*Phone rings*
*Kinuha at Sinagot yung phone*
"ANO BA SINO BA TO? ANG AGA-AGA NAMBUBULABOG KA" tapos biglang sinagot "OH I'm sorry did I disturb you?" tapos bigla akong nagising sa katotohanan na Si Brent pala yung tumawag. Hala eto nanaman ang isang kahihiyan na nagawa ko sa kanya. Grabe sobrang nakakahiyaaaaa!
*Mga 10 seconds ata akong natulala*
"Hello are you still there?" tapos sabi ko "Hala sorry po talaga sa lahat ng nasabi ko. Please forgive me Sir. Brent. Nabigla lang po talaga ako sa mga nasabi ko"
"No. It's Okay"
"I want to see you later. Gusto kong pagusapan natin lahat ang finances ko mamaya. See you at Coffee Bean around 9 am sharp. Pag nalate ka ng 1 minute lagot ka saken."
*tapos biglang binaba yung telepono*
"Pero sir may pasok ako mamaya" --
Ay pucha wala na pala kong kausap. Hala Day-Off ko pala ngayong araw. Pero buti nalang nasaktohan nya.
*Pumunta na ng CR at nagayos*
May pagkamataray din pala yung Brent na yun! Hayuuuup eh. Pinagmadali ba naman ako. Eto ako ngayon papunta na sa Coffee Bean. NakaStreet Jeans lang ako at Blazer na Red na parang coat para kahit onti mukang disente man lang. naka 3 inches Heels.
8:30 palang nakarating na ko dito. Syempre natakot din ako sa kanya. Dala ko na lahat ng papers para sa kanya. Para maayos na lahat ng papers na kailangan nya.
9:00 na wala pa rin sya. Medyo nakakainis kase halos maubos ko na lahat ng kape na tinitinda nila dito pero wala parin sya Hanggang sa mag 9:30 na at naisipan ko ng itext si Brent.
--
To: Brent Bradley
Good Morning Sir. I'm Here inside the Coffee Bean waiting for you po. May I Ask kung tuloy ka pa po sa meet up naten dito. Please Textback po. Thankyou sir.
--
5 minutes na kong nagaantay sa text pero wala pa ring nagrereply. Nagtataka na ko kung baket ganto tapos biglang bumukas yung pinto sa Coffee Bean tapos nakita ko sya. May dala syang bouquet na puro red roses yung laman at bigla nyang binigay saken.
