IMPORTANT:
I strongly advise that you read Her Possessive Lover first para mas maapreciate niyo po ang story na ito dahil galing sa first story ko ang main characters dito.Read every chapter dahil lahat sila connected for you to enjoy more the flow of the story.
THIS IS THE RAW VERSION. THE SELF -PUB VERSION WITH THE SPECIAL CHAPTER OF THIS BOOK CAN BE READ FOR on Dreame app. ( Same din po ang name ko dun Gracia Bonifacio) or just click this link:
https://m.dreame.com/novel/0uXYvw+v6uGGXxAaczZviw==.html
"TABA!!" nagising si Pat sa hiyaw ng kuya Allan niya.
Tinakpan niya ng unan ang tenga .Sarap kayang matulog.Linggo naman ngayon eh.Mula ng magtrabaho siya sa gravel and sand business nila Saturday at Sunday na nga lang siya nakakatulog hanggang gusto niya tapos heto ang magaling niyang kuya,mambubulahaw.
"Taba! Bangon ka na diyan!May naghihintay sayo sa labas!"
"Sino?Ang aga aga naman kasi kuya eh!" inis na sabi nito.
"Si Matt! Inaya ka yatang mag-jogging eh!"
Napabalikwas siya ng bangon! Naman,naman!! Nakalimutan niyang mag-set ng alarm!
"O bangon na diyan! Pag tatamad tamad kang ganyan sa pag-eexercise mo, hala ka babalik na naman ang katawan mo dati!" pang-aalaska ng kuya niya sabay labas.
Mabilis na naligo si Pat at nag-toothbrush.Maiksi na ang buhok niya ngayon.Tamad din naman kasi siyang mag-ayos ng buhok.Naka bob cut siya with bangs. Mula ng pumayat siya,madami ang nagsasabi na hawig siya ni Glaiza de Castro na nag A-angel Locsin din.
Katakot-takot na diet at exercise ang ginawa niya para gumanda ng ganito ang katawan niya ngayon.Minsan nacoconscious siya dahil feeling niya ang boobs niya ang hindi pumayat sa kanya.Parang ang laki-laki ng mga ito .HIndi niya alam na lalo itong nagpa-sexy sa kanya.
Pagkatapos magsepilyo, tinaas niya ang hapit niyang sleeveless shirt .Hindi na niya mabilang kung ilang crunches,planking at sit-ups ang ginawa niya para magka toned abs siya.Nangiti naman siya.Sulit naman ang lahat.Pwede nga siyang modelo ng canned tuna sa ganda ng abs niya.
Hinaplos-haplos niya din ang mukha niya,na napaka-kinis na ngayon.Change of lifestyle lang talaga ang kinailangan niya para ma-achieve ang mala diyosa niyang hitsura.Alaga din ng scrub ang balat niya kaya kahit hindi man siya kasing-puti ng bestie niya,saksakan naman siya ng kinis.Sabi nga ni Shelly ng huli silang magkita,sobrang ganda daw niya ngayon.Natatawa na lang si Pat pag tinatawag pa din siyang taba ng kuya niya kahit sexy na siya.Pang-asar lang talaga ng kapatid niya yun sa kanya.Nag John Robert Powers pa siya para ma-enhance ang personality niya.Wala na ang dating Pat na taklesa.Pinong-pino na ang kilos niya ngayon.Natuto na din siyang mag mix and match ng damit.Hindi na niya pwedeng palaging abalahin si Shelly dahil hands-on mom ito sa anak nila ni Jake.Wala ng bakas ng dating Pat na walang pakialam basta busog lang palagi.Madami na kaya siyang admirers ngayon.Pero ayaw niya pang ibreak ang record niya na no boyfriend since birth.
Ano kaya ang sasabihin ni Alex pag nakita siya nito ngayon?
Hay naku! Kailangan niyang burahin ang binata sa isip niya.Alam naman niya na kay Shelly ito patay na patay.At never na niyang gustong isipin na second choice lang siya kung sakali.Sa isang banda okay na din na nawasak ang puso niya dahil kay Alex.Kasi kung hindi,malamang hindi niya naisip na baguhin ang sarili niya.Ngayon lang siya nag-eenjoy sa life niya.Masarap pala talaga na may confidence ka at hindi na wallflower.Hindi niya pala kailangan ng genie para matupad ang pangarap niya na gumanda at magka-vavoom na katawan.Totoo talaga na pag may tiyaga,may nilaga.
She let out a sigh and went out.
"Taba! Buti naman lumabas ka na.Pasalamat ka na hindi nainip si Enchong Dee kakahintay sayo!" sabay tapik sa balikat ni Matt.
Tumayo si Matt pagkakita sa kanya.
"O iwan ko na kayo,Matt ingat ka sa kapatid ko ha?" pangaalaska nito sabay layas.
"KUYA!!" inis na sabi ni Pat.
Natawa si Matt sa mag-kapatid.
Ngumiti ito kay Pat ."Good morning angel." Bati nito.
(Pat's POV)
O bago mag-isip ng kung ano-ano.Eexplain ko muna ha?Nakilala ko si Matt sa gym.Kahit nung nag-start pa lang akong magpapayat,inalalayan na niya ako.Sinasamahan din akong mag-jogging.Hindi nga niya ako kinahiya dati eh.Imagine na lang si Matt hawig ni Enchong Dee tapos ang ganda ng katawan.Ako dati ang taba-taba tapos may pimples pa dahil sa kakakain ng chocolate.Pinagtyagaan akong alalayan ni Matt.Kasi daw parang nakita nito ang sarili sa akin. Mataba din daw siya dati.Tampulan ng tukso kaya hayan nagpapayat at nagweights para magka-muscles.
Kaya nga yata sila nag-break ng gf niya dati dahil sa akin.Napahiya nga ako noon, kasi sabi ng gf niya bakit daw siya sumasama sa baboy na kagaya ko?Nasaktan ako talaga nun pramis.Kaya nagpursige ako na baguhin ang sarili ko.O ngayon, mas maganda at katakam-takam pa ako sa ex niya.At angel ang tawag sa akin ni Matt kasi hawig ko nga daw si Angel Locsin.Yun na ang parang endearment niya sa akin.O ,haba ng bangs ko di ba? Pero hindi ko siya bf.Nasa friend zone pa lang kami.
"Hi Matt!" ngiti ko sa kanya.Confident akong nagpakita ng ngipin.Sayang naman ang pagpapa-bleach ko ng ngipin regularly if hindi ko ipapakita di ba?
"Tara na?" aya nito sabay alalay sa siko ko bago kami lumabas.
"Anak akala ko okay ka na dito?Bakit babalik ka pa sa Pilipinas?" tanong ng mama ni Alex.
"Ma,I need to check lahat ng mga business ko dun.Pag okay naman lahat baka ibenta ko na din pati yung iba pang business na kasosyo ako.Siguro nga hindi talaga ako para sa Pilipinas." Alex said while he sips his coffee.
Nasa bahay siya ng mga magulang niya.Kakahatid lang nila sa ate Annie niya sa airport.Babalik na ito sa Texas,kasama ang napangasawa .Nagbakasyon lang ang mga ito sa bahay ng magulang nila dito sa California ng ilang araw dahil Pasko.
Siya naman babalik ng Pilipinas pagkatapos ng bagong taon.
Sa nakalipas na halos isang taon,madami ng nabago sa kanya.
Mas naging seryoso siya lalo sa buhay dahil sa trabaho niya ibinuhos ang panahon niya para makalimutan niya ang nakaraan.
Nangingiti na lang siya pag naaalala niya ang mga kagaguhan niya dati.
Ngayon niya na-realize na hindi pagmamahal ang naramdaman niya kay Shelly.Matinding physical attraction na sinamahan ng kagustuhang maipag-higanti ang kapatid niya.
Sinong mag-aakala na magiging civil sila ni Jake Herrera?
Mula ng mailigtas niya si Shelly sa gagong ex nito na si Marco,nagkaroon sila ni Jake ng pagkakaunawaan.Ng umayos na ang lagay ni Shelly at ang nasa sinapupunan nito,nakapag-usap sila ni Jake.Sinabi nito ang side niya.Andun pa nga sila Patricia at Shelly.At ng tuluyang gumaling ang ate niya,pinagtapat lahat nito ang totoong nangyari sa kanila ni Jake.
At isa pang dahilan kaya uuwi siya ay dahil bibinyagan ang anak nila Shelly at Jake,ninong daw siya.Hindi na nga siya nakadalo sa kasal ng dalawa.So babawi na lang siya sa binyag.
All's well that ends well.Napangiti ang binata.
BIgla niyang naisip si Patricia.Kumusta na kaya ito?Hindi naman niya matanong kay Shelly.Dahil madalas si Jake ang mas matagal niyang makausap.Mahirap na,baka pagselosan na naman siya nito.
He will definitely see Patricia in a few days.Dadalhan niya ito ng maraming chocolates.Alam niya ang kahinaan nito.
BINABASA MO ANG
I'm His Destiny (complete in BabelNovel and Dreame)
Romance(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* She has been just a shadow of her lovely best friend. Palaging sinasabi ng mama niya that she's beautiful too pero wala siyang pakial...