FANGIRLING

15 0 0
                                    

*Clock rings*

Bwisit naman tong alarm clock na to! 4 hours lang tulog ko oh. Nakakairita namaaaan.
*may nagpop-up sa phone nya sa To do list*
Biglang kuha ng salamin at biglang binasa..

"BRENT BRADLEY'S FANSDAY @4PM"

Biglang sigaw "OMG! THIS IS THE DAAAAAY THAT I'VE BEEN WAITING FOR! "
Syempre 6 am palang ng umaga karipas na ko sa CR. Lagay ng Lipstick, Kuha ng Eyebrow liner, Onting Powder. Tapos gogora na.

Kasama ko pala yung Bestfriend ko na si Donna Willvon. Well partners in crime talaga kase kame. Half Canadian kase sya. Pagdating sa beauty siguro hanggang tuhod nya lang ako. Pero di naman ako patapon! HAHA!

Nandito na kame sa Kotse ko sinundo ko na kagad sya kase alam ko namang napaka kupad nya.

Pasakay na kame ng kotse ng bigla nya kong Hinatak. "HALIKA NGA MUNA DITO *with matching palo*" sabay sabi ko naman ng "Aray! Ano ba yon? Dalian na naten!" Tapos sabi nya "OOTD Selfie muna tayo bestie" Hay kung hindi ko to bestie siguro nasapok ko na to e. Well #selfieaddict talaga sya. Haha!

Eto on our way to Market-Market. Cavite to Taguig ba naman day! Pero syempre kailangan magtiis para makita si Brent myloves HAHAHA! *feelingera here*

And were here na. 2 hours para makapunta dito. Buti nalang maaga pa kame.

"Bestie, tignan mo oh, andaming tao sa labas ng coffee shop oh. We need to try that coffee later" sabi ni donna at sumang-ayon naman ako.

Pagkapasok namin sa mall diretsyo kame kagad ni donna sa Event Center para makabili ng Merchandise worth 450. And then I was surprised for what I saw!
ANDAMI NG PILA! Nagtanong kame sa guard kung saan ang huling pila at sinabi ng guard na "Doon po maam sa harap ng coffee shop". Madami pang paikot ikot para makapunta lang sa coffee shop.

Sabi ko kay donna "Ay putspa bestie yung akala mong madaming pumipila sa coffee shop ay ayon na pala ang last line wtf" and then sabi nya "Kailangan lang natin magtiis bestie para makita natin ang myloves natin" then pumila na kame.

Habang pumipila kame nagtaka kame kung baket yung nasa likod namen ay matanda na siguro nga nasa 40s na yun, tapos narinig namen yung usapan nila "Grabe talaga si Brent kahit matanda na ko kinikilig pa rin ako sa kagwapuhan nya" then bigla kameng nagkatinginan ni bestie at natawa lang kame ng palihim.

Tapos biglang sabi ni bestie "Grabe lahat talaga napapakilig ni Brent Bradley! "

Biglang umalis si Donna sa pila tapos biglang sabi ng "BABALIK DIN AKO KAGAD BESTIE" OMG san nanaman kaya pupunta tong babae na to. Pero wala rin akong nagawa kundi maghintay.

Mga 5minutes na ata ako sa pila pero di pa rin umaarangkada yung pila at wala pa rin si donna. *Biglang nagring yung phone ko*

"BESTIE CALLING....."

Pagkatapos ay sinagot ko. "Bestie where are you? "

Tapos sabi nya "Bestie pumunta ka na dito sa entrance nakabili na ko ng merchandise makakapasok na tayo. Dalian mo baka mahalata pa kong sumingit dito!!!!"

Karipas naman ako papuntang entrance ng event center habang nagiisip kung ano nanaman bang ginawang diskarte ni donna"

"Bestie eto na yung merchandise, makakapasok na tayo!!!" Tapos sabi ko "Anong diskarte nanaman ba ginawa mo?" Tapos bigla nyang sabi "Mamaya ko na ipapaliwanag!"

Eto nakaupo na kame sa loob ng event center at sobrang excited na kame ni bestie para makita si brentmylovesosweet. Hahaha! 12pm palang nakaupo na kame. Syempre sa unahan para kitang kita. 4pm pa magsisimula pero ang aga talaga namin dito.

May babaeng naglalakad na isa sa mga staff na naghahanap ng makakasali sa games kasama si Brent Then bigla nya kong tinitigan tapos sinabing "Isulat mo dito yung Full name mo then address tapos ikaw yung kasama nya sa games mamaya" Pagkatapos ako naman tong parang baliw na sobrang kinikilig. "ANG SWERTE MO TALAGA BESTIE" Sabi ni Donna.

"AND THE SHOW WILL STARTS WITHIN 10 MINUTES"

OMGGGG! MAKIKITA KO NA TALAGA SYAAA FOR REAL!

Lumabas yung host at inintroduce si Brent.

Pagkalabas nya hiyawan lahat ng tao. Napuno ba naman ang Market-Market ng almost 3k pips

Eto na sya kumakantang What do you mean by Justin Bieber. Naka leather jacket sya, Jeans at Black shoes.

Tilian lahat ng tao sa sobrang kilig then nahawakan ko kamay nya! OMGGGGGG! Nahawakan rin nya ng kamay si donna at bonus pa ni donna at hinarana pa sya sa stage. KAINGGIT HAHAHAHAH! Pero Im so Proud for my bestie.

*tili ako ng tili na halos maputol na yung litid ko sa leeg* HAHAHAHA!

Pag katapos ng song tinawag ng host kung sino yung makakasama ni Brent sa Stage para makalaro. " Ms. Yassi Medina akyat na po sa stage" Feeling ko ang haba na talaga ng buhok ko! How lucky I am.

Then ang game kailangan maipasa ang lahat ng 5 baraha kay Brent within 1 minute gamit lamang ang bibig.

Tilian halos lahat ng babae kase syempre bibig lang ang gagamitin at may babaeng fangirl na sumigaw "Ate yassi ang swerte mooooo!"

Ako naman sobrang kinikilig habang yung bestie kong si donna namumula na sa kilig HAHA!

"TIMER STARTS NOW"

Para akong baliw na namumula na nanginginig habang pinapasa yung baraha syempre ang lambot talaga ng labi nyaaaaa! Like Im going to die na. HAHAHAHA!

At natapos ko ang game ng maayos. Syempre buhay pa naman ako.

Bigla akong kinausap ni Brent "AFTER THIS SHOW, I WANT TO HAVE A SMALL CONVERSATION WITH YOU" tapos sumangayon nalang ako. What the! Ang swerte ko talagaaaaaa!

After the show may babaeng staff na lumapit sakin at sabi "Maam punta po kayo sa backstage gusto ka daw pong makausap ni Sir. Brent" at pumunta naman ako. Habang si bestie umuwi na kase may Family dinner sila.

"HI I'M BRENT BRADLEY. PWEDE KO BANG MALAMAN ANG PANGALAN MO? *medyo slang pa sya*" tapos sabi ko naman
"Ahm Hello I'm Yassi Medina." *kinikilig na medyo kinakabahan pa* tapos nakipag shakehands sya saken na parang matutunaw na ko. Hahaha! Tapos tinanong nya ko "Can I have your number?" Ako naman parang gusto ng tumili sa sobrang kilig pero napipigilan ko naman. "Sure. 0935 ..." tapos biglang sumingit yung babae na nagpapunta saken sa backstage na Personal Assistant nya pala "Sir. We have to go na po, May photoshoot ka pa po"
Nakakainis di pa kame tapos magusap e.

Habang paalis na sya bigla syang ngumiti. As in Killer smile talaga eto naman ako parang baliw na sobrang kinikilig na parang kiti-kiti.

Pauwi na ko. Pagsakay ko sa sasakyan tumili ako ng bonggang bongga sa sobrang kilig. Di ko akalain na mangyayari to.

Nakauwi naman ako sa condo ng safe kahit sobrang kinikilig pa rin. "Di makatulog sa gabi sa kakaisip " HAHAHAHA!

SIGNS IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon