CHAPTER 1

30 1 0
                                    


Novert Job Hernandez's P.O.V

"Hoy Novert! Lumabas ka jan! Magbayad ka na ng utang mo! Walangya ka tatakasan mo na naman ako. Lumabas ka jan!" ~tugsh bugsh~ Arggggghhhh! PUTEK! Ang aga aga ang ingay ni Ate beth. Balak pa atang sirain ang pinto ehhh. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang umuusok na ilong ni Ate beth.

"Ohhhhh!!! Ate beth kayo po pala yan. Kala ko kung sinong dalaga ang nasa harap ng pinto ehhh." Bigla naman siyang nag-blush. Hala siya! Pati ba naman sa matanda wala akong kupas? Gwapo ko talaga.

"Hay nakuuu! Novert wag mo kong binobola. Alam kong baby face pa ko kaya magbayad ka na jan!!!" HAHAHAHAHAHA! Ta**a! mas malaki pala ulo neto kaysa sakin.

"Ahhhh Ehhhhh Ate beth, ngayon ba yung bayaran?" Joke lang yan. Alam na alam ko naman na nung isang buwan pa ang bayarin ehhh. Wala pa kasi akong pera ehhh. Badtrip naman kasi di ko naman alam na girlfriend ng boss ko yung chix na lumapit sakin. Ang ganda ng babae kaya pinatos ko na kaso palpak ehh. Syota pala yun ng boss ko kaya ayun sesante ang loko.

"Novert nung nakaraang buwan ka pa di nakakabayad sa upa. Maraming nagtatanong ng bakante, sayang naman yun kung wala akong nakukuhang bayad mula sayo. Mabuti pa mag-umpisa ka ng mag-impake dahil nalulugi na ang bed spacer ko." Paano ko ba to mapapakiusapan na pagbigyan pa ko kahit isang buwan.

"Ate beth naman. Alam mo naman na kakatanggal ko lang sa trabaho ehh. Pagbigyan mo na ko kahit isang buwan lang. Please?" Sabay beautiful eyes ko. F**k ang corny ko tuloy. Unti-unti namang huminahon ang mukha niya. S**t di pa rin pala pumapalya ang charms ko. Ang lakas parin ng tama sa mga kababaihan eh.

"Sige na nga pagbibigyan kita. Pero isang linggo lang ang kaya ko. Meron ng lilipat jan next week kaya kapag di ka pa nakapagbayad papalayasin na kita." Umalis na rin siya pagkatapos. Hayyy! Makaligo na nga para mabawasan ang problema ko. Pagtapos ko maligo naghanap ako ng makakain ko. Wala na pala akong stock. P**a mamamatay na ko sa gutom. Mababawasan na ng gwapo sa mundo. Kawawa naman ang mga babaeng umaasa sakin. Tae ka Novert. Gutom ka na nga babae parin nasa isip mo kaya ka nawawalan ng trabaho eh. Makapunta na nga lang kila Raenan para makikain.

Pagkarating ko kila Raenan naabutan ko na naman ang lokong nagdo-drawing habang may headset. Walang araw na hindi ko to nakikitang nagdo-drawing yan. Pustahan mukha na naman yan ng nililigawan niya.

"Oh bro anjan ka pala." Sabi niya ng mapalingon siya sa direksiyon ko. Lumapit naman ako sa kanya at lumundag sa kama niya. Ganyan ako sa kanila eh. Feel at home na feel at home biruin mo magkasama na kami niyan simula pa bata kaya parang pamilya narin ang turing sakin ng pamilya niya.

"Oo kanina pa ko dito. Di mo ko napansin na pumasok sa kwarto mo dahil busy ka na naman jan sa pagdo-drawing mo. Patingin nga." Sabay agaw ko ng sketch pad niya.

"Aba! Yung drawing mo parang ako ahhh." Pagmamayabang ko.

"Huh? Ibig mo bang sabihin panget yung drawing ko. Sabi mo kasi parang ikaw ehhh. Akin na nga pupunitin ko na parang ikaw pala ehh." Siraulo talaga to. Binatukan ko nga.

"Siraulo! Ibig kong sabihin perfect ang pagka-drawing kaya parang ako." Pagpapaliwanag ko at ang loko nilayasan ako.

"HOY! SAAN KA PUPUNTA?!" Tanong ko lumabas kasi ng kwarto niya eh. Ewan ko ba kung bakit yan laging ganyan kapag nagsasabi ako ng totoo tungkol sakin. Bwahahahahaha.

"Sa lugar kung saan walang taong malaki ang ulo!" Sigaw niya. Tumakbo naman ako para habulin siya at ang g**o pupunta lang palang kusina para kumain.

"Ohh bakit ka sumunod?" Medyo naiirita niya pang sabi.

"Diba nga kailangan laging magkakasama ang mga gwapo." Sabi ko habang dumudukot sa chips na hawak niya. Napatingin naman siya sakin ng seryoso.

You made me specialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon