MYFML 1 : She

13 1 0
                                    

Hi guys! Ako nga pala si Kaydee Colleen Bernardo, mahilig ako sa chichirya! Oh diba kala niyo kung gaano kaimportante ang sasabihin ko. Wahahaha



"Anak! Gumising ka na kala mo anak mayaman ka!" Meh. Siya ang aking inay! Charot siya si Mommy. Oh gulat kayo no? Mommy daw kala mo mayaman! Hahahaha



"Yes mommy pababa na po!" Wahaha naasar na to ngayon! Hahahaha



"Nak baliw ka na ba? San ka bababa e wala naman tayong hagdan? Tsaka tigil-tigilan mo ko kaka mommy mo jan ha nako anak hindi tayo mayaman para tawagin mo kong mommy sapat na sakin ang mama o di kaya inay o sadyang 'Min nalang nako anak." Talak ng talak to si mommy hihihi cinareer talaga e. Hahaha syempre bababa naman talaga ako sa kama alangan namang diretso ako sakanya bitbit yung kama.



"Goodmorning mommy!" Kiniss ko siya sa cheek at eto namang nanay ko nakakunot nanaman yung noo kaya andaming wrinkles jusko! Hahahahaha



"Anak tanghali na tsaka anong mommy hindi pa ba sapat yung talak ko sayo kanina? Nako jusko anak! Naiistress na ako sayo!" Kahit ganyan si mama hindi ko keri na hindi marinig ang sermon niyan kada umaga jusko nakakamiss! Hahaha



"Ma tanghali nab a yun 2:00? Ang aga pa niyan mame hihihi labyuu" Lambing lang katapat niyan e wahahaha



"Jusko anak!!! Naputulan na tayo ng tubig at lahat kalahati tulog ka parin"



"Ows mi wala tayong tubig? Okay lang yan makikiligo nalang ako kena Aling Minda labs naman ako nun e. Ikaw mi san ka maliligo? Wahahahaha—ray!!!!" Binatukan ako ni mama!! Huhuhuhu



"Hoy anak alam mo naman na may gusto sayo yung anak niyang si Dominic tapos dun ka pa maliligo nako anak ayoko pa maging lola kahit naman na pogi yung si Dominic at mabait nako wag ka muna dumagdag sa populasyon sa pilipinas anak hirap na hirap na nga tayo tapos—"



"Ma oa na makikiligo lang dadagdag na agad sa populasyon di ba pwedeng mawala muna yung—ay wag na nakakadiri. Hehehe pero mami dun lang ako maliligo tsaka may respeto naman yun si Dom tapos kaibigan pa kami kaya relax ka lang dyan mami tsaka walang gusto si Dom sakin okeh? Labyu punta muna ako sakanila—oops mami! Nasan towel ko? Hehehehe"



"Jusko! Apakamanhid mong bata ka! Nako baka makarma ka niyan wag naman sana!" Sigaw pa ni mami nung palabas na kong bahay. Ang bahay nina Aling Minda ay katapat lang namin at dinig na dinig niya ang sigawan namin nakakahiya! Pero keri na kesa naman wala akong ligo. Hahaha



"Aling Minda my laaaabs!!!"



"Oh iha problema? Naputulan nanaman ba kayo ng tubig? Oh pasok ka dito ka na maligo." Sweet talaga tong si Aling Minda kung di niya lang sinabi yung nanaman. Pero mahal ako niyan alam ko I feel it. Wahahaha

Make You Feel My LoveWhere stories live. Discover now