Chapter 1

2 0 0
                                    

Makalipas ang ilang minuto simula ng iwan niya ko ...

Andito parin ako ..walang ibang ginawa kundi umiyak ...wala kang maririnig kundi tanging hikbi ko lang...ang sakit...sobrang sakit...

Doon lang pumasok sa isip ko na di ito ang oras para magmukmok at maglumpasay sa iyak dahil sa loob ng simbahan nag aantay sila ...walang kaalam alam sa mga nangyayari...tumayo ako't pinunasan lahat ng luha kong kanina pa ayaw tumigil inayos ko ang sarili ko kahit di na naman maayos pa ...ang mukha kong pawisan na dahil sa sobrang init ng damit ko sabay mo pa ang mahabang damit...ngunit isinantabi ko muna lahat alang ala sa kanila.
Pinilit kong tumayo kahit nanginginig na ko parang di ko yata kakayanin kaya napahawak ako sa isa sang mga bench at doon inihanda ang sarili at para di magmukhang kawawa sa harap nila..napatingala nalang ako sa taas dahil sa nagbabadya na namang luha na gustong lumabas ,isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago magsimulang maglakad patungo sa loob kung saan nagiintay sila ...

Bawat hakbang na ginagawa ko paulit ulit na rumerehistro sa utak ko lahat ng mga sinabi niya sakin kanina...

"Im sorry ,I can't marry you"

"Im sorry I'm not ready please understand"

"Im sorry "

"Im sorry"

"Im sorry"

Gago! Sinong niloko mo?! Ngunit
Isang patak na naman ng luha ang lumabas .Napakagat nalang ako ng labi sa mga nangyayari na sa sobrang kagat di ko na maramdaman ...manhid...pinahid ko ulit yon nang malapit na ko sa pintuan ..Inihanda ko ang sarili ko para harapin lahat ng nasa loob,nung una inisip ko na umalis nalang din kaya ako? Para di ako mapahiya sa harap nila baka kaawaan pa nila ako pag nagkataon dahil sa di na matutuloy ang kasal ko dahil iniwan niya na ko ayoko pa naman sa lahat ay yung kinakaawaan ako o kaya naman ay magkunwari akong naaksidente siya para di mahalata o kaya naman ay sabihin ko duty ca- pinilig ko ang ulo ko, napaupo ako dahil parang di ko kakayanin na harapin sila kahit ilang beses ko siyang patayin ,saksakin ,kulamin,lasunin at iba pang pwedeng ikamatay niya sa isip ko di parin maalis sa isip ko na wala na siya iniwanan niya ko sa ere at yung nangyari kanina ,durog na durog na ko! Bwisit! Bakit sakin pa? iniisip ko na alam niya bang nasaktan ako sa ginawa niya?nakokonsensya kaya siya?muli isang luha na naman ang tumulo sa lupa ,nanlalabo na yung paningin ko dahil sa mga iniisip ko ni hindi ko na nga ata kayang tumayo dahil hinang hina na ko yumuko ako para makita ang mga luhang unti unting tumutulo sa lupa habang nakahawak ang isang kamay sa pinto bilang sandalan ko dahil alam ko di ko kakayanin at baka matumba pa ko ang isa nama'y tinatakpan ang mukha habang nakatayo di ko maiwasang manginig ang mga tuhod ko sa mga nangyayari umiiyak na naman ako .

mga ilang minuto pa at napagpasiyahan ko nang pumasok sa loob at ihanda ang sarili ko nakita naman ako ng guard ..sila kasi yung magbubukas ng pinto para makapasok ako ..nagulat pa sila nang makita ang hitsura ko na mugto ang mata, pulang pula ang ilong pati ang mga mata at basang basa pati buong mukha I look exhausted inside and out. Ngumiti nalang ako sa guard sinensyasan na pagbuksan ako at sinunod naman nila iyon ,hinanda ko ang sarili ko gamit ang isang malalim na buntong hininga nang nasa gitna nako at nakatuntong sa red carpet..

Unti unting nagbukas ang pinto at alam kong unti unti din iyon nakakuha ng atensyon ng lahat kitang kita ko ang gulat na rumehistro sa kanilang mukha malamang etong mukhang to ba naman ang ikakasal? Malamang..

Dahan dahan akong naglakad papunta sa altar all eyes are on me at kung titingnan silang lahat ay gulat na gulat ,makikita sa kanila ang pagtataka dahil bakit ako pa ang nauna samantalang groom ang dapat nandun nauna pero sa kasamaang palad hindi dahil naunang umalis ang groom ko kesa sakin.Letse!

