Hindi ko alam kung tatanggapin pa ba ako non pag pumunta ako sa kanila bukas.
Kailangan namin mag usap. Kailangan kong pag isipan mabuti tong gagawin ko.Kinabukasan, hindi ko pa alam kung makaka punta ba ako.
Napag isip isip ko kasi na hindi lang basta basta si Cait. Totoong tao siya na minahal niya talaga ako. Hindi ko alam kung ano na mangyayari kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko na siya dati pa pero nahihiya lang ako kasi ang layo niya sa mga exes ko.
Hindi ko rin napansin na sa kanya lang ako tumagal ng 4 na buwan. Dahil karamihan sa kanila hanggang isang linggo, usang buwan o hanggang 2 lang.
Hay kung pwede ko lang ibalik lahat noon. Yung panahong ipinag luluto niya ako sa condo ko. Doon siya natutulog nung panahong okay pa ang lahat at hindi ginulo ng gago kong kaibian yung utak ko.
Namimiss ko na yung ngiti niya, yung sasalubungin niya ako sa pintuan ng condo ko. Kaso wala na nasabi ko na lahat ng hindi maganda sa kanya. Hindi ko alam bakit ako kumagat at nagpaniwala at nagpauto sa gagong yun kahit kailan talaga gago yun. Pero wala na akong magagawa dahil tapos na nasabi ko na lahat nasaktan ko na siya, napaiyak ko na siya ng sobra. Kailangan ko na siyang puntahan sa kanila bukas. O di kaya sa isang araw para medyo maayos na siya.
----Caitlyn's POV
***Omyg. This is it! Flight ko na bukas papuntang France! Nakaka tuwa dahil may offerna work sa akin agad so kailangan kong mag stay ng 5-6 years don dahil yun yung nasa contract ko wohoooo!
Doon ko ipapanganak yung baby ko pero syempre dapat dual citizen siya. Kaya ko na siyang buhayin non. Malaki rin naman yung offer sa akin don kaya hindi ko na kailangan mag alala. Papadahan ko pa rin ng pera sina mama. Excited na ako para bukas wohoooo! 7am pala ang flight ko. Matutulog na muna ako.
---Here @ naia with family. :)
Can't wait to go there atleast malayo na ako sa hayup na yun.Ilang minuto pa bago tinawag ang flight namin, kaya nag paalam na rin ako sa kanila. Ayoko ng drama no pero diko maiwasan di umiyak syempre 22 years of existence tsaka ako aalis ng bansa haha. :)
Off to France. :) zzzzzzzzzz...
----Alexander's POV
***Kakatok na ako sa gate nila ng makita ko ang pamilya niya na pababa na ng sasakyan.
Namamaga ang mga mata nila, syempre hinanap ko agad si cait, pero hindi ko nakita kaya hindi na ako nakapag pigil tinanong ko yung mama niya."Goodafternoon po, nasaan po si cait?"
"Hoy! What are you doing here? ang kapal ng mukha mong pumunta dito ah" - tita ni cait
"Gusto ko lang po siyang maka usap kung pwede po sana?"
"Hindi mo ba alam? Umalis na siya." -mama
"Umalis po? Saan po nag punta?"
"Basta, 5-6 years ang contracr niya. Pero depende sa kanya kung uuwi pa siya. E gusto niya na don mag stay e." -mama
"Saan po ba siya pumunta?"
"Bakit? Ipapahiya mo ba ulit? Hindi ka pa ba nakontento sa ginawa mo sakanya non?" -tita
"Hindi po sa ganun, gusto ko po siya kausapin at mag papaliwanag po ulit ako sa kanya."
"Para saan pa? Okay na yung pamangkin ko. Pwede ka ng umalis."
Wala na akong nagawa kundi ang umalis na lang. For sure mababalatan ako ng buhay.
Hindi ko alam kung saan siya ng punta tapos 5-6 years siyang mag sstay don? Paano na yung anak ko? Hay nako hindi ko alam kung buntis ba talaga siyao ano e.
Uuwi na muna ako at sasabihin ko yun sa kanila."Mom! She left the country, I don't know where to find her. Hindi sinabi ng family niya galit silang lahat sa akin e."
"Hayaan mo na muna si cait, for sure masaya na siya doon."
"Mom bat parang alam mo kung nasaan si cait?"
"Hindi ko alam hijo, pero alam ko kung ano yung lugar na gustong gusto niyang puntahan."
"Where is it mom? I need to find her, I need to talk to her."
"Hindi ba niya sinabi kung ano yung gusto niyang puntahan? Hayaan mo na muna siya anak mabilis lang ang 6 na taon, mag kikita pa rin kayo ni Cait wag kang mag alala at baka mamaya may apo na akong bitbit niya. Mag focuska muna sa business natin mga batapa kayo 22 ka lang siya din 22 diba? O for sure matured enough na kayo non 28 na kayo non anak."
Pero hindi ko pa rin alam, gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang makita, kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya? Baka magka boyfriend na yun doon. Imposibleng walang magka gusto doon.
Napaka bait niya, maganda, lahat ng hinahanap ng isang lalaki nasa kanya na. bakit ba napaka tagal ng 6 na taon gusto ko na siya makita, gusto ko na siya makasama ulit.
Mag sosorry ako sa lahat ng ginawa ko, gusto ko pag nag kita kami, may sarili na kaming bahay papagawaan ko siya ng bahay yung gusto niya, tapos sasakyan, volleyball court, swimming pool, at bilyaran.
Nakakamiss kalaro ng billiards si cait. Nakaka tuwa lang alalahanin yung mga pag aasikaso niya sa akin noon nung magkasama pa kami. Yung hindi pa niya naririnig yung lahat ng mga sinabi kong masasakit at masasama sa kanya.
Hindi ko alam na mahal ko na pala talaga siya. Kaya pala ganun ganun na lang yung nararamdaman ko kapag may sinasabi akong masasakit sa kanya labag sa loob ko, pero sinasabi ko pa rin dahil kaharap ko si zach. Matawagan nga yun ng malaman niya na wala na si cait.
---"Anong drama natin Bro?" Sabay tapik sa braso ko.
"Wala na si cait e"
"Bakit? Patay na si cait? Diko alam yun ah"
"Gago! Umalis na si Cait, hindi ko alam kung saan nag punta e. Si mommy alam kong alam niya, ayaw lang sabihin."
"Akala ko ba hindi mo mahal si cait? E bakit namomroblema ka jan?"
"Tangina naman Zachary! Kahit naman ngayon mag tino ka ng pakikipag usap sa akin ang sarap mong sapakin."
"E para kang broken hearted e!"
"Yeah! Ewan ko nagugulahan na nga ako e. Gustong gusto ko na siya makita."
"Alam mo, itulog mo na lang yan pre. Baka pag gising mo nasa Pilipinas na si cait o baka nasa tabi mo na siya."
"Sana nga pag mulat ko nandito na siya, kasama ng anak namin."
"Anak ninyo? Gago seryoso?"
"Hindi ko pa sigurado e, ang sabi niya lang kasi nung nag suka siya sa harap ko, hindi daw siya buntis at nag pipills siya."
"Wow! Ang taba ng anak niyo niyan lalo na kapag lalaki yan."
"Gago! Nangangayayat nga siya diba? Kaya nga tinanong ko si mommy non kung ano ang symptoms ng buntis, ayun medyo pareho ng sa kanya."
"Ninong ako pre,"
"Gago! Umalis kana nga"
"Ayos ka rin ah, pinapunta punta moko tapos papaalisin mo rin ako? Grabe ka na talaga, inloveka lang e."
"Ungas! Kumain na nga lang tayo."
-----"