. Hindi ako ang mommy okay? Ako si ate max. Dyan ka lang muna ha? Pakiusap Ko sa bata. Naawa na kasi ako hindi ko kayang makakita ng isang bata na parang iniwan ng mga magulang. Parang gusto ko tuloy syang alagaan. Kaso hindi pwede. Agad namanng tumango yung bata. Binitawan KO naman sya at agad na sumunod Kay pogi.