A/N: Read the complete story in BabelNovel and Dreame
Nahalata ni Pat na mukhang natulala si Alex sa hitsura niya ngayon.Naalala tuloy niya ang kantang Beh Buti Nga na sinabi ng ate niya.
Beh, buti nga! Beh, buti nga!
Ngayon ay diyosa na ako.(Palitan ng diyosa ang bold star ehehe)
Siguro'y tumutulo ang laway mo
Beh, buti nga! Beh, buti nga!
Beh, beh, beh, beh, buti nga!
Bagay niya yatang kantahin kay Alex yun?Although hindi naman siya literal na nilait ng guwapong binata.Sinaksak lang naman ang puso niya at winasak ang kanyang damdamin.Sabagay may utang na loob din naman siya kay Alex.Dahil sa nadurog niyang pagmamahal sa kanya, na-motivate siyang baguhin ang sarili niya.Pero sa una lang yun.Nung huli, ninais niyang maimprove ang sarili niya for herself.She wanted to gain self-esteem.
"Alex!" tawag ni Shelly sa binatang mukhang na-glue yata ang mga mata kay Pat.
Wala pa din.So kinalabit ito ni Shelly."Hey!" tawag ulit niya.
Pat is watching everything with amusement in her eyes.Alam na niya ang feeling ni Shelly pag may natutulala sa kagandahan niya.Lalo ngayon,ang lalaking pinangarap niya ang nabighani sa kanya.Si Alex Llamarez nabighani kay Patricia Sandoval.Naman,naman!!
"Ano yun?" tanong ni Alex pero nakatingin pa din kay Pat.
Tumikhim si Pat, na nakangiti pa din ng matamis,"Alex, mag-uumpisa na yata ang binyag."she made sure na slightly seductive ang boses niya.
Dun medyo natauhan si Alex.He tore his gaze from Pat then tumingin kay Shelly.True enough, nakita niya ang pari at ibang mga godparents na pumwesto na.
Sa buong binyag pasulyap-sulyap si Alex kay Pat.Magka-hiwalay kasi ang mga ninong at ninang.
He told himself na he'll make sure na isasabay niya si Pat sa reception.He badly wants to talk to her .Madami siyang gustong sabihin.He wants to apologize to her.But at the back of his mind alam niya na he just simply wants to be with her.
Pat knows na palagi siyang tinitignan ni Alex.
So ngayon alam na nito kung ano ang feeling ng maglaway sa taong gustong-gusto mo pero mukhang wala ka namang pag-asa.She is not stupid,alam niyang iba na ang tingin ni Alex sa kanya ngayon.Kita mo nga naman ang nagagawa ng kagandahan.Ngayon siya naman ang nag-iisip sa dating sinabi ng bestie niya na mahirap pag maganda ka.Hindi mo alam kung nagugustuhan ka lang dahil sa hitsura mo.
Pat is happy and proud na ganito na siya ngayon.Sa laki naman kasi ng hirap niya di ba?Kung tama nga ang hinala niya na intresado si Alex sa kanya,well..weather,weather lang yan sabi nga ni kuya Kim.Sorry na lang ang binata kasi durog na durog ang puso ni Pat.So manigas si Alex!
Pat saw a familiar face na palapit sa kanya ng mag-uumpisa na ang picture taking.Mauuna ang mga ninang.Bale may 5 pares ng ninong at ninang.
Ninong din pala si Alvin.Yung pinsan ni Jake na cute nga kaso boring kausap.Napakadisente nito.Boy-next door type.Naka-eyeglasses.Mukha talagang intelihente.
Lumapit ito sa kanya and said hi.Huli si Pat sa mga ninang na magpapapicture with baby Ethan so sinamantala ni Alvin.
Alex saw everything.Katabi niya kasi sa upuan ang lalaking lumapit kay Pat.He is now talking to her.He doesn't like what he's seeing.
When it's Pat's turn for the picture taking with baby Ethan,hinatid pa ito ng lalaking kausap sa malapit sa altar.Buti na lang hindi nito hinawakan si Pat kung hindi baka hindi nakapag-pigil si Alex at baka nalapitan niya ang mga ito.

BINABASA MO ANG
I'm His Destiny (complete in BabelNovel and Dreame)
Romance(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* She has been just a shadow of her lovely best friend. Palaging sinasabi ng mama niya that she's beautiful too pero wala siyang pakial...