"MAME!!!!" Anong nangyari kay mame? Bat bigla siyang nahimatay? Jusko naman!"Mame gumising ka naman oh! Baka talon ka ng talon mame naman eh!!! Diba sabi ko sayo ingatan mo yang korona jan sa puso mo? Nakakainis ka naman mame e!!!" Jusko nagwawala na talaga ako ngayon! Naman kase tong si mame eh! Tigas tigas ng ulo. -______-
"Iha bat ka sumisigaw anong nangyare?" Si Aling Minda!
"Nang si Mame po! Paguwi ko dito sa bahay eto napo yung nadatnan ko may korona daw po siya sa puso!!" Naiiyak na talaga ako dito.
"Ano anak? Anong korona sa puso pinagsasabi mo jan? May sakit ba nanay mo anak?"
"Nang Coronary Heart Disease daw po ewan pero ang bobo naman ng doctor ni Mame! Nang ano pong gagawin ko di ko keri kung wala si mame!! Huhuhu"
"Jusko anak! Walang korona sa puso ang nanay mo! Sakit lang meron! Tumawag ka ng ambulansya dali!!!"
"Nang anong hospital po—ay! Opo nang!!!" Pano binatukan ako!! Eh sa tarantang taranta na ako! Wala daw korona si nanay sa puso? – ay mamaya na nga to! Uunahin ko muna yung ambulansya.
*Wee Wooo Weee Wooo* YUNG AMBULANSYA!!!! SALAMAT SA DIYOS!!!!
"Kunin niyo po yung nanay ko nasa loob inatake ata basta dalhin niyo na siya bilisan niyo po!!! Huhuhu" Nauna na kong pumasok sa ambulansya muntik na nga ako yung mahiga dun sa may higaan sa sobrang taranta ko e! Huhuhu Mame naman kase! At sa sobrang taranta ko naman kanina ay St. Lukes pa ang natawagan ko ito!! Jusko naman apakamahal pa naman dito! Huhuhuu bahala na basta para kay mame keri!!!
Naman kase e 300 lang yung dala kong pera kase yun lang bayad ni Aling Inday sakin! Huhuhu paano?!
"Ma'am did you know that your mom has a heart disease?" Kakadating lang naming dito at eto na agad salubong sakin ng Doctor jusko ano daw heart this is? Wrong gramming naman tong doctor na to.
"Umm... no comment." Syempre yan lang alam ko e! Napanood ko to sinabi to ni Jane sa PBB! Hahaha
"So you basically don't know. She has a Coronary Heart Disease and she needs an urgent surgery. We need to blah blah blah" My gulay!! Dumudugo na ilong ko dito! Anong surgery? Bakit kailangan ng urgent? May iimbestigahan ba? bat and slang naman ng pagkasabi niya ng agent? Tsaka alam kong may Coronary Heart This is si Mame pero kelangan ba talaga ng agent para dun?
"How many?" Syempre tinanong ko kung magkano hindi naman ako super bobo para hindi alam kung paano tanungin yung magkano.
"Excuse me ma'am? How many?" Bobo pala tong doctor na to e! Tinatonong lang kung magkano!! Tsaka anong excuse me dadaan siya?
"The pay how many?" Oh pinahaba ko na para sakanya ha! Special siya! Hahahaha
"Ohh you're asking how much... umm it would cost alot but one thing's for sure it will save your mom." Ano daw wala naman akong presyong narinig. Pero may lot! Teka kelangan bang lupa ang ipangbayad dito? Jusko wala pa naman kami nun! Naiiyak na ko! Hahanap ako ng paraan
Pero paano nga ba magipon? Impossible namang maglalaba lang ako a may instant lupa na kami ganern? Ano to instant noodles? Jusko paano?! Pero bago yan tawagan ko muna si Dom nuks! Kala mo may cellphone syempre si Aling Minda meron hihiram lang naman ako. Hahahaa
"Nang Minds pahiram po ng selpon niyo ples? Huhuhu tatawagan ko po si Dom." Oh deba? Hihingi ako tulong kay Dom baka may alam siyan raket! Sayang yun!
"Oh iha eto oh. Sabihan mo nalang din siya na nandito tayo sa hospital para dito na siya sumunod."
"Oki nang minds! Lamyu salamat sa tulong! :*" Nag flying kiss pa ko! Syempre nakakahiya naman kung sa harap niya ko hihingi ng tulong syempre andami nang tinulong ni nang minda sa amin! Nakakahiya! Hihihi
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Make You Feel My Love
Genç KurguHanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Yan ang madalas na tanong sa mga taong mag on, sasabihin nila hanggang sa dulo ng hininga ko o di kaya hanggang mamatay ako... Madaling sabihin para sakanila kase hindi naman nila nararanasan...