Nakita ko sila paula at ariane mga bestfriend ko pati rin yung kabarkada niyang sila miguel, drake,paul,darius,angelo at si troy ang best man na naguguluhan bakas sa mukha nila ang pagaalala lalong lalo na kay tatay na ngayon ay nakatingin lang sakin lumapit sakin si troy ngunit isang ngiti lang ang ginawad ko dahilan para mapahinto siya tanging ginawa nalang niya ay sundan lang ako ng tingin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na alam ko unti unting nanghihina na ang mga tuhod ko papuntang altar..

Isa na namang buntong hininga ang ginawa ko nang makarating ako sa mismong altar at lumapit ako sa mikropono upang magsalita pero bago muna yun ay kumuha ako ng isang malalim na buntong hininga ..kaya ko toh pangako hindi ako iiyak sa harapan nila ayokong kaawaan nila ako ayokong makitang nasasaktan si tatay at kapag nasabi ko na bababa ako at aalis malayo sa kanila gusto ko munang mapagisa gusto kong umalis ng walang iiwan na marka..tama yan eto ang dapat kong gawin pakita sa kanila na kaya ko kahit wasak na wasak na ko..tumingin ako sa kanilang lahat nakita ko si tatay inaalalayan na siya nila paula at ariane nang makatuntong nako sa maliit na entablado linibot ko ng tingin ang kabuuan ng simbahan maganda ang pagkakagawa ng kasal gusto ko sanang magpasalamat sa wedding coordinator dahil nakuha niya yung wedding design na gustung gusto ko pero wag nalang lalo lang akong masasaktan..nakita ko ang ibang mga bisita na nagbubulung bulongan nakita ko din ang mga kabarkada niya na tila ba may kinakalikot sa cellphone na tila may tinatawagan nakita ko naman ang mga magulang nya na mukhang nagaalala kaya para matapos na lahat ng ito ay sasabihin ko na..sana manlang nakapaghanda ako ng speech ko. Tinesting ko ang mic. Dahilan para matigil sila sa ginagawa nila.

"Ahh...mic test..mic test?"

Lahat na ng atensyon ay nasa akin kumuha ako ng isang malalim na buntong hininga

" ahm..s-siguro ay nagtataka po kayo kung bakit di pa nagsisimula ang k-kasal? ",lumunok muna ko dahil nararamdaman ko na namang umiinit yung mga mata ko

"G-gusto ko lang po h-humingi sa i-inyo ng p-pasensya at t-tawad"ngarag na yung boses ko shit! alam ko kaya ko toh!! tumingin ako sa kanila alam ko yung iba nakuha na pero ang iba namay di pa talaga naiintindihan tilay naguguluhan parin kaya di ko na toh patatagalin ..

" h-hindi na p-po m-matutuloy ang k-kasal " halos lahat sila napasinghap sa pangyayari tumingin ako sa mga kaibigan ko malungkot at lumapit si troy para puntahan ako pero pinigilan ko siya kasi baka paglumapit siya tuluyan na kong bibigay..

" bakit?" Tanong niya pero isang mapait na ngiti lang ang sagot ko,muli ay tumingin ako sa kanila at nagsalita

" hindi na po matutuloy ang k- kasal k-kasi ...k-kasi.." Shit! Anu ba! Sabi ko kaya ko Eh! kaya ko toh! Pero yumuko ako at napahikbi nalang ako dahilan para marinig at makita nila lahat kaya para pigilan ang mga luhang handa nang bumagsak ay tumingin ako sa taas para patigilin ang mga luha ko..at diretsong bumalik ang tingin sa kanila kahit na nanlalabo na ang paningin ko

"K-kasi sabi niya hindi pa raw siya handang m-magpakasal sakin kaya umalis nalang s-siya humihingi po ako ng tawad sa inyo para sa abala maaari na po kayong umuwi .." Nag simulang nang pumatak ang mga luha ko At doon na lumabas lahat ng sakit na nararamdam ko ,bigat na kanina ko pa dinadaing sobrang sikip na ng dibdib ko dahil di ko makayanan lahat ng nakikita ko kaya tinakpan ko ang bibig ko at di ko na nakayanang tumayo kaya napaupo ako at duon humikbi hanggang sa hagulgol ang ginawa ko na sobra sobra na toh..

Sa lahat lahat ng pinagdaanan ko sa lahat lahat ng problema at sakit na nangyari eto na ata ang matindi dahil di ko akalain na mangyayari toh ..nangako siya ...nangako siya na di niya ko iiwanan ...nangako siya na di niya ko sasaktan..eh siraulo pala siya eh!! Gago siya ! Bwisit! Letse! ..sana sinabi niya nalang na nagsisinungaling siya nang di ako magmukhang tanga!..

Ang bigat ng pakiramdam ko, di ko na nagugustuhan toh..di ako makahinga anuba! Patuloy parin akong umiiyak...ayoko na!

Nakakapagod...

Ang sakit...

Nahihiya ako sa sarili ko...

Nahihiya ako sa kanila...

Naawa ako kay tatay...

Nakakapagod na...

Tama na...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It had to be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon