CHAPTER 3

13 1 0
                                    


Raenan Gonzales' P.O.V

Naglalakad ako papuntang bahay nila Amaica para sunduin siya. Gawain ko na ang sunduin siya sa bahay nila tuwing pasukan. Lagi kaming magkasabay pumasok at umuwi. Matagal na akong nanliligaw sa kanya pero di niya parin ako sinasagot dahil di pa raw siya sigurado kung mahal niya na daw ako katulad ng pagmamahal niya kay Aj. Si Aj? Siya yung lalakeng minahal niya ng sobra at ganun din si Aj sa kanya. Niligawan siya ni Aj ng matagal. Kahit na gusto niya itong sagutin di niya magawa dahil natatakot siyang baka masaktan niya ito ng sobra. Iba kasi si Aj kapag nasaktan. Kaya niyang gawin ang lahat. Kahit buhay niya pa ang kapalit. Ngayon nag-uumpisa na siyang kalimutan si Aj. Dahil nga sa mahal ko siya handa akong magpagamit sa kaniya bilang rebound. Kaso ayaw niya daw akong masaktan. Tae tama na nga.

Nasa harap na ko ng bahay nila ng makita ko siyang nag-iintay at mukhang inip na inip na.

"BE!" tawag ko sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay kinuha ko agad ang bag niya pati yung mga libro niyang hawak. Nakasimangot naman niyang inabot ito sakin.

"Ang tagal mo naman ehh. Kanina pa ko naghihintay. Lumabas na nga ako ng bahay dahil sa sobrang inip. Buti naabutan mo ko dito." Medyo naiinis niya paring sabi. Natawa naman ako sa kanya. Ang cute niya kasi kapag naiinis.

"Anong tinatawa tawa mo jan?" Inakbayan ko naman siya para kumalma na. Lambing lang kailangan nito ehh.

"Halika na nga be malelate na tayo ehh. Sorry na rin po dahil late ako." Naglakad na nga kami papuntang school. Di naman kalayuan ang bahay namin at bahay nila sa school kaya naman nilalakad lang namin toh. Mas romantic yun. Hahahahaha. Baduy!

Pagdating namin sa school madami-dami narin ang mga istudyante. Papasok na kami ng building ng may tumawag saming mamaw.

"RAE AND AMAICA!" Tawag ng mamaw na si Novs. Ang aga aga ang ingay. Nang makalapit siya samin. Nagtataka niya kaming tinignan.

"Teka nga. Kagabi palang kayo nagkita magka-akbay na agad kayo ahh. Masama yan bro. Di pa nga kayo ni Maica nagtataksil ka na agad." Di niya nga pala kilala si Maica.

"Tanga! Iisa lang si Amaica at Maica. Di mo ba napansin na "A" lang naman ang nabago dun sa pangalan." Sabi ko. Nakita ko naman sila Daniel kasama si Rensel na papasok pa lang rin ng school.

"Oo nga no." Sabay kamot sa batok niya. Tanga talaga.

"Yow Bro!" Bati namin sa isa't isa. Nagsabay-sabay narin kami pumasok sa building. 4th year hs section 2 kami nila novs habang sila Maica naman ay section 1. Papasok na kami sa kanya-kanya naming classroom ng biglang napahinto si Novs. Nagtataka naman naming sinundan ang tinitignan niyang direksiyon. At pagkatingin ko HALA?! TOTOO BA TO?

Daniel Castro's P.O.V

Grabe di ako makapaniwalang may tinatago siyang ganyan. Di naman siya ganyan nung huli ko siyang makita. Imbis na kay Coleen ako tumitig dahil type ko siya. Di ko maiwasang tumitig kay Denise dahil sa ayos niya ngayon. Magkatabi lang naman ang classroom namin pero bakit di namin siya napapansin. Sa ganda niyang yan di siya makikilala ni Novs? Eh lahat ng babae kilala niya basta maganda ehh.

"Ta**a. ANG GANDA. S***!" Sarap sungalngalin bibig neto ni Novs ehh. Puro mura ang laman ng bibig.

"Wow ahh. Busog na busog ako sa mura mo Novs ahh." Sabi ni Amaica ng natatawa pa. Nang makalapit samin si Coleen at Denise. Tiningnan ko naman si Coleen at kinabahan ako ng mahuli ko siyang nakatingin sakin.

"Hi!" Masayang bati niya. Nag-hi naman ako pabalik.

"Ano tatayo nalang tayo dito sa daan?" Naka-simangot na sabi ni Denise.

You made me specialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